Chapter IV#justgettingeven!

378 16 1
                                    

Makalipas ang ilang araw ay nakakuha na rin sila ng bahay na matutuluyan.Minadali niya paglipat upang maasikaso niya ang paghahanap sa kaibigan.

Kasalukuyan siyang naglilipat ng damit sa drawer nang mapansin niya ang pinaghubarang damit ni Jean.Kinuha niya ito nang may biglang nahulog mula sa bulsa ng polo nito.Isa iyong maliit na key chain na hugis puso.

Biglang may nag-flashback na eksena sa isip niya nang hawakan niya ito.Pilit kinukuha ni Jean kay Anie ang key chain na nakasabit sa bag nito.Madungis na noon si Jean habang si Anie naman ay nakasuot pa ng school uniform habang kumakain sa isang karinderya.

Bigla siyang natigilan sa nakita niya.Iisa lang ang sigurado siya sa ngayon.Dito rin dinala sa Baguio si Anie at marahil ay pagala-gala lang din ito sa paligid.

Nagmamadali siyang lumabas.Pamilyar siya sa karinderya na nakita niya, malapit lang iyon sa tinutuluyan nila ngayon.Marahil ay umupa muna ng bahay sa malapit ang magkakagrupo bago pa sila dalhin sa bahay ni Ken.

Agad niyang narating ang karinderya.Tinungo niya ang pwesto kung saan nakaupong kumakain sa pangitain niya si Anie.Mabuti na lamang at maaga pa nang mga oras na iyon.Wala pang masyadong customer na kumakain.Agad niyang hinawakan ang upuan at gamit ang isip ay nakita niya lahat ng taong umupo sa upuan na iyon.Matagal at mahabang eksena bago niya nakita si Anie.Kasalukuyan itong kumakain nang kalabitin ng madungis na babae.Pilit kinukuha ng huli ang key chain na nakasabit sa bag niya.Sakto namang may kung sinong dumating na umagaw ng atensiyon ni Anie,agad na hinablot ng babae ang key chain at bigla na lang nawala sa eksena.Habang ang lalaki namang dumating ay humalik pa sa pisngi ni Anie at bigla na lang nawala ang mga ito sa eksena.

Nanlulumo siya na hindi man lang siya nakakuha ng kahit konting clue sa kung saan makikita si Anie.

"Miss kakain ka ba?bawal ang tambay dito." bigla siyang napatingin sa serbidora na nakatayo sa gilid niya.

"Sige po,bigyan niyo po ako ng isang order ng kanin at pork adobo."

Hindi kagaya ng normal na bampira nakasanayan niya na ring kainin ang kinakain ng mga normal na tao.

Kasalukuyan siyang kumakain nang may kumalabit sa kanya.

Madungis ito na tila taong grasa.Nanghihingi ito ng pagkain sa kanya.

"Hoy!huwag mong guluhin ang kostomer namin,doon ka sa malayo."sigaw ng matabang babae na sa tantiya niya ay siyang nagmamay-ari ng karinderya.

Nalungkot ang babae at dahan-dahang umurong papalayo sa kanya.Nakatitig lang ito sa kanya habang papalayo.

Halos mabigla siya nang sa vision niya ay luminis ang mukha nito at makita niya ang mukha ni Anie.

Nagtatakbo siyang sinugod nang yakap ang babae.

"Anie,Is that you?C'mon speak up?Alam kong ikaw 'yan!" Natatarantang inilabas niya ang sariling panyo at ipinunas sa maruming mukha ng babae,Ganoon nalang ang tuwa niya nang tumambad ang mukha ni Anie.Mahigpit niya itong niyakap."Thank God,you're alive!"Tulala lang ito at walang emosyon na nakatitig sa kanya.

Kahit hindi ito makapagsalita nararamdaman niyang nakikilala siya ng kaibigan.

Agad niyang hinubad ang jacket na suot at i-binalot sa kaibigan.
Matapos pakainin ay inaya na niya itong umuwi.

Tuwang-tuwa si Lola Rosing nang mamukhaan si Anie.
"Anie,ikaw ba 'yan apo?" Nagmamadali itong namanaog upang salubungin sila.

Maluha-luhang niyakap niya ang tulalang dalaga.

"Ano ang ginawa nila sa iyo apo?" Hindi niya mapigilan ang emosyon.Awang-awa siya sa kalulunos-lunos na hitsura nito.

Nanatili lang itong nakatingin sa kawalan.

VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon