*Agresya*
Lyall's POV
Hawak ko sa aking mga bisig si ran bago siya mawalan ng malay kanina at dahil sa engkwentrong iyon, Hindi namin alam kung gaano siya katagal na makakatulog. Hindi pa sapat ang lakas niya upang makaharap ang katulad ni cresencio na nagmula sa kabilang dako ng tinutuluyan namin ngayon.
Hindi ito ordinaryong tirahan, madaming nilalang ang narito kaya maingat dapat kami sa aming mga kilos.
Dito namin ninais na manirahan pansamantala upang maprotektahan si ran habang hindi pa sumasapit ang kaniyang kaarawan.
Lumagpas si ran sa filter lane kaya naman na alarma ang mga filteran na nakatira sa lugar na kung tawagin ay Filteria. Sa lugar na ito nagkakaroon ng pagkakabaha-bahagi ng mga angkan kung ikaw ba ay pure blood o half blood o isa ka sa mga mababang uri ng lobo. Hindi maaring lumagpas ang sinoman sa filter lane ng walang pahintulot ng mga taga Filteria. Isa na din sa dahilan kaya ninais naming dito manirahan dahil sa pagsalang ni Ran sa Filteria, dito namin malalaman kung saang lahi nga ba siya nabibilang. Sa pure bloods o sa half bloods na tulad ko.
Sinasala ang lahat dito upang malaman ang kani-kaniyang kakayahan. Mas malalakas na itinuturing sa buong Agresya ang half bloods dahil may dalawang lahi na nanalatay sa dugo namin. Dalawang lahi na siyang nakapagpapalakas sa aming mga half bloods. Sinasala ang bawat nilalang na nabibilang sa amin upang malaman ang antas ng kapangyarihan, nahahati kami sa dalawang pangkat ang umari at yodigya. Ang umari ay binubuo ng grupo ng mga lobo na may mataas na antas ng kapangyarihan kaya naman sila ang nasusunod na batas. Ang grupo naman ng yodigya ay mas malalakas kaysa mga umari sapagka't karamihan sa kanila ay may taglay na kani-kaniyang kapangyarihan na hindi mawari ng mga filteran kung saan nagmumula, kaya naman mas nasusunod ang anomang ipaguutos ng grupong yodigya kaysa sa batas.
Madami kaming nais sabihin kay ran nguni't may tatlong araw na ang nakalilipas ay hindi pa din siya nagigising. Lahat kami ay nababahala na dahil malapit na ang kaniyang kaarawan. Kinakailangan na niyang sumalang sa filteria.
Naputol ang aking malalim na pag-iisip dahil sa biglang pagpasok ni sasha.
"Lyall! Papunta na dito ang mga puting lobo, nasa bukana na sila ng Maze Garden, anomang oras ay matutunton na nila tayo dito." May bahid ng pag-aalala sa kaniya mukha, gayon din naman ang lahat ng nasa sala sa mga oras na 'to.
"Tito res, anong gagawin natin?hindi natin maaring ipasok ng filteria si ran ng tulog." Baling ko sa ama ni Ran na nakayuko at tila malalim din ang iniisip.
"Sasha, maari ba tayong humingi ng tulong sa mga taga filteria?"kunot noo niyang sabi.
" Hindi maari, ayaw na ayaw ng mga taga filteria ang nadadamay sila sa kahit na anong uri ng laban." Nababahala niyang sagot.
"Kakausapin ko si cresencio, bantayan niyo si Ran. Babalik ako agad." Dali-dali akong tumakbo sa dako kung saan kami nagkita ni cresencio bago pa man kami lumipat dito. Isang huni lamang ng aking pito ay nagpakita na siya agad sa akin.
"Anong maipaglilingkod ko kaibigan?" Nakangiti nguni't bakas ang pagkaseryoso sa kaniyang mukha.
"Kailangan ko ng tulong mo kaibigan, si Ran-"
"Alam kong nanganganib ang buhay niya at dahil ako ang may gawa sa kaniyang pagkakahimbing napagusapan ng buong konseho ng filteria na kayo ay pansamantalang tulungan, maari mo na silang dalhin sa filteria sa lalong madaling panahon. "
"Salamat kaibigan, Babalik ako agad."
"Kailangan mo ng magmadali kaibigan wala ng panahon. Gamitin na ninyo ang natitirang kapangyarihan ni reszo."
"Salamat kaibigan, maasahan ka talaga." Tinapik ko siya sa balikat at saka nagmamadaling tinungo ang sala ng bahay.
"Anong balita Lyall?" Salubong nilang lahat.
