Bababa sana siya sa kusina nang maulinigan niyang nag-uusap sina Lola Rosing at Arturo.Bahagya siyang tumigil at lihim na pinakinggan ang pag-uusap ng mga ito.
"Arturo,nababahala ako sa kakaibang kinikilos ni Eliya,mukhang naglalabasan na ang lahat ng kapangyarihan niya."narinig niyang tinig ni lola Rosing.
"Iyon nga rin ho ang iniisip ko lola,iyong nangyari ho sa motel,'yung magkasintahang namatay, kasama po ang mga iyon sa barkada ni Ken na gusto niyang gantihan."
Nagulat si Lola Rosing sa nalaman,hindi malayong may kinalaman roon ang apo.Dahil nang mga oras na nangyari iyon ay kasalukuyang nasa labas ito.
"Ang sabi sa akin ni Eliya noong araw ding nangyari iyon ay nagpalipas lang siya ng galit sa labas."
"Sa tingin ko po lola doon siya nanggaling."
Sigurado si Arturo sa sinasabi niya.Malakas ang kutob niyang may kinalaman si Eliya sa nangyari.
"Hindi na natin siya mapipigilan Arturo,sinisimulan na niya ang paghihiganti."
Nag-aalala man ay tila wala na silang magagawa pa upang pigilin si Eliya,lalo lang itong magagalit kung kokontrahin pa nila.
Muli siyang bumalik sa silid.Hindi niya pa kayang harapin sa ngayon ang dalawa.
Sa kalagitnaan ng gabi ay dinalaw siya ng kanyang kaibigang si Anie,lumakas ang hangin na nagmumula sa bintana,malayang nakapasok ang mga tuyong dahon at nagliliparan ang malalaking kurtina sa bintana ng kanyang silid.Naramdaman niya ang malamig na hangin na tila humahalik sa kanyang pisngi.Dahan-dahan siyang nagbangon,tumambad sa kanya ang pigura ng kaibigang si Anie,nakasuot ito ng puting blusa at umiiyak na nakatunghay sa kanya.
"Anie!" Otomatikong dumaloy ang luha sa kanyang mga pisngi habang nakatunghay sa kaibigan.
Patuloy ang pagluha nito na nakatunghay sa kanya.Iniabot nito ang dalawang braso na tila inaanyayahan siya sa isang mainit na yakap.Hindi siya nag-atubili na tugunin ito.Lunod sa luhang tumakbo siya papalapit rito at mahigpit silang nagyakap.
"Tulungan mo ako Eliya!"malinaw sa pandinig niyang usal nito.
"Pangako Anie,mananagot silang lahat sa kapangahasang ginawa nila sa iyo!"
Walang tigil ang daloy ng luha sa kanyang mga mata.Halos hindi na siya makahinga sa sobrang bigat ng loob.
"Eliya,Eliya!"
Napaigtad siya nang maramdaman ang pagdampi ng palad ni Lola Rosing sa kanyang pisngi.
"Lola?" Mahigpit na yumakap siya rito.
Isa lamang pala iyong panaginip.
"Mabuti na lang at napasok ako rito sa silid mo,umuungol ka kanina,ano bang napanaginipan mo?" umupo ito sa gilid ng kama at hinimas-himas ang likod niya.
"Si Anie po,She's seeking for justice lola,she's crying, lola." Napahagulgol na siya habang mahigpit na yumakap sa matanda.
"Tahan na Eliya,hindi ka na namin hahadlangan pa sa paghahangad mo ng hustisya para sa kanya, basta't ipangako mo lang na mag-iingat ka,alalahanin mong hindi ka dapat masugatan Eliya."
Iniangat ni lola Rosing ang kanyang mukha at marahang pinahiran ang naglandas na luha sa kanyang maamong mukha.
Kahit papaano ay nakagaan ng loob niya ang pahintulot nito.
Gaya nang habilin ni lola bawal siyang masugatan.Ang kahit ano kasing sugat ay sadyang mapanganib para sa isang bampirang katulad niya.Patuloy kasi ang pagdurugo nito habang hindi pa tuluyang naghihilom ang sugat kaya lubha itong delikado para sa mga katulad niya.
BINABASA MO ANG
Vampire
VampireMay mga bagay na sadyang hindi maarok ng ating pag-iisip tulad ng hiwagang bumabalot sa ating paligid.Samahan niyo ko sa paglalakbay ni Drake sa mundo ni Eliya.