Chapter Five

53 5 0
                                    


"Tikkk-tiii-laaa-oook! Tikkk-tiii-laaa-oook! Tik-ti-la-ok! Tik-ti-la-ok!"

"Arghh.. Inaantok pa ako..", papungas-pungas na saad niya habang nakapikit ang mga matang kinakapa ang alarm clock sa side table niya.

Bangon na anak...male-late kana...

"Ma?!", mabilis pa sa alas kwatrong sabi niya.

Napabalikwas siya ng bangon. It's her Mom, lage siya nitong ginigising sa umaga. Ito na ang nagsisilbing alarm clock niya.

She love her Mother more than pa sa pagmamahal nito sa kanya.
Pinalaki siya nito ng maayos, ginawa nito ang lahat para lang mapaayos ang buhay niya.

She have a father, pero hindi ito nagiging mabuting ama sa kanya. Puro problema at sakit ng ulo lang ang hatid nito sa kanilang mag-ina.

Pati ang pagiging ama nito sa kanya ay ang ina niya ang gumanap. That's the reason why she hated her father that much.

"I really missed you Ma...", aniyang pinipigilan ang sariling maiyak.

It's been a year since her mother died. But it's still fresh in her heart and mind.

"Haaiisst, tama na nga! ang drama mo Ashley! Male-late kana., napakurap-kurap siya. What? Male-late na ako!, napabalikwas siya ng bangon.

Patakbo siyang pumasok sa banyo at mabilis na naligo. Mabilis din siyang nagbihis, hindi na siya nagsuklay.

Halos liparin na niya ang hagdanan para lang makababa.

"Kumain ka muna anak, nangangayat kana.", sabi ng tinig sa kanyang likuran.

It's her father. Hanggang ngayon ay hindi parin niya ito kayang pakisamahan.

How she hated him! Nagbago na ito, but it's to late.
Dahil wala na ang ina niya, wala ng silbi ang pagbabago nito. Humarap siya dito.

"No, thanks! At kailan ka pa naging concern sa'kin? Ahh... Since namatay si Mama, right?
Ahaha c'mon Sir, stop pretending that you care 'coz you never did!
Don't be silly, hindi mo naman ako responsibilidad.
You never treated me as your daughter, and your not my father anymore!", matigas na saad niya dito at tuluyang umalis.

Papasok na siya sa gate ng school nila ng may maalala siya.

''May unit test si Ms. Enriquez ngayon! Naku lagot!''

Kumaripas siya ng takbo marating lang ang classroom nila. Pero huli na ng dumating siya.

Laglag ang balikat na tinungo niya ang kanyang upuan. 

"Ano bang nangyari sayo Ashley?", nag-aalalang tanong ni Vench.

"As always, late ako ng gising!", walang buhay na sagot niya.

"Hindi yun ang ibig kong sabihin, hindi na bago sakin ang pagiging latecomer mo no? What I mean is yang bukol mo! Daig mo pa ang sungay ni satanas!", seryosong saad nito.

Vench is always like that, prangka kung magsalita pero nasa lugar naman. Hindi ito kailan man papanig sa mali.

Masipag din itong mag-aral kaya nangunguna ito sa klase nila. Hanga din siya sa katatagan nito, sa murang edad ay kinaya nitong mabuhay ng mag-isa.

"Hoy! Sabi ko bakit may bukol ka?", ulit nito sa tanong kanina.

"Kung ikaw kaya ang ma untog? ", tipid niyang sagot niya dito.

"Paano naman nangyari yun?", usisa pa nito.

Kaya ikinuwento niya dito ang mga pangyayari.

"Bwahahaha....ahaha.. Sorry Ash, Di ko talaga mapigilan.", natatawang pahingi nito ng paumanhin.

"Kung makatawa ka naman wagas! Grabe ka! Hinding-hindi ko na talaga uulitin yun. Never!", aniya.

"Aba dapat lang! Pag may mangyayaring di maganda sayo, malilintikan ka talaga sa'kin!", anito.

"Wow naman! double dead lang? bakit concern kaba sakin?", panunudyo niya.

"Oo naman, ano bang silbi ng pagkakaibigan natin kung hindi, di ba?", anito at niyakap siya.

Isa rin ito sa mga katangiang nagustuhan niya dito, ang pagiging totoong kaibigan.

"Masyado na kayong sweet!", anang tinig ng lalaki sa may di kalayuan.

Bigla siya nitong hinila palayo kay Vench at ipinuwesto sa likuran nito, na para bang takot itong agawin siya ng kahit na sino.

TILL WE MEET AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon