Alas-tres na ng madaling araw pero gising parin ang diwa ni Ashley. Hindi talaga niya maiwaglit sa isip ang taong nakita niya kanina na nakatayo sa gilid ng kalsada.
"Ikaw ba talaga yun Kenneth? Nandito ka bang talaga? Kung tama ako, bakit bumalik ka pa? Bakit pa?", tanong niya sa kawalan.
It's been 3 years and this is how it started.
------Flashback------
Ito ang araw na ihahatid nila sa huling hantungan ang kanyang ina. Pitong araw na ang nagdaan pero hindi parin siya nauubusan ng luha.
"Why are you doing this to me Ma? Ba't mo ako iniwan? You promised me... na kakain pa tayo ng dinuguan at puto sa Mang Inasal di ba? Nangako ka sa'kin ehh..." aniya habang humihikbi
Nakatingin lang sa kanya ang mga nakikiramay. Hindi niya alam kung naiiyak ba ang mga ito o natatawa dahil sa inasta niya.
"Mama pleeeaassseee....." aniya
"Tama na yan Ash, wag mo nang pilitin ang mommy mo. Gusto mo bang bumangon sa hukay ang mama mo para samahan kang kumain sa Mang Inasal?" pag-aalo nito na may halong biro.
"H-hindi nuh, nakakatakot kaya yun." aniya
"See? Alam mo Ash, lahat ng buhay ay may hangganan. Lahat tayo ay mamamatay, sa takdang oras. Wag ka nang malungkot, alam kung ayaw ni tita ang makita kang umiiyak." pangaral nito sa kanya.
Tumango nalang siya. Simula ng araw na iyon ay naging magkaibigang matalik silang dalawa. Lagi siya nitong dinadamayan sa tuwing malulungkot siya.
Kenneth is her best buddy, anak ito ng kababata ng mama niya.
Maraming taon ang matuling lumipas, pero mas lalo pa nitong pinapalalim ang pagkakaibigan nila.
"Highschool na tayo pero iyakin ka parin..tsk.tsk.." reklamo nito.
"Sorry naman, naalala ko lang kasi si mama...haist.." aniya na pinahid ang mga luha.
"I understand Ash, but don't worry, I'll promised to stay by your side always & forever.", seryosong sagot nito
"Talaga?! Promised mo yan ha?!" parang batang saad niya.
"Mark my words.",nakangiting sabi nito.
"Salamat Kenneth, thanks for everything. Thank you for being my bestfriend." aniya habang isinandal ang ulo sa dibdib nito.
"Your always welcome my bestfriend...", sagot nito na binigyang diin ang pagbanggit sa huling salita.
Pero hindi nalang niya iyon binigyan ng pansin.
BINABASA MO ANG
TILL WE MEET AGAIN
General Fiction''LIFE IS NOT A FAIRYTALE, AND SO IS LOVE'' ASHLEY GALE never dreamed a man in her life. Dahil para sa kanya,puro sakit lamang sa ulo ang mga ito. She believes that! 'Coz that how her mother lives. Pero paano kung umabot sa panahon na may lalaking m...