Chapter V#Eliyastrick!

391 15 0
                                    

Matapos ang insidente ay tila walang nangyaring bumalik sa lamay si Eliya.

"Eliyah,saan ka ba nagpupupunta,alalang-alala kame sa iyo ah!" Bungad sa kanya ni lola Rosing.

"Nagpalipas lang po ako ng galit lola,alam niyo naman pong kailangan kong kontrolin ang emosyon ko!"kunway sabi niya.

Ilang minuto na siyang nakakaupo ng mapansin niyang nagdatingan ang ilang schoolmate nila na naging kaibigan ni Anie,kasama ng mga ito si Drake.biglang gumaan ang loob niya nang makita ito.

humiwalay ito sa grupo na dumiretso sa harapan upang sumilip kay Anie at dumiretso sa kanya.

"Hey,where have you been?hindi ka na ba talaga papasok?" Anito na umupo sa tabi niya.

"Bakit ano ba ang balita sa campus natin?"aniya.

"Wala,bakit ano ba ang nangyayari?matapos mawala ni Anie,hindi ka na rin bumalik sa school,ngayong nakita mo na siya hindi ka pa rin ba papasok?"

"Wala bang sinasabi ang mga pulis tungkol sa akin?"untag niya.

"Wala naman,mula nang umalis ka hindi na rin nagpunta sa campus ang mga pulis."

Napatanaw siya sa malayo habang nag-iisip.Hindi niya akalaing mananahimik lang ang mga ito matapos ang ginawa niya sa presinto.

"Ano ba ang usap-usapan sa school tungkol sa pagkamatay ni Anie?"

"Ang sabi nila nabaliw raw kaya nagpakamatay!"maikling tugon ni Drake.

Lalo siyang nadismaya sa narinig.Walang nakakaalam ng tunay na sinapit ni Anie.Masakit sa loob niya na napapag-usapan si Anie ng ganoon.Hindi niya napigilan ang luhang malayang dumaloy sa kanyang mga pisngi.Bahagya siyang napayuko upang ikubli ang sakit na nararamdaman niya.

"I'm sorry Eliya,alam kong labis kang nasasaktan sa pagkawala ng matalik mong kaibigan,huwag kang mag-alala nandito lang ako para sa iyo."naramdaman niya ang bahagyang paghaplos nito sa bahaging likuran niya.

"You know what the saddest thing is?"nangingilid ang luha sa kanyang mga mata na tumingin kay Drake.

"Namatay siya nang hindi man lang nakakamit ang hustisya!,na hindi man lang nalaman ng iba ang tunay na dahilan ng pagkakasakit niya."

"Ano ang ibig mong sabihin?may nangyari bang hindi namin alam?"

Seryoso ang mukha nitong nakatunghay sa kanya.

"She was raped!A gang raped!"muling bumuhos ang luha sa kanyang mga mata habang nagbabalik sa kanyang alala ang kalunos-lunos na sinapit ng kaibigan.

Napaawang ang mga labi ni Drake,bakas sa mukha nito ang pagkabigla sa narinig.

"Ginahasa siya ng mga demonyong iyon,pinagpasa-pasahan na parang laruan matapos nilang turukan ng pinagbabawal na gamot,binaboy nila si Anie!" kuyom ang mga kamay na sambit niya.

"Bakit hindi mo inireport sa pulis?dapat managot ang gumawa nito sa kanya, Eliya."humarap ito sa kanya at humawak sa magkabila niyang braso.

"Walang maniniwala sa sasabihin ko Drake!"aniya.

"Bakit mo naman nasabi iyan?Kung nakita mo ang lahat ibig lang sabihin na naroroon ka nang mga oras na iyon."

"Wala ako roon nang mangyari iyon,hindi ko alam kung maniniwala ka sa sasabihin ko Drake-- may kakayahan akong makita kung ano ang nangyari o mangyayari pa lang."

Isang pagak na ngiti ang sumilay sa mukha ni Drake.Bumitiw ito sa pagkakahawak sa braso niya at bahagyang lumayo.

"See?ikaw mismo hindi makapaniwala sa akin?You think I'm insane too?"matabang ang  ngiting sumilay sa kanyang mga labi.Bahagya niyang tinuyo ang mga luha sa kanyang pisngi ng kanyang mga kamay at aktong tatayo siya nang pigilan nito ang isa niyang kamay.

VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon