''Ivan ano ba?! Saan mo nga ako dadalhin sabi!'', pasigaw niyang tanong dito.
"Sa clinic! Saan pa nga ba?!'',anito na halatang galit
Napatigil naman siya. Ivan's facial expression horrify her.
''Kailangang magamot agad iyang bukol mo.", mahinang saad nito.
Kumalma naman siya sa sinabi nito. Akala niya may masamang balak ito sa kanya kanina.
"Hindi na Ivan, I can handle myself. At tsaka simpling bukol lang naman ito ehh, no need to worry."
"Kung akala mo simpling bukol lang yan nagkakamali ka! That can cause serious damages to your head. Kaya pupunta tayo whether you like it or not!" matigas na sabi nito. Naiirita tuloy siya, kung umasta kasi ito parang close sila.
"Ano bang pakialam mo?! Ano ba kita?! Ni hindi nga tayo magkaibigan diba?!" napataas tuloy ang boses niya. Ang ayaw niya sa lahat ay ang pilitin siya.
Natigilan naman ito. At nagsasalita habang nakatanaw sa malayo.
"Yes, you're right. We're not that close, pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit nag-aalala ako sa isang babaing tulad mo." Napaiwas ang tingin niya dito. Hindi niya ito masyadong naintindihan. Napatingin ulit siya dito ng hawakan nito ulit ang kamay niya. Hindi na siya nagpumiglas ng nagsimula ulit itong maglakad.
Nang makarating sila sa clinic ng kanilang paaralan ay walang tao doon. Nakamasid lang siya dito habang abala ito sa paggagamot sa bukol niya. Hindi tuloy niya maiwasang mapatitig dito.
Gwapo pala ang makong nato! Bakit ngayon ko lang naappreciate., anang isip niya
"Wag mo akong titigan, baka ma in love ka sa'kin niyan." nakangising sabi nito. Napaiwas tuloy siya ng tingin.
"Tse! Mangarap ka!" aniya para matakpan ang pagkapahiya. Tumawa lang ito.
BINABASA MO ANG
TILL WE MEET AGAIN
General Fiction''LIFE IS NOT A FAIRYTALE, AND SO IS LOVE'' ASHLEY GALE never dreamed a man in her life. Dahil para sa kanya,puro sakit lamang sa ulo ang mga ito. She believes that! 'Coz that how her mother lives. Pero paano kung umabot sa panahon na may lalaking m...