Ang biglaang pagbukas ng pintuan ang nagbalik sa akin sa huwisyo.
Iniluwa niyon ng bulto ng taong hindi niya inaasahan."Are you okay Ash? May masakit ba sayo? Naalog ba utak mo?", natatarantang tanong nito.
Hindi maipagkakaila na gwapo ito kahit pawis na pawis, halatang tumatakbo ito kanina dahil habol pa nito ang hininga.
"Kilala mo pa ba ako? Si Jared to. Ano? Sagutin mo naman ako.", tanong ulit nito.
Natawa tuloy siya dito. Ano bang nakain ng magkaibigang ito. Mukhang masama ata ang pasok.
"Alam mo Jared, magkaibigan talaga kayo ni Ivan. Ang OA niyo pareho!", natatawang sabi niya.
Napakamot naman ito sa ulo. Na halatang napahiya. Pero infernes cute niyang tingnan.
"Eh, paano kung may masamang mangyari sayo? Paano na ako?!", anito na nagpa-isa ng kilay niya.
"A-ah ano k-kasi, ang ibig kung sabihin. Paano kung may nangyari sayo, paano na ang competition? Di ba magpartner tayo?", bagbawi nito sa sinabi kanina.
"Ahh....", tanging sagot nalang aniya. Inaalalayan siya nitong bumangon at magkasama silang bumalik sa silid-aralan nila.
Tawa siya ng tawa habang binabaybay nila ang kahabaan ng pasilyo papunta sa classroom nila.
Sino ba naman ang hindi matatawa sa mga kwento nito.Isa ito sa mga narealize niya ngayong araw, masarap itong kasama. Kahit ilang oras palang silang magkasama ay magaan na agad ang loob niya dito.
Yung tipong hindi ka mapapanisan ng laway pag magkasama kayo.Masayahing tao si Jared, mabait, masarap kasama at maalaga. Lagi kasi itong nakaalalay sa kanya.
Nasa ganun silang posisyon ng may magsalita sa di kalayuan.
"What a nice view! A very nice view!", anito na pumapalakpak pa.

BINABASA MO ANG
TILL WE MEET AGAIN
General Fiction''LIFE IS NOT A FAIRYTALE, AND SO IS LOVE'' ASHLEY GALE never dreamed a man in her life. Dahil para sa kanya,puro sakit lamang sa ulo ang mga ito. She believes that! 'Coz that how her mother lives. Pero paano kung umabot sa panahon na may lalaking m...