Kung titingnan ay isa lamang ordinaryong tao si Eliya,
Mula sa pananamit,kilos at pananalita hindi aakalaing naiiba siya.Idagdag pa ang kanyang hindi matatawarang ganda na nililingon ng lahat kapag siya ay dumaraan na.Ang kanyang mga mapupungay na mata ay laging nangungusap na tila inaakit ang sino mang kaharap.
Ngunit hindi alam ng lahat na siya ay nagmula sa angkan ng Nobleza mula sa malayong lupain ng Timog Silangang Europa kung saan namumuhay ang mga kauri niyang mga bampira.
Ipinasya ng kanyang mga magulang na ilayo siya upang maprotektahan sa mga kauri nila.
Si Eliya ay anak ng mga "FirstBlood vampire"ito ay ang sinasabing pinagmulan ng mga lahi ng bampira kung saan ang mga normal na tao ay sinaksakan ng virus na nagdulot sa mga ito ng walang hanggang buhay at ang antidote na inaakalang mag-aalis ng infection ay siya pa palang magbibigay ng ibayong kapangyarihan sa mga infected ng virus.
Hindi alam sa kanilang kaharian ang kanyang existence.Sanggol palang siya nang magpasya ang kanyang mga magulang na sina Erny at Lea na itago siya mula sa mga kasamahang bampira kaya nanatiling lihim ang kanyang pagkatao.
Lingid sa kanilang kaalaman ay nagkaanak ang dalawa na agad na itinago ng mga ito at pinaampon sa matandang kasambahay na siya ring nagpa-anak sa kanyang ina.
Lumipas ang maraming taon at nabuhay siyang malayo sa sariling pamilya.Tiniis ng mga ito na hindi siya makita upang maiwasan ang anumang pangyayari na makakasama sa kanya.
Ayon sa propesiya ang magiging anak ng dalawang "FirstBlood vampire" ay magtataglay ng mas higit na kapangyarihan sa lahat na tinatawag na "PureBlood vampire" at walang sino man sa kanilang lahi ang makakatalo rito.Kaya mahigpit na tinututulan sa kanilang angkan na magka-anak ang dalawang "FirstBlood"vampire.
Kakaiba sa karaniwang bampira, si Eliya, dahil nagtataglay siya ng mga katangiang tulad ng sa mga tao.Matapos ang sampung taon ay matagumpay niyang napaglabanan ang pagkahayok sa dugo na tulad ng sa mga kauri niya.Hindi siya nilalabasan ng pangil at hindi humahaba ang kanyang mga kuko ng tulad sa mga ito sa tuwing makakaramdam siya ng pangangailangan sa dugo.Hindi siya kailaman tumikhim ng dugo ng tao o hayop.
Ang pangangailangan niya ng dugo ay tinutugunan sa pamamagitan ng intravenous blood transfusion at hindi sa tipical na pagkagat sa leeg ng mga tao o mga hayop gaya ng mga ordinaryong bampira.Ang bawat kakulangan ng dugo sa katawan niya ay nagdudulot lamang ng panghihina at pagkawala ng malay at muling babalik ang kanyang lakas sa sandaling masalinan siya ng dugo.
Hindi tulad ng ibang bampira na nagtatago sa dilim, si Eliya ay malayang nakalalabas sa araw at nakikihalubilo sa mga mortal na tao.Siya rin ay nagtataglay ng kakaibang kapangyarihan tulad ng clairvoyance o ang kapangyarihang makakita ng mga nangyari o mangyayari palang sa kasalukuyang panahon,Telepathy o ang kakayahang makipag-usap sa pamamagitan ng isip at telekinesis o ang kakayahang magpagalaw ng mga bagay sa pamamagitan ng malalim na konsentrasyon at pag-iisip.Ang mga kakayahang ito ay maaari pang madagdagan na iba pang kapangyarihan sa twing maglalabas siya ng matinding emosyon.Ang biglaang poot ay nakapagpapabuhay sa natutulog niyang dugong bampira at nakapagpapalabas ng higit niyang kapangyarihan.
Lahat ng kakaibang kapangyarihang taglay niya ay hindi niya maaring ipakita sa mga tao para na rin sa kanyang kaligtasan.
Sa tagal na niyang naninirahan sa Pilipinas kasama ang dating kasambahay na si Rosing at driver na si Arturo ay halos bihasa na siya sa pagsasalita ng tagalog.Ang mga ito na rin ang nagsilbing pamilya niya.
Sinadya niyang itago ang kanyang magagandang mga mata sa ilalim ng tila makapal na grado ng salamin.Ipinusod niya ang kanyang mahahabang buhok at nagdamit ng tila isang dalagang pilipina.
BINABASA MO ANG
Vampire
VampireMay mga bagay na sadyang hindi maarok ng ating pag-iisip tulad ng hiwagang bumabalot sa ating paligid.Samahan niyo ko sa paglalakbay ni Drake sa mundo ni Eliya.