*Imagination?*
Ravi's POV
Hindi pa din mawala sa isip ko kung Anong ibig sabihin nung lalaki kanina? Red eyes? Wala namang nakalagay na red eyes sa damit ko?maski sa motor ko wala.
Pagkarating namin ng school di ko na napansin si lyall, tumakbo ako diretso sa bulletin board para hanapin ang room ko, iisa isahin ko na sana ang papel na nandun, pero nakapagtataka na ang bilis ko lang nakikita ang mga rooms ko per subject? Hindi ito normal, sa dami ng subjects, sections, years, pati elementary ay nandito. Kaya ang mabilis na makita agad ang subjects ko ay kataka taka para sakin pero dahil late na ko, hindi na ko nagaksaya pa ng oras tumakbo na ko papunta sa first subject ko.
Kunot pa din ang noo ko, dahil ngayon lang nangyari sakin ito. Madalas, inaabot Ako ng 30minutes bago ko makuha lahat ng information.Dapat ko bang sabihin kay lyall ang nangyari kanina?
Natapos ang buong klase ko ng wala akong kibo, puro lang naman introduction ngayon dahil first day of school palang naman.
Naupo ako sa isang bench na malapit sa parking, dito ang antayan namin ni lyall.
"A penny for your thoughts?" Hindi ko inaasahan na si duds ang makikita ko.
"Ikaw pala yan Duds" napakurap pa ko ng ilang beses dahil sa natigil kong pagiisip.
"So, ano na ran? Napagisipan mo na ba pag join sa team ko?" Ipinatong niya ang dalawang siko sa sandalan ng bench saka tumingin sa malayo.
"Pinagiisipan ko pa duds, nagmamadali ka ba?" tinignan ko siya na para bang wala ako sa sarili ko.
"It's okay, just take your time." Umayos siya ng upo saka ako tinignan sa mata.
"Salamat duds!" Nginitian ko lang siya.
"Okay pero hanggang friday lang ang maibibigay ko sayong palugit, kasi kailangan na sa sabado." Ngumuso siya saka humalukipkip sa tabi ko.
"Okay! Sige, see you na lang sa Friday or text kita?" Isinenyas ko pa sa kanya ang phone ko.
"Yeah! Sure! Mauna na pala ko may pupuntahan pa ko eh, bye for now ran!" Tumayo na siya at kumaway ng nakatalikod na siya sakin.
"Sige ingat!" Kumaway na lang din ako.
"Hey vian! si dudes ba yun?" Kinalabit niya ko saka tinuro si duds na nasa malayo na.
"Oo" Tinaas ko ang gilid ng labi ko, saka yumuko at pinaglaruan ang mga daliri ko.
"Oh Bakit ganyan itsura mo?" Nagtataka na itong nakatingin sakin.
"Pinagiisipan ko pa yung offer niya, may options pa naman ako eh." malungkot ako dahil pakiramdam ko ay may sakit ako, kanina kasi habang nasa room nababasa ko ang bawat isip ng mga naroon, professors, mga classmates na nagpaplastikan, yung iba nawiwirduhan na sakin. Hindi kaya hallucination ko lang ang mga nangyayari sakin ngayon?
"Ano ba kasing trabaho yun? Knowing duds marangal naman siguro yung trabahong ibibigay niya sayo?" Tinignan niya ko ng seryoso.
"Grabe ka eh nuh? Tingin mo kaya ko pinagiisipan dahil hindi yun marangal?" Pinanliitan ko siya ng mata.
"Oy! wala akong sinabing ganun ha? paano naman kasi pa showbiz effect ka eh ang tagal sabihin anong work ba yan?" Ang daldal talaga neto ang haba ng sinabi.
"Kung hindi kita kilala, mapagkakamalan kitang bakla sa sobrang kadaldalan mo yal!" Tumayo na ko para kunin ang motor ko at ng makauwi na kami.
"Tara mcdo bes! Treat kita! Float saka fries!" Ngumiti pa.
"Okay sabi mo eh!"mabilis akong nagsuot ng helmet saka pinaharurot ang motor ko.
Dumaan kami ni Lyall sa drive Thru ng Mcdo, dalawang Monster Float, dalawang Medium Fries at dalawang medium Cheese Burger, hindi namin kakayanin mag motor habang may hawak kaya inubos muna namin yun sa park na katabi.
May tatlong bench na magkakatabi, sa gitna ay may apat na swing, sa magkabilang gilid ng swing may sementadong table na pa square na may sementadong mga upuan, pang picnic kumbaga sa tabi ng table ay may malaking puno ng mangga kaya yung lamesa kundi dahon ng mangga ang naroon, eh maliliit na bunga ng mangga. Sa tabi ng puno ng mangga ay may sementadong table ulit. Bale apat yung ganoong table, pero sa bench kami naupo dahil nasa likod ng bench ang mga motor namin, mahirap na baka mawalan pa kami.
"Buti ka pa 'no bes? Lahat ng gusto mo nakukuha mo? Lahat ng kailangan mo nasa harap mo lang, ako kailangan ko pa magtrabaho para makapagaral." Sabay kagat sa cheese burger na hawak ko.
"Pakasalan mo ko bes, ibibigay ko sayo pati ang bituin sa langit" iminuwestra pa niya ang langit.
"Aray naman bes! Nagbibiro lang eh!" Binatukan ko nga, ngunguso nguso tuloy siya na parang tuta.
"Puro ka biro eh nuh? seryoso kasi ako! dalian mo na nga kumaen may trabaho pa ko, kahit kailan ka ang bagal mo eh nuh?" Tumayo na ko sa bench na kinauupuan ko saka kinuha ang motor ko, tumayo na din si Lyall habang may binubulong bulong.
"May sinasabi ka yal?" Ani ko bago ako sumakay sa motor ko
"Wala!" Padabog niyang isinuot ang helmet niya at pinaharurot ang motor niya, iiling iling na lang akong napasunod dito.
Pagkauwing pagkauwi ko ay hinanap ko na agad ang laptop ko, kailangan ko yun para kumita, online english tutor kasi ako kaya necessity sakin ang laptop.
Umakyat ako sa kwarto ko sa table lang ng mini sala ko inilalagay ang laptop ko pero hindi ko ito nakita doon ngayon.
Hinalughog ko ang buong kwarto ko pero wala talaga dun ang laptop ko.
"Reena!" ginamit na naman siguro niya laptop ko pang bukas ng fb niya, ubos na naman sigurado ang load ng broadband ko.
Pababa na ko ng hagdan para puntahan si reena sa kwarto niya ng biglang may parang hangin na pumasok sa isip ko, na siyang nagpasakit ng matindi sa ulo ko, napapikit ako sa sobrang sakit at napaupo sa baytang ng hagdan pababa.
Nasapo ko ang noo ko, "aaah!" Biglang may imahe ng isang babae ang pumasok sa isip ko, nakasuot ito ng mahabang damit na kulay itim na may hood, mukhang makapal ang tela nito na tila may balahibo ng isang lobo at may kwintas na hugis ng pangil ng isang lobo.
"Huwag kang matakot rana, binisita lamang kita upang bigyan kayo ng babala, nalalapit na ang muli niyong pagkikita, nanganganib ang buhay mo at ang buhay ng iyong pamilya, kailangan maiparating mo din ito sa iyong ama."
"Aaah!" Habol ko ang hininga ko, nawala na ito pero masakit pa din ang ulo ko, dahan dahan akong nagmulat ng mga mata ko.
"Ate! Ate! What happened?" nasa harap ko na si reena hindi ko alam kung gaano ako katagal nakaupo sa may gilid ng hagdan sapo ang aking noo.
"I-I'm o-okay reena, I'm fine! Ibalik mo na lang ang laptop ko sakin ngayon na! I need to work!" Dahan dahan akong tumayo nguni't nakahawak pa din sa ulo ko.
"Ate? Sigurado ka bang okay ka lang?" Nagaalala talaga ito saakin.
"Yes! I'm sure! Just give me back my laptop reen!" Sigaw ko sa kanya saka ako pumasok na ko ng kwarto.
"Sungit!" Nagdadabog itong umalis sa labas ng pinto.
Pagkapasok ko ay unti unti akong naupo sa sofa, nanlulumo ako, parang nahigop Ang lahat ng lakas ko sa katawan.
What is happening to me? sino ang babaeng nagpakita sakin? Bakit niya ako binigyan ng babala? And why do i need to tell dad about it? Is this really happening or is it just my imagination?

BINABASA MO ANG
The Legendaire
Manusia SerigalaRana Vian Luperca is a working student, from Dream Academy, where dreams do come true. Napaka responsable niyang anak at kapatid, pero hindi gaya ng ibang panganay na anak at kapatid, hindi siya sweet, mabilis siyang mairita. She was once a human, b...