Prologue

36 6 1
                                    


Sa loob ng isang lumang bahay ay may lagusan kung saan nandoon ang kaharian ng mga itim na lobo.

Sa unang tingin ay mukha itong inabandonang bahay.

Pumasok si Lowe na humahangos mula sa lugar ng mga babaylan.

Hindi mo aakalain na sa mala anghel nitong mukha ay may itim na lobong maninila.

Humahangos niyang binaybay ang napakahabang pasilyo papunta sa kwartong kinaroonan ng kanilang pinuno.

Samantala, ang pinuno at ang buo nitong konseho ay nagpupulong sa isang munting silid na iilan lamang sa kanila ang nakakaalam. nasa dulo ito ng kastilyo na tanging kandila lamang ang nagbibigay liwanag.

Nakaupo ang limang miyembro ng konseho sa isang mahabang mesa na nasa dulo ng kwarto, ang pinuno ay malapit sa bintana. Nasa gitna ito ng lamesa at ang buong konseho ay nasa magkabilang gilid ng nito.

nagulat ang lahat sa biglang pagpasok ni Lowe, lahat ay nakatingin sa kaniya at nagaabang sa kaniyang dalang balita.

"Ano ang mensaheng iyong nakuha?" seryosong pagtatanong ng pinuno.

"May ipanabibigay na sulat ang mga babaylan pinuno." Yumuko ito upang magbigay galang at lumuhod sa harap ng kaniyang pinuno.

Kinuha niya mula kay Lowe ang sulat at saka binasa ng tahimik ang mga nakapaloob doon.

Nakamasid ang buong konseho sa pinuno na nanginginig ang kamay sa galit.

"Kalokohan!" padabog nitong inilapag ang sulat sa lamesa.

"Iwan niyo muna kami" ani ng pinuno na pilit pinapakalma ang sarili. Agad namang tumayo ang buong konseho at lumabas ng silid.

"Hindi ito maari! Paano mo nasisigurong totoo ang pangitain na iyan?" Galit na galit na sigaw nito kay Lowe.

"Hindi pa naman nagmimintis ang pangitain ng mga babaylan pinuno, sila ang nag gabay saatin kung saan matutunton ang matagal na nating kinatakutang lobo at sa kanila din galing ang impormasyon kung paano ito mapapatay" pangungumbinsi nito sa pinuno.

"Hindi ako makakapayag! Hindi maari! Hanapin ninyo kung sino ang nilalang na yan at kung saan siya mahahanap, ngayon na!" galit na pahayag ng pinuno.

" Masusunod pinuno!" agad na tugon ni lowe na kanang kamay nito at saka umalis.

"Aah!" Muli nitong inihampas ang kamay sa lamesa na halos masira na.

"Hindi ako makakapayag na muli kayong magtagumpay, hahanapin ko ang bunga ng inyong pagtataksil at ako mismo ang papatay dito!" Ani ng pinuno na nagtatagis ang mga bagang sa sobrang galit.

The LegendaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon