Chapter II#whereisAnie?

458 16 0
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw.Naging abala ang magkaibigan sa pagpapaganda at pagbabagong bihis ni Anie.Tinulungan niya itong maibalik ang kompiyansa sa sarili.

"Bakit ikaw, ayaw mong mag make over friend?"nagulat siya sa biglaang tanong ni Anie habang binabaybay nila ang kalsada pauwi.

"What for?kaya ko ang sarili ko,hindi nila ako kayang pagtrip-
an."aniya.

"Sa tingin mo hindi na nila ako lolokohin dahil sa ayos ko".umikot pa ito na tila pinakikita sa kanya ang kabuuang ayos nito.

"You look great Anie!,your even look more beautiful,kung magkagulo man sila ngayon sa iyo, marahil iyon ay dahil sa ganda mo."

Malaki ang pagkakangiting niyakap siya nito.

"Salamat Eliya!napakabuti mo sa akin."

Napangiti siya sa narinig,bahagya niya pang hinimas ang likod nito habang mahigpit na nakayakap sa kanya.

Kasalukuyan siyang kumakain sa canteen nang may biglang lumapit sa kanya.

"Excuse me,Can I join you?" Hindi pa siya nakakasagot ay umupo na agad ang lalake.Pamilyar sa kanya ang mukha nito na tila nakita na niya kung saan.Noong araw na iyon ay wala si Anie,abala ito sa ginagawang group project.Kaya madalas ay naiiwan siyang mag-isa.

Masaya siya na kahit papaano ay naging maayos na ang trato ng lahat rito.

"Wala yata ang friend mo?"untag ng lalaking nakiupo sa mesa niya.

"I'm sorry?"aniya na bahagya pang itinaas ang isang kilay na tumingin sa kaharap.

"I mean iyong friend mo,iyong lagi mong kasama?".anito.

"Are you stalking me?" Galit na tumayo siya habang ang dalawang palad ay nakadiin sa mesa.

Nagulat naman ang lalaki sa naging reaksyon niya.

"Hey!Eliya, relax." napatayo na rin ito at pilit siyang kinakalma.

"How did you know my name?"  untag niya rito.

"Binasa ko lang iyang ID mo".inginuso pa nito ang ID na nakasukbit sa leeg niya.

Bigla siyang napahawak sa ID niya at tila napapahiyang muling bumalik sa pagkakaupo.

Hindi na lang niya inintindi ang kaharap.At muling itinuloy ang pagkain.Naglagay siya ng headset sa tainga na kunwari ay nakikinig ng music upang hindi na siya gambalain pa nito.

Nang matapos siyang kumain ay nagmamadali siyang tumayo.Sumunod naman agad ang lalaki na tila matindi ang determinasyon na makipagkaibigan sa kanya.

"Miss sandali lang!"humahangos ito na humabol sa kanya.Nagmamadali siyang humakbang patungo sa women's comfort room, hindi naman iyon namalayan ng lalaki na patuloy sa pagsunod sa kanya hanggang makapasok siya sa loob ng C.R.

Nagsigawan ang mga babae at nagtakbuhan palabas.Doon lang nito na-realize na nasa loob na pala sila ng C.R. ng mga babae Nagmamadaling lumabas ito na abot-abot ang paghingi ng paumanhin.

Lihim na natuwa si Eliya nang maitaboy ang lalaki.

Halos  isang oras na ang lumipas
nang lumabas si Eliya ng comfort room, hindi niya akalaing mananatili parin itong naghihintay sa labas.Nakasandal ito sa dingding malapit sa Male's comfort room at matiyagang naghihintay sa kanya.

Humanga siya sa determinasyon nito subalit nanatili siyang matigas.

Dire-diretso siyang lumakad sa hallway patungo sa susunod niyang klase.Hindi umiimik na nakasunod lang ito sa kanya.Pumasok din ito sa silid kung saan siya pumasok.Doon niya naalala na kaklase niya rin pala ito sa isang subject.

VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon