Chapter 29

67 6 2
                                        

Habang kumakain ng hapunan hindi parin maalis sa isip ni Ylona ang nangyari kaninang hapon.

"Open your eyes Bie .. BIE BIE BIE!"

Ylona: Uhg!

Dahil sa paulit ulit ang salitang "Bie" sa utak nya hindi nya na malayan na nasa harap sya ng hapagkainan at nagdabog sa lamesa.

Lala: Ok ka lang ba Apo?

Tanong ng Lala nya na nagulat sa ginawa ng Apo nito.

Ylona: Po? Ah .. sorry po.
Lala: May problema kaba? Hindi mo ginagalaw yung pagkain mo.
Ylona: Busog pa kasi ako Lala. By the way La magsli'sleep over po sila Ryan dito sa bahay mamaya.
Lala: Ah ganun ba. Sige papalinis ko na yung kwarto mo mamaya.
Ylona: Thanks La.

--
Ryan: Ok na ba yang mata mo girl?

Tanong nito habang bumabyahe papunta sa bahay nila Ylona.

Barbie: Huh? Medyo ok na.
Zonia: Napano ba yan?
Ryan: Oo nga. Ang lala ng pula oh .. parang sour eyes.
Barbie: Grabe sya oh .. natamaan kasi ako ng tsinelas na binato ni Ylona-
Ryan: What? Binato ka ni Ylona ng tsinelas?
Barbie: Hindi. Umilag kasi si Bailey na dapat sya ang tatamaan, eh bigla akong sumulpot sa likod ni Bailey kaya ako ang natamaan.
Zonia: Ah .. ang malas mo naman.
Ryan: Eh bakit naman nagbabatuhan sila ng tsinelas? Nagaaway ba sila?
Barbie: Hindi naman siguro. Parang nagbibiruan lang sila.

Hindi maalis ang ngiti ni Barbie sa nangyari kanina. Hindi dahil sa natamaan sya ng tsinelas kundi nakita nya si Bailey kung paano ito magalala sa kanya.

--
Ryan: Hello girl!!
Ylona: Buti naman nandito na kayo. Ok naba yung mata mo?
Barbie: Medyo ok na.
Ylona: Bumili ako ng pampapatak sa mata para maalis yung pula ng mata mo. Sorry talaga hindi ko talaga sinasadya.
Barbie: Ano kaba nagabala ka pa. Hindi mo naman kasalanan ..
Ryan: Hay naku tama na nga yan .. may dala akong bagong dvd tape tara na ..
Ylona: Sige hatid ko na kayo sa kwarto then maghahanda ako ng snack natin.
Barbie: Tulungan na kita.

--
Ylona: May tira pang ulam dyan kanina .. initin ko na lang para kung gusto nyong kumain ng kanin mamaya
Barbie: Malamang si Ryan magkakanin yun. Hindi daw sya nakapaghapunan dahil sa sobrang excited pumunta dito hindi na nakakain.
Ylona: Haha ..

Nagluto sila ng french fries at nagbake din ng cookies. Madalas nila itong kinakaing apat lalo na pagnanonood ng tv.

Ylona: Kasya na kaya to satin? Mukhang madame dame ang dala ni Ryan ng dvd tape.
Barbie: Im pretty sure na kulang nga to.
Ylona: Magdagdag na lang tayo ng nachos baka gusto nila. Then damihan na rin natin ang pagbake ..

Ilang oras din silang natapos dahil sa marami raming binake ni Ylona. Mayamayang sinisilip ni Ylona ang phone nya dahil nagpromise si Bailey na tatawag ito. Pero ilang oras na hindi parin ito tumatawag.

Barbie: Snacks ready!
Ryan: Sakto tapos na rin kame magayos ng gamet. Anong uunahin nating papanoorin?

Habang nanonod bigla naman tumunog ang phone ni Barbie kaya nagulat naman si Ylona sa pagkakaakalang sa kanya. Pero na dismayado itong nilapag sa kama. Samantala napataas naman ang kilay ni Barbie dahil number lang ang nagtex sa kanya.

From: 0906*******

"Hows your eyes?"

At muli itong nagtex ulit.

From: 0906*******

"Namumula parin ba?"

Barbie: Excuse lang guys ..

Pageexcuse nito at lumabas ng kwarto. Agad naman nya itong tinawagan kung sino ang nagttex sa kanya at alam nito ang tungkol sa mata nya. Sinagot naman agad sa kabilang linya.

Barbie: Hello? Sino to?
?: Hello?
Barbie: B-Bailey?

Tanong nito. Hindi sya maaaring magkamali dahil alam niya ang boses ni Bailey sa phone.

Bailey: Hows your eyes? Ok na ba?

Hindi naman sya agad nakapagsalita.

Bailey: Hello? Are you still there?
Barbie: A-ah .. im sorry.
Bailey: No. Ako dapat magsorry dahil kasalan ko kung bakit nagkakaganyan yung mata mo. Napacheck mo na ba?
Barbie: No its ok. Actually medyo ok na sya and konting pula na lang.
Bailey: Good.
Barbie: Ahm .. number mo ba to?
Bailey: Yup. Why?
Barbie: A-ah nothing.
Bailey: Sige magpahinga kana.
Barbie: Ok bye.

Pagka'end call nito hindi nya mapigilang kiligin pero bigla syang napatigil ng maalala nya nang itext nya si Bailey nung nakaraang araw.

Barbie: Kaya pala hindi sya nagreply .. nagpalit na pala ng number. Kung ano ano tuloy ang inisip ko kung bakit hindi sya nagreply nung gabing yun.

"Hindi pala sya nagbago .."

Ryan: Ang tagal mo naman sa labas? Sino ba yung katawagan mo?

Tanong nito pagkapasok nya ng kwarto.

Barbie: H-huh? Si .. si mama. Mukhang namiss agad ako eh haha!
Ylona: Haha! Hindi talaga sanay ang mama mo paghindi ka katabi.
Barbie: Ngayon lang naman ..
Ryan: Anong ngayon lang? Pano kung pagbumalik kana sa america? Hindi ka na naman makakatabi ng mama mo.

Bigla naman sya nalungkot ng maisip na isang buwan na lang babalik na sya ng america para ipagpatuloy ang pagaaral nya. Bigla naman tumunog ang phone ni Ylona at napangiti ng mabasa nya kung sino ang tumatawag.

Ryan: Ano call center lang ang peg nyo ngayong gabi?
Zonia: Inggit ka lang walang tumatawag kasi sayo.
Ylona: Excuse lang guys ah ..

Nagsinungaling sya sa mga kaibigan kung sino ang katawagan nya kanina. Alam nyang may girlfriend na si Bailey at ang kaibigan nya pa pero ilang taon na ang nakalipas mahal nya parin ito at nagsisisi sya kung bakit iniwan nya ito. Alam nyang kasalanan nya kung bakit ngayon hindi nya masabing sa kanya si Bailey dahil una sa lahat sya ang nangiwan.


***
#BAILONA

Win The FightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon