Makalipas ang ilang linggo ay naghilom na ang sugat ni Eliya ngunit patuloy parin ang nararanasan nitong pananabik sa dugo.
Makailang beses na niyang tinali si Eliya sa twing nagbabago ang anyo nito.Ngunit tila hindi nito matatakasan ang sumpa ng pagiging bampira.Ilan beses na rin siyang muntik makagat nito sa twing makakaramdam ito ng pagkahayok sa dugo.
Nang dahil sa malakas na pag-ulan ay hindi nakababa ng Maynila si Drake upang bumili ng dugo para kay Eliya.Malimit din kasi ang aksidente sa twing tag-ulan at madulas ang kalsada kaya kahit ang mga ospital at blood bank ay nagkakaubusan din ng stock ng dugo.
Napansin niya ang pagiging balisa ni Eliya,hudyat ito ng pagbabago ng kanyang anyo kaya mabilis niya itong itinali sa kama.
"I'm sorry Eliya,but I have to do this!" aniya habang sinisiguro ang mahigpit na pagkakatali nito sa magkabilang gilid ng kama.
Patuloy ang malakas na pag-ulan kasabay ng pagtangis ni Eliya.Panay ang silip niya sa labas ng bintana"Diyos ko!tumila na po sana ang ulan." usal niya.
Palakas ng palakas ang kalabog na nalilikha ni Eliya.Hirap na hirap na ito mula sa pagkakatali.Subalit wala siyang magawa kundi magbingi-bingahan na lang sa bawat pagdaing nito at paggawa ng ingay.
Tumatangis ang langit habang tumatangis si Eliya bagay na hindi napapansin ni Drake.Wala siyang idea na ang nangangalit na na langit at dumadagundong na kulog ay bunga ng sakit na nararamdaman at pagtangis ni Eliya.Dahil isa iyon sa hindi mabibilang na kakahayan nito ang kontrolin ang kalikasan.
Mayamaya pa ay tumila ang ulan.At tumigil ang pagkulog at pagkidlat.Pinakiramdaman niya ang paligid.Tila tumigil din ang ingay na nagmumula sa silid ni Eliya.Dahan-dahang siyang umakyat upang silipin ito.Ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang hindi makita si Eliya sa silid.Tanging putol na lubid ang naiwang nakatali sa magkabilang gilid ng kama.Wasak ang salamin ng bintana sa silid kung saan posibleng dumaan si Eliya.
Mariin niyang naisuklay ang dalawang kamay sa kanyang buhok at saglit siyang natigilan.Abot-abot ang kabog ng dibdib niya nang mga oras na iyon.Batid niyang malalagay na naman ito sa alanganin.
Mabilis na kinuha niya ang susi ng kotse at kahit imposible ay tinangka niyang sundan ang dalaga.
Muling bumuhos ang malakas na ulan.Halos wala na siyang makita sa kalsada.Itinigil niya saglit ang sasakyan habang nagpapatila ng ulan.
Panay ang tanaw niya sa daan,nagbabakasakaling makita si Eliya.Subalit malinis ang madilim na kalsada ng South Drive tanging malalamlam lang na ilaw na nagmumula sa poste ang tanglaw niya.Napapapukpok na siya sa manibela sa sobrang frustration hindi niya alam kung saan sisimulang maghanap.Pakiramdam niya nang mga oras na iyon ay nasa gitna siya ng kawalan.
Muling gumuhit ang matalim na kidlat kasabay ng malalakas na pagkulog.Halos napuyuko si Drake sa takot.
Nang mga oras na iyon ay tila wala na sa sarili si Eliya na sumalakay sa mga tao.Ilang mga lalaking nag-iinuman sa tindahan ang sinalakay niya.Kinagat niya ang mga ito sa leeg hanggang sa mawalan ng buhay.
Nagkagulo ang mga tao.Ang iba ay nagtakbuhan sa kani-kanilang bahay upang kumuha ng pansibat sa kanya at ang iba naman ay nangag-sarado ng bahay sa sobrang takot.Ang mga haligi ng tahanan ay nagkusundong habulin si Eliya subalit hindi na nila ito naabutan.
Nakarating sa kinauukulan ang nangyari.Inalerto ang buong kapulisan at naglagay ng checkpoint sa lahat ng maari niyang labasan.
Samantala nang mga oras na iyon ay nakauwi na ng bahay si Drake.Nagmamadali siyang umakyat upang silipin kung nakauwi na si Eliya.Subalit bigo siyang bumaba sa salas.Matapos magtimpla ng kape ay binuksan niya ang telebisyon upang manood ng balita tungkol sa lagay ng panahon.
BINABASA MO ANG
Vampire
VampireMay mga bagay na sadyang hindi maarok ng ating pag-iisip tulad ng hiwagang bumabalot sa ating paligid.Samahan niyo ko sa paglalakbay ni Drake sa mundo ni Eliya.