Bago umalis ang aming guro ay may sinabi pa ito.
"Both of you will represent our section. Be prepared.", pinal na sabi nito at tuluyang umalis.
Babalik na sana ako sa aking upuan ng bigla akong hilahin pabalik ni Jared.
Napatingin ako sa kanya, pero napag-alaman kong hindi siya sa akin nakatingin kundi kay Thirdy.
Parehong galit ang kanilang ekspresyon at nagsusukatan ng tingin.
Ano bang problema ng mga 'to?
What's the big deal?Nasa gano'n ang kanyang pag-iisip ng biglang may nambato ng bag kay Jared. Mabuti nalang at naka-ilag ito.
"Hanep dude! Ang seryoso natin ahh? Umuwi kana nga!", nakangising saad ni Ivan.
Ito pala ang nambato ng bag kay Jared.
Jared answered him with an evil smile. Pinulot nito ang bag sa sahig at bumaling sa kanya na nakangiti.
"I'll go ahead, PARTNER! see you!", kumindat na sabi nito bago tuluyang tumalikod sa kanya.
Sumunod naman si Ivan dito. Napabuntong hininga nalang siya. Mahirap talagang intindihin ang mga lalaki.
Dumiritso siya sa kanyang upuan at iniligpit ang kanyang mga kagamitan.
Sinulyapan niya si Thirdy na nakatingin lang sa kawalan, habang nakatiim-bagang. Napailing-iling nalang siya."Mukha talaga silang Ewan! Ang hirap intindihin, daig pa ang baklang nagme-menopause.", halatang inis na saad ni Maraya.
"Yeah, I know right! And Ivan is the worst one, walang manners!", inis rin na kumento ni Vench.
Natawa naman siya sa reactions nila. Mukhang may tinatagong galit ang mga ito sa dalawang lalaki.
"I'll go ahead Ash, andyan na ang sundo ko ehh, bye-bye!", pamamaalam ni Maraya.
"Ako rin Ash, may work pa ako. Bye!", paalam din ni Vench.
I just smiled at them and wave goodbye.
Hindi talaga sila magkakasabay sa pag-uwi. Sapagkat may sundo si Maraya at may part-time job naman si Vench. Kaya lagi akong mag-isang umuwi.
Nang makarating ako sa may PUV terminal ay hindi na ako nagulat sa dami ng pasaherong nakapila.
As always, makikipag agawan naman siya nito.
Paano ba naman kasi, kahit paparating palang ang jeep ay nagsisitakbuhan na ang mga tao papalapit dito. Wala paring silbi ang pila.
Mula sa di kalayuan ay may paparating na jeep. Kumilos agad siya, nakipag unahan siya sa iba pang pasahero.
Dahil sa bigat ng bag niya ay nahihirapan siyang tumakbo ng mabilis. Kaya nang makarating siya sa pinaghintuan ng jeep ay occupied na ang lahat ng upuan.
Kaya wala na siyang ibang naisip kundi ang kumapit nalang sa may pintuan nito.
"Miss bawal ka diyan! Baka ka mahulog.", sabi ng mamang tsuper.
"Cge na po manong, Nagmamadali po kasi ako ehh. Promise, kakapit po akong mabuti.", pagmamakaawa niya.
"Ikaw ang bahala. Kung malaglag ka man wala na akong pananagutan sayo ha?.", anito.
Tumango nalang siya. Alam niyang dilikado itong pinasok niya, pero nagmamadali talaga siya.
Muntik pa siyang mapabitaw sa aking kinakapitan ng biglang humarorot ang jeep na sinasakyan niya.
Halos humiwalay na ang kanyang buhok sa ulo dahil sa lakas ng hangin.Kulang nalang sa kanya ay pakpak. Aswang na ang hitsura niya.
Matagal-tagal narin siya sa posisyon niya pero wala ni isa ang nag-offer ng upuan sa kanya."Napaka ungentledog naman nila! ,anang isip niya
Na-untog ang noo niya dahil sa biglaang paghinto ng jeep na kanyang sinasakyan.
"A-arayyy ko naman!", aniya habang hinimas-himas ang nasaktang noo.
Muli naman siyang na-untog ng magsimula narin itong umandar.
Haist! Ang suwerte ko talaga ngayong araw! Ang suwerte suwerte ko nuh? Grrr..grrr..
Na-untog muli ang kanyang noo sa pangatlong pagkakataon.
"Haisst.. what a nice day!", nasabi nalang niya.
Noon lang niya namalayang lumagpas na pala siya sa kanila.
"Para! Manong para po!", aniya habang pinupukpok ang bahagi ng sasakyan.
Pero patuloy lang ito sa pagtakbo. Naalarma tuloy siya.
"Paaaaaaraaaa poooo maaaanooong!", ubod ng lakas na sigaw niya, sinabayan niya iyon ng pagsipa sa parte ng jeep. Bigla naman itong huminto, dahilan para mauntog muli sa kahulihulihang pagkakataon ang kanyang noo. Napadaing naman siya sa sakit.
"Hoy! Kung sira na ang utak mo wag mo namang idamay ang jeep ko!", sabi ng mamang tsuper ng maihinto nito ang sasakyan.
"Ehh.. bakit ba naman kasi hindi kayo huminto? Kanina pa ako para ng para dito uh..", aniya na naiinis narin.
"Gusto mo bang mahuli tayo ng mga traffic enforcers? Sa susunod kung bababa ka, wag sa gitna ng tulay. Mga kabataan talaga.... tssk..tssk..", anang mamang tsuper.
"Uh, eh di sorry naman..", aniya na napahiya ng kunti.
Ng makababa na siya, ay nag-aabang uli siya ng masasakyan pabalik. Pero napahilamos niya ang dalawang kamay sa naalala.
Wala na pala siyang natitirang pera. Kaya wala na siyang choice kundi ang maglakad.
Ng makarating sa bahay ay biglang nagvibrate ang cellphone niya.
*1 message received*
Unknown number
+639326104738Kumustang noo natin? Nangangawit ba mga braso mo sa kakakapit? Ahaha
See u sa bukol este see u sa school... :D :p :pNapaisip tuloy siya, hindi naman siya mahilig magbigay ng number sa kung sinu-sino.
Lalo lang siyang nainis sa nabasa.
BINABASA MO ANG
TILL WE MEET AGAIN
General Fiction''LIFE IS NOT A FAIRYTALE, AND SO IS LOVE'' ASHLEY GALE never dreamed a man in her life. Dahil para sa kanya,puro sakit lamang sa ulo ang mga ito. She believes that! 'Coz that how her mother lives. Pero paano kung umabot sa panahon na may lalaking m...