"Maari na tayong pumunta doon. Tito, kailangan na nating gamitin ang kapangyarihan mo." Nagmamadali naming tinungo ang silid ni Ran.
Nguni't pagbukas namin ng pinto, wala si Ran sa kaniyang higaan. Agad akong sumilip sa bintana, wala pa ang mga kalaban, paanong nawala si ran? Nilibot namin lahat ng sulok ng bahay pero bigo kaming matagpuan si Ran.
Ran's POV
Nagitla ako ng marinig ko ang malakas na boses na nagmumula sa ibaba ng bahay, kay Sasha ang boses na iyon. Hindi ko maintindihan kung bakit mula sa kwartong kinaroroonan ko ay naririnig ko ang kanilang boses. Maging ang muling pakikipagusap ni Lyall kay Cresencio ay dinig na dinig ko. Lahat kami ay nasa panganib, alam ko kapag ginamit ni dad ang kapangyarihan niya maari niya ng ikamatay iyon dahil tulad ko mahina pa ang katawan niya.
Bago pa sila makalapit sa aking kwarto ay agad akong tumayo at tumalon sa nakabukas na bintana ng walang pagaalinlangan. Kailangan ko ng makalayo bago pa man mapahamak ang aking pamilya, ako ang pakay ng mga puting lobo. Kung kinakailangan kong isugal ang buhay ko mailigtas lamang ang pamilya ko ay gagawin ko.
Sasha's POV
Hindi ko alam kung paano nagawa ni Ran harangin ang pagpasok ko sa kaniyang isipan. Hindi ko matukoy kung nasaan siya, kaya kahit pa labag sa loob ko binasa ko ang isipan ng isang puting lobo na parating sa amin.
"Lyall! Nakita ko na si Ran!" Pagkukumpirma ko upang maibsan ang kanilang pagaalala.
"Nasaan siya Sasha? Sabihin mo!" Natataranta niyang sabi.
"Kasama na siya ng mga kalaban" bagsak ang balikat kong pagbabalita sa kanila.
"Ano?Paano nangyari Sasha?" Si Tito reszo na hindi makapaniwala sa aking sinabi.
"Hindi ko alam kung paano Tito, hinaharangan ni Ran ang pagpasok ko sa kaniyang isipan." Napalunok ako ng makitang madilim ang aura ni Lyall. Anomang sandali maaari niya kaming lupigin lahat. Ganoon kalakas ang kapangyarihan niya, ano pa kaya kung matuklasan na ni Ran ang sa kaniya.
"Dad, nagugutom na ko. Where is ate by the way?" Nakaligtaan namin si Reena. Tulog pa nga pala siya.
"May pinuntahan ang ate mo Reena. May pagkain na sa kusina gusto mo bang samahan kita?" Yaya ko sa kaniya, wala kasing sumasagot sa kanila.
"No, thanks! I can handle." Ang sungit din tulad ng ate niya kaya siguro laging nagaaway silang dalawa. Pareho ng ugali.
"Sasha, nakikita mo pa ba sila?" Nakatalikod saamin si Lyall subali't mahahalata ang pagaalala sa kaniyang tinig.
"Hindi na. Nakalayo na sila kanina pa." Malungkot kong saad.
"Paano natin siya makukuha doon Sasha? Alam mo ba ang pa punta doon?"
"Hindi ko alam ang bago nilang kuta. Bakit hindi mo subukan itanong sa kapatid mo Lyall?"
" Sa tingin mo ba sa sabihin niya sa akin kung nasaan sila?"
Tumayo ako at pinaharap siya sa amin.
"Ikaw higit kanino pa man ang mas nakakakilala sa kapatid mo, Lyall. Alam mo kung paano siya lalambot sa'yo, sa ganitong panahon kinakailangan nating sumugal. Hindi lang isang buhay ang mawawala kapag tuluyan na nilang napatay si Ran, mas madaming mawawala at mamamatay sa oras na gamitin nila si Ran laban sa atin, isantabi mo na muna ang hidwaan ninyong magkapatid. Pagisipan mo ang sinasabi ko, ito lang ang naiisip kong maaring makatulong sa'tin." Tinapik ko ang balikat niya bago ako lumabas ng bahay upang maglakad-lakad.
BINABASA MO ANG
The Legendaire
WerewolfRana Vian Luperca is a working student, from Dream Academy, where dreams do come true. Napaka responsable niyang anak at kapatid, pero hindi gaya ng ibang panganay na anak at kapatid, hindi siya sweet, mabilis siyang mairita. She was once a human, b...