Chapter Ten

24 5 0
                                    


Natigilan naman silang  dalawa. At napatingin sa "KJ" na nagsasalita.

Blangko ang expression ng mukha nito, na matamang nakatingin sa kanilang dalawa. Pagkaraan ng ilang sandali ay lumapit ito sa kinaroroonan nila.

"Di ba sabi ko sayo hintayin mo ako doon?", anito na nakatingin sa kanya.

"A-ah sorry Ivan, ano kasi...ahm su--",sagot sana niya pero sumabat si Jared.

"Narinig ko kasi kay Maraya na may nagyari daw sa kanya, kaya pinuntahan ko siya.",sabat ni Jared.

Simpling tingin lang ang pinukol nito sa kaibigan. At muling bumaling sa kanya.

May inabot ito sa kanya, ang bag niya.

So ito pala ang kinuha niya kanina?! Ba't ang tagal niyang bumalik?! aniya sa sarili.

"Umuwi na tayo, ipinagpaalam na kita sa mga teachers natin.", anito na hinawakan ang kanyang braso.

Ahh.. kaya pala natagalan siya.

"Teka-teka .. Ako na ang maghahatid sa kanya. Napag-usapan na namin yan kanina.", awat naman ni Jared.

"Hey dude, hindi mo ba narinig? Ipinagpaalam ko siya sa mga teachers natin, kaya responsibilidad ko siya.", saad naman ni Ivan.

''Hindi Ivan, ako na. Napag-usapan na namin iyan kanina.'',siJared

''Bingi kaba? Ako nga nagpaalam sa kanya diba?'', sagot naman ni Ivan

Walang gustong magpatalo sa dalawa, kaya pumagitna siya sa mga ito.

"Tumigil na nga kayong dalawa. Nakakahiya naman kayo, pinagtitinginan na nga tayo uh.", reklamo naman niya sa mga ito.

"At tsaka, walang maghahatid sa'kin.", dagdag niya at nagmamadaling naglakad palayo sa mga ito.

Pero sumunod din kaagad ang dalawa sa kanya. Na nag-uunahan pa. Napabuntong hininga nalang siya.

Pagdating nila sa sakayan ng jeep ay nahirapan siyang makasakay. Kadalasan kasi ay puno na ang mga iyon.

Ayaw na niyang maulit ang nangyari kahapon. Baka hindi na bukol ang abutin niya, mahirap na.

Dahil may sasakyan si Ivan, ay napilitan nalang siyang magpahatid dito kasama si Jared.

Kaya nga lang naging masikip ang loob ng sasakyan ng biglang sumulpot ang lalaking kinaiinisan niya, si Arvin.

Pupwesto na sana siya sa tabi ni Ivan ng inunahan siya ni Arvin. Kaya umupo nalang siya sa may likuran katabi si Jared na hindi maalis ang ngiti sa mga labi.

"Hay naku Ash, pagpasensyahan mo na ang mga kaibigan ko. Kung alam ko lang na magkaganito, sana nag ta-taxi nalang tayo.", pailing-iling na sabi ni Ivan.

Napabuntong hininga nalang siya.

Sa kahabaan ng biyahe ay tahimik ang lahat. Unti-unting sumandal ang ulo ni Jared sa kanyang mga balikat. Gustuhin man niyang hawiin ang ulo nito ay hindi nalang niya ginawa, nakita niya ang matalim na tingin na pinukol ni Arvin dito. Habang si Ivan naman ay seryoso lang sa pagdadrive. Inaliw na lamang niya ang kanyang mga mata sa bawat tanawing madadaanan.

Muntik pa siyang mapatayo sa kina-uupuan ng matanaw niya ang isang bulto ng lalaking nakatayo sa gilid ng kalsada. Hindi niya masyadong maaninag ang mukha nito. Pero hindi talaga siya maaaring magkamali.

"No way! Hindi pwede! Hindi!", sambit niya.

TILL WE MEET AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon