Chapter IX#Waytoheaven

360 15 0
                                    

Matapos madiskubre ang bangkay ng dalawang lalaki na pinaslang niya sa isang lumang gusali, sunod-sunod na ang naglabasang balita tungkol sa diumano ay biktima ng gumagalang babaeng bampira.Lahat halos ng mga bangkay na natatagpuan ay iniugnay sa kanya.

"Hindi iyan totoo!"aniya matapos biglang i-off ang telebisyon.

"Eliya!"

"Bakit nila sa akin iniuugnay ang sunod-sunod na patayan sa Maynila?Alam mong hindi iyon totoo Drake!"

Hindi niya mapigilang maglabas ng sama ng loob.May pait sa ngiting sumilay sa kanyang mga labi."wala akong masabi sa bilis ng utang ninyong mga tao."aniya.

"Eliya,huwag mo na lang pansinin ang mga balita na iyan!Alam nating dalawa kung ano ang totoo."

Sakabila ng mga sinabi ni Drake ay hindi pa rin mapakali si Eliya,Tila gusto niyang lumabas at bawian ang mga taong nagkakalat ng hindi magandang balita sa kanya.

Matapos mahimbing sa pagkakatulog si Drake ay agad siyang tumakas.Suot ang Jacket niyang dilaw na may hood ay lumabas siya ng bahay upang magbiyahe patungong Maynila.Sakto namang may tumigil na isang truck na may sakay ng mga carrots na patungong Maynila sa mismong tapat niya.Bumaba ang pahinante at bumili ng sigarilyo.Mabilis na sumakay siya sa likurang bahagi nito.

Mag-uumaga na nang marating nila ang Maynila.Narinig niya ang mga boses na patungo sa kanya kaya agad siyang naglaho.

Bigla namang napatakbo ang dalawang babaeng nag-aalmusal sa isang karinderya nang bigla siyang magpakita sa tabi ng mga ito.

Nakalikha ng ingay ang dalawang babae na umagaw ng pansin ng isang field reporter na saktong nag-sho-shoot ng mga oras na iyon.

"Miss anong nangyari sa inyo?bakit kayo takot na takot?" Tanong nito habang romorolyo ang kamera.

Bakas ang matinding takot ay pilit nagsalita ang isang babae"may babae pong biglang sumulpot sa tabi namin habang kumakain"anito.

Maagap na muli siyang naglaho upang umiwas sa reporter.Hindi naman kasi ito ang reporter na nagkakalat ng maling balita tungkol sa kanya.Isa lamang itong anchor ng isang morning show.

Nang mga oras na iyon ay kasalukuyang nagluluto ng agahan si Drake.Natapat sa pagbukas niya ng telebisyon ang interview sa dalawang babae na nanginginig sa takot matapos daw sumulpot bigla ng isang babaeng hindi nakikilala sa tabi nila.

Agad kinabahan si Drake at nagtatakbo paakyat sa silid ni Eliya,wala nga roon ang dalaga at malakas ang kutob niya na si Eliya ang babaeng tinutukoy sa balita.

"My God!ano ba ang gagawin ko sa iyo Eliya?"bulong niya sa sarili.

Wala nang nagawa pa si Drake kundi hintayin na lang ang pagbabalik niya.

Samantala sa Maynila.
Puros kapalpakan ang inabot ni Eliya,dahil sa sobrang pagkataranta ay kung saan-saan siya sumulpot.Maraming tao ang nakakita at nakapag video pa ng biglaang pagsulpot at pag-alis niya.

Hindi na bumitiw pa sa telebisyon si Drake.Inaabatan niya ang susunod na ibabalita tungkol kay Eliya.

Mayamaya ay biglang may sumingit na balita.

"Good morning!ako po si kara Tiangco para sa nagbabagang balita."nahagip sa isang CCTV kamera ang biglaang pagsulpot at pagkawala ng isang babae sa isang Mall sa Quezon City.Nagkagulo ang mga tao sa isang kilalang Mall nang bigla nalang sumulpot ang isang babae out of no where sa mismong tabi ng kahera.Halos magtitili sa matinding takot ang kahera nang bigla nalang magkaroon ng tao sa tabi niya."

Hindi mapakali si Drake nang mga oras na iyon.Batid niya ang peligrong kakaharapin nito sa Maynila.Gusto niya itong sundan ngunit batid niyang para lang siyang naghahanap sa butas ng karayom.Alam niyang hindi na tutuntong si Eliya sa bahay nito sa Maynila matapos ang lahat ng nangyari.Kaya tahimik na nag-usal na lang siya ng panalangin para rito.

VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon