Sabay-sabay nagdatingan ang mga lalaki upang daluhan ang kanilang amo.Nagpaulan ng bala ang mga ito.Mabilis na naglaho si Eliya.Kinailangan niyang magtago dala ng tinamong sugat.Nadaplisan kase ang kaliwang braso niya ng bala.
Naiwan niya ang natutulog na si Drake.
Hindi pa rin ito nagkakamalay kaya madali itong naitali at naisabit ng mga lalaki sa mataas na bahagi ng gusali.Gagamitin nila ito bilang pain laban sa kanya.Matapos gamutin ang sarili,binalutan niya ng gasa ang kanyang braso.
Malayong-malayo na ang hitsura niya sa dating Eliya,Nanlilisik ang namumuti niyang mga mata habang tila uhaw na uhaw na uminom ng dugo.Tuluyang nabago siya ng matinding poot na nararamdaman.Nawala ang dating simple at mabait na batang Eliya.
Tila hindi pa siya nakontento sa nainom na dugo muli siyang nangalkal sa refrigerator halos ihagis niya lahat palabas ang laman ng ref na tila wala na sa tamang pag-iisip.At nang wala na siyang makuha ay bigla niyang naisip ang mga lalaki sa bodega.
Muli siyang bumalik sa gusali at isa-isa niyang sinalakay ang mga natutulog na bantay.Sinunggaban niya ang mga leeg nito at iniwanang walang buhay.
Tanaw na tanaw ni Drake mula sa pagkakatali niya sa itaas ang pagkagat ni Eliya ng leeg ng mga lalaki.Napapikit siya at napaluha.Hindi niya inaasahan na tuluyan ng yayakapin ni Eliya ang pagiging bampira.
"Eliya!"
Biglang napalingon si Eliya sa pinagmumulan ng boses sa itaas.panay ang pihit ng kanyang leeg,pakaliwa at pakanan habang tila kinikilala siya.
"Eliya,ako ito, si Drake!"malakas na palahaw niya na pumuno sa buong gusali.
Unti-unting kumalma si Eliya nang makilala siya.
"Drake!"ganting sigaw nito.
Akmang tatakbo siya nang muli niyang mapansin ang mga lalaki na nangagkasa ng baril.Muli siyang naglaho at pumuwesto sa lugar kung saan hindi siya mapapansin ng mga ito.
Isa-isang gumalaw ang mga bagay sa paligid papunta sa mga lalaki.Nagbagsakan ang mga lumang drum at nagpagulong-gulong na hinabol ang mga lalaki hanggang sa isa-isa itong mahulog sa unang palapag.
"Damhin niyong lahat ang sakit na ipinaramdam niyo sa akin!"halos umaalingaw-ngaw ang boses niya sa buong gusali.Nahintatakutan ang lider ng grupo na nailuwa ang subong sigarilyo.Nang makita ang ginawang paglipad ni Eliya patungo kay Drake.
Biglang lumiyad ang munting baga nito at nagsimula ng malaking apoy.Nagtakbuhan ang mga lalaki palabas ngunit bumara ang kanina pang gumugulong na drum ng langis na ngayon ay nagliliyab na rin at nakaharang sa daanan.Bawat sulok na takbuhan ng mga lalaki ay nag-aapoy.Isa-isang nagbabagsakan ang mga umaapoy na debri ng gusali.
"Mga hangal!damhin niyo ang init ng katulad ng sa impiyerno kung saan kayo nababagay!"narinig nilang sigaw ni Eliya.
Lumakas ang ihip ng hangin na lalong nagpa-igting ng apoy.Niyakap ni Eliya si Drake at bigla silang naglaho.
Naiwan ang mga lalaking dumadaing sa init habang unti-unting tinutupok ng apoy ang kanilang mga katawan.Nasaraduhan na ng nagbabagang drum ang bawat exit ng gusali at wala na silang magagawa pa kundi damhin ang mala impiyernong ganti ni Eliya at harapin ang kanilang kamatayan.
Samantala,Ibinaba ni Eliya ang walang malay na si Drake sa sofa.Hindi nito kinaya ang init sa gusali at nawalan ito ng malay.
Napaupo siya sa sahig habang tinitigan ang natutulog na binata.Tanging ito na lamang ang natitirang taong kakampi niya.Ngunit dahil sa mga pagbabagong nangyari sa kanya ngayon pati ito ay nanganganib na ring mawala sa kanya.
BINABASA MO ANG
Vampire
VampireMay mga bagay na sadyang hindi maarok ng ating pag-iisip tulad ng hiwagang bumabalot sa ating paligid.Samahan niyo ko sa paglalakbay ni Drake sa mundo ni Eliya.