*The Decision*Nagising ako na ang ulo ko ay nasa magkapatong kong kamay sa lamesa.
"Shit! Nakatulog pala ko?" Matapos ko magtrabaho ay sa lamesa na pala ko nakatulog, tinignan ko ang oras sa cellphone ko na nasa tabi lang ng laptop, alas dos palang ng madaling araw, may 2 missed calls at 1 new message ako.
Yung unang missed call ay si duds, pangalawa si Lyall, at yung message galing kay Lyall.
Bes_Lyall:
Bes?ayos ka lang?I heard from reena sumakit daw ulo mo for 15minutes? Nakayukyok ka daw sa may hagdan?
Still up?Ang daldal talaga ng kapatid ko.
Ran: yeah. I'm fine Bes don't worry. :)
Wala akong nareceive na reply tulog pa siguro yun dahil alas dos pa lang naman.
Tumayo na ko para lumipat sa kama ko, medyo nahirapan ako tumayo kasi namanhid na yung binti ko, sa tagal ko ba namang nakayukyok dun eh.
Pagkahiga ko, nakita kong muli ang mukha nung babaeng nakausap ko kanina pati na din yung mga sinabi niya, hindi ko alam kung bakit ganun yung sinabi niya, hindi naman kami mayaman para manganib ang buhay, baka nga imahinasyon ko lang yun.
Sinubukan ko ulit matulog pero hindi na ko muling nakatulog pa naghintay na lang akong mag umaga.
Bumaba ako sa kusina namin ng maaga, tinignan ko ang ref namin kung may mailuluto ba akong almusal kapag nauubusan kasi kami bumibili na lang ako sa labasan ng makakain.
Mukhang nag grocery naman kahapon si dad, may ham at hotdog saka itlog dito sa ref, lulutuin ko na muna tapos bibili na lang ako ng malunggay pandesal sa kanto.
Pagkatapos magluto ay bumalik muna ko sa kwarto ko para kumuha ng jacket dahil malamig ngayon, malakas kasi ang ulan kagabi.
Ayokong naglalakad sa lugar na ito, nangungupahan lang kasi kami sa apartment na nakuha namin dito sa Palangka, madaming mga tambay na akala mo lalamunin ka ng buhay kung makatingin, kaya ngayon palang nakapagdesisyon na ko, tatanggapin ko yung trabahong inaalok ni duds, para sa pamilya ko. Para sa safety namin at para na din sa pagaaral namin.
Kaya naman pagkauwing pagkauwi ko ay idinial ko na agad ang number ni duds para matawagan siya.
"Hello, duds?" Paninigurado ko sa nasa kabilang linya.
"Goodmorning ran! Ang aga mo ata napatawag?" Masiglang bati niya.
"Kasi nakapagdesisyon na ko duds, tatanggapin ko na ang alok mo." Buong lakas ng loob kong sinabi iyon.
"That's good news ran! Saktong may nakaline-up na race ngayong Wednesday, gusto mong sumama?" Ani duds.
"Sure! Anong oras ba yan?" Alam ko delikado ang ganitong hanap buhay pero eto lang ang naiisip kong paraan upang gumaan ang buhay namin.
"I'll text you the details ran, see you sa Wednesday!" Binaba na nito linya.
Tinatawagan ko si lyall, pero hindi niya sinasagot.
"Ano kayang problema nito?" Kunot noo kong tinignan ang cellphone ko.
Dahil hindi naman sumasagot si lyall sa mga tawag ko kanina, pinuntahan ko na lang siya dito sa bahay niya.
Malaki na din para sa isang tao lang naman, two storey ito at modern and pagkakadesign, mahilig pala sa bulaklak si Lyall? ang dami kasing bulaklak dito sa plantbox sa tabi ng gate niya.
Tinawagan ko ulit pero hindi pa din sumasagot ang loko, Kaya nagtext ako tutal maaga pa naman eh.
Ako:
Bes, andito ko sa labas ng bahay niyo, papasok ka ba o Hindi? Hindi ka kasi sumasagot sa tawag ko?
