Halos matulos si Drake sa kinatatayuan nang bumungad siya sa bahay nila Eliya,nakahambalang sa gate ang duguan at wala nang buhay na si Arturo ang driver at kasama sa bahay ni Eliya,Nagkalat ang mga basag na paso at halaman.Wasak ang mga bintana ng van na nasa loob ng garahe.Tadtad rin ng tama ng bala ang sasakyan at ang buong kabahayan.Dahan-dahan niyang inihakbang ang nanginginig niyang mga paa.
Ilang saglit pa ay tumambad sa kanya ang duguan at agaw-buhay na si Lola Rosing.
Agad niya itong nilapitan at kinalong.
"Lola sino po ang may kagagawan nito?"aniya na bahagya pang inilapit ang mukha sa sisinghap-singhap na matanda.
"Drake,si Eliya."hirap man sa pagsasalita ay nagawa paring ibilin ni Lola Rosing si Eliya sa kanya.
"Lola, sino pa ang may gawa nito?"muling tanong niya sa pagitan ng pag-iyak habang kalong-kalong ang matanda.Subalit hindi na nito nagawa pang makapagsalita at nalagutan na ito ng hininga.
"Lola!"ganoon na lang ang sigaw niya habang mahigpit na yakap ang matanda.
Hinanap niya sa buong bahay si Eliya,subalit bigo siyang makita ito.Natatarantang tinawagan niya si Eliya,Nakakailang ring na ngunit hindi pa rin ito sumasagot.Hanggang sa isang pamilyar na boses ng lalaki ang marinig niya sa kabilang linya.
"Ano Drake?namimiss mo na ba siya."bigla ang buhos ng emosyon niya ng marinig muli ang boses ng lalaking.
"Hayup ka!ano ang ginawa mo kay Eliya?Ano ang kailangan mo sa akin?"
Nagngangalit ang kanyang mga ngipin sa galit.halos madurog ang cellphone sa riin ng pagkakahawak niya.
"Ibalik mo sa amin ang lahat ng ebidensiyang nakuha mo laban sa amin.Kung ayaw mong malagutan rin ng hininga ang pinakamamahal mo.Hintayin mo ang text ko kung saan at kailan ka pupunta!"
Wala na siyang narinig pang kasunod.Pinatay na ng lalaki ang telepono.Mariing naisuklay niya ang dalawang kamay sa kanyang ulo.Muli siyang nabalik sa kasalukuyan.Nasa harapan niya ngayon ang duguang katawan ni Lola Rosing.Muli siyang naluha nang mapagtanto ang lahat.
"Patawarin niyo po ako lola,nadamay kayo sa gulong pinasok ko."
Nang mahimasmasan ay tinawagan niya ang kuya niya upang magimbestiga sa nangyari.
Nang dumating ang mga pulis ay kinuhanan siya ng mga ito ng statement at hindi na siya naglihim pa.Ipinagtapat niya sa mga ito ang pagdukot ng sindikato kay Eliya,At ang posibleng ugat ng lahat ng kaguluhang iyon.Nangako naman ang kuya niya at ang mga kasamahan nito na tutulungan siyang mabawi si Eliya.
Samantala nang mga oras na iyon ay balot nang takot si Eliya,hindi niya nagawang ipagtanggol ang sarili.Tulog siya nang pasukin ng mga hindi kilalang lalake ang bahay.Biglang may kung anong pinaamoy sa kanya ang mga ito nang mamulatan niya sa loob ng kanyang silid dahilan upang mawalan siya ng malay.Mabilis ang naging pagkilos ng mga lalaki.Mabilis na naibaba siya at naisakay sa van.Nagtangkang humabol si Arturo dala ang sariling baril subalit nasorpresa ito nang bigla na lang magpaulan ng bala ang mga salarin.Agad na bumagsak malapit sa gate si Arturo kasabay ng pagbagsak ni Lola Rosing na noon ay palabas sana ng sala upang habulin si Arturo.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakaramdam ng takot si Eliya,takot na kung ano na ang nangyari sa lola niya.Nararamdaman niyang mayroong hindi magandang nangyari sa mga naiwan niya sa bahay subalit wala siyang magawa.
Mula sa pagkakalapag sa kanya sa maliit na papag ay mahigpit na nakatali ang kanyang mga paa at kamay.Habang nakapiring ang kanyang mga mata at nakabusal ang bibig.
Wala siyang magawa upang ipagtanggol ang sarili dahil nasorpresa siya sa pagdating ng mga ito.Labis-labis ang pagsisisi niya kung bakit hindi niya nagawang makita ang lahat.
BINABASA MO ANG
Vampire
VampireMay mga bagay na sadyang hindi maarok ng ating pag-iisip tulad ng hiwagang bumabalot sa ating paligid.Samahan niyo ko sa paglalakbay ni Drake sa mundo ni Eliya.