Ilang araw na ang nakalilipas mula nang nawala si Anie,maging ang mga pulis ay wala pa ring lead kung nasaan na ito.Naiinip na si siya sa bagal ng pag aksyon ng mga ito sa kaso ni Anie,wala raw kasing testigo kaya hindi basta pwedeng damputin ang mga itinuturo niyang maaring sangkot sa pagkawala nito.Inimbitahan sa presinto ang mga kaklase at kagrupo ni Anie ngunit hindi naglaon ay pinauwi rin ang mga ito.
Nauubos na ang pasensiya ni Eliya.Alam niyang matataas na tao ang binabangga niya dahil halos anak-mayaman ang mga kagrupo ni Anie marahil isa ito sa dahilan kung bakit mabagal ang usad ng kaso.
Nagpabalik-balik si Eliya at ang Tiya Bebeng ni Anie sa presinto upang i-follow-up ang kaso subalit ayon sa mga pulis ay wala parin daw silang nakukuhang lead tungkol dito.
Punong-puno na siya sa tila pambabalewala ng mga ito sa kaso ni Anie.
"Sir,sigurado po ba kayo na hinahanap niyo ang kaibigan ko?"aniya ng hindi magustuhan ang paulit-ulit na palusot ng mga pulis sa kanya.
"Abah! Miss,Parang pinagdududahan mo yata kame ah?baka gusto mo ikaw na ang maghanap!" sagot ng isang pulis na may kalakihan ang tiyan na tila tinutuya siya na senegundahan naman nang tawanan ng mga mga kasamahan nito.
Halos magdilim ang paningin ni Eliya.Tinitigan niya ang mga ito nang masama at nagliparan ang mga papel sa harap ng mga desk nito.Nagulantang ang mga pulis at nangasindak sa kanya. bumunot ng baril ang isa at akmang ipuputok sa kanya nang mabilis niyang matitigan ang kamay nito at tila may isip na humarap ang baril sa mukha nito at kusang pumutok.Bumulagta ang pulis sahig.
Sa sobrang takot ay nagtakbuhan palabas ang mga kasamahan nito at natatarantang sinusian ang kani-kanilang sasakyan at humaharurot na umalis ng presinto.
Hindi na nagtaka pa si Tiya Bebeng sa kakaibang kakayahan niya dahil alam din naman nito ang sekreto niya.Subalit nangangamba ito para sa kanya dahil baka kumalat ang balita at mapasama siya.
Napaupo naman si Eliya na tila nanghihina.Agad siyang dinaluhan ni Tiya Bebeng,niyakap siya nito at inalalayan hanggang sa makatayo.
Galit na galit si Lola Rosing sa ginawa niya.Nang dahil daw roon ay kailangan na ulit nilang umalis at magpakalayo-layo bago pa kumalat ang balita at husgahan sila ng mga tao.
Wala na siyang nagawa nang magdesisyon itong umalis.Iyon naman kase talaga ang tamang gawin sa ngayon, ang lumayo muna.
Bago tuluyang umalis ay dumaan muna siya sa bahay ni Tiya Bebeng.Nag-iwan siya ng pera at nagpaalam sa mga ito.Nangako rin siya na hindi niya titigilan ang paghahanap kay Anie.
Tinutumbok nila ang daan paakyat ng Baguio ng may mapansin si Eliya.Isang babaeng dungisan na naglalakad sa kalye.Tila wala ito sa sarili.Agad niyang pinatigil ang sasakyan.May kung ano sa isip niya na nagsasabing lapitan niya ito.
Napakunot ang noo ni lola Rosing at mahigpit ang pagtutol nito sa nais niyang gawin.Ngunit wala itong nagawa na singbilis ng hangin ang kanyang pagbaba.
Napa-antanda ito.Hindi na normal ang bilis ni Eliya para sa normal na tao.Tila unti-unti nang nagma-manifest ang pagiging bampira nito.Maliban sa hitsurang normal ay lumalabas na ang mga kapangyarihang taglay nito.
Ayon sa ina ni Eliya,hindi dapat makaramadam ng matinding galit si Eliya dahil iyon ang magpapalabas at lalong magpapalakas ng kapangyarihan nito.
Natanaw niya si Eliya na akay-akay ang babae pasakay ng kotse.
Hindi na siya kumontra pa dahil naawa rin naman siya sa hitsura ng babae na mukhang matagal nang napabayaan sa kalsada.
"Eliya anak,bakit mo siya sinama?" Bahagya pa niyang sinulyapan ang babaeng natutulog sa likuran.
BINABASA MO ANG
Vampire
VampireMay mga bagay na sadyang hindi maarok ng ating pag-iisip tulad ng hiwagang bumabalot sa ating paligid.Samahan niyo ko sa paglalakbay ni Drake sa mundo ni Eliya.