May narinig akong kumalapag at bumukas ang gate, iniluwa nito ang mukha ng best friend ko.
"Ano ba yang itsura mo yal? Para kang nakakita ng multo?" Gulat at pagkamangha ang nakikita ko sa mukha niya ngayon.
"Ano kasi vian, hindi ako makakapasok ngayon eh, salamat sa pagaalala mo ha?sige na bye!" Binalibag nito ang gate pasara.
"Baliw na 'to? Hoy! Lyall Andrei! Buksan mo 'tong gate!" Kinalampag ko ang gate pero hindi na siya lumabas.
"Humanda ka sakin bukas Lyall Andrei Ambrosyo!" Sigaw ko, saka ko muling sinuot ang helmet ko at pinaharurot ang motor ko papuntang school.
Lyall's POV
Kanina pa tumatawag si vian pero hindi ko sinasagot, natatakot akong malaman ng kaharap ko ngayon kung nasaan si ran.
Mabuti ng ganito, ililihim ko na muna ang lahat, Hindi nila pwedeng malaman kung nasan siya.
Kailangan ko munang makausap si Tito res.
Nagtext si vian na nasa baba siya ng bahay, nag dahilan lang ako, para Hindi na bumaba si Lowe kasama ko.
"May bibilhin lang ako, dumito ka lang muna sa kwarto ko, walang pwedeng makakita sa'yo sa lugar na ito lowe." Paalala ko sa kaniya.
"Hanggang ngayon naman kasi hindi mo pa nagagawa ang misyon mo Lyall? Napakatagal na panahon ka na naming hinihintay?" Umupo siya sa single sofa na nasa gilid ng glass door papuntang terrace.
"Sinabi ko naman na sa'yo diba? Malaki ang mundo ng mga tao, maaring wala siya sa bansang ito." Aniya.
"Sige na bilhin mo na ang bibilhin mo, hindi ba't papasok ka pa?" Nakataas ang isang kilay na pagtatanong niya.
"Sandali lang ako, huwag kang susunod ha?" Mabagal na tango lang ang tanging naging sagot niya.
Mabilis akong bumaba, natataranta ako dahil baka maamoy ni lowe ang presensiya niya, hindi ako lumabas ng husto ulo ko lang ang pinasilip ko sa gate.
"Ano ba yang itsura mo yal? Para kang nakakita ng multo?" Nahahalata niya na siguro ang pagkagulat ko.
"Ano kasi vian, hindi ako makakapasok ngayon eh, salamat sa pagaalala mo ha?sige na bye!" Pabalibag kong isinara ang gate.
"May bisita ka ba Lyall?" Ani Lowe na nakatayo sa pinto.
"Wala yun, pumasok na tayo sa loob." Tinulak ko siya papasok ng bahay.
"Baliw na 'to? Hoy! Lyall Andrei! Buksan mo 'tong gate!" Narinig kong sigaw ni vian habang kinakalampag ang gate.
"Humanda ka sakin bukas Lyall Andrei Ambrosyo!" Huling sigaw niya na siguradong narinig ni lowe.
"Sino ang babaeng iyon Lyall?" Pinagkrus niya ang mga kamay saka sumandal sa likod ng pinto, malalim ang tingin niya sakin.
"Wala iyon huwag mo ng pansinin!" Tinalikuran ko siya sabay takbo papanhik sa kwarto ko.
"Susundan ko na lang siya tutal ay ayaw mong sabihin." Kalmado pero may pagbabanta sa boses niya.
Nilingon ko siya pero huli na ang lahat, nakaalis na si Lowe.
"Shit!" Dali dali akong nagbihis ng pang alis kong damit, nakasando at boxer shorts lang kasi ako. Kailangan ko siyang maunahan, hindi niya pwedeng makita si ran.
BINABASA MO ANG
The Legendaire
Kurt AdamRana Vian Luperca is a working student, from Dream Academy, where dreams do come true. Napaka responsable niyang anak at kapatid, pero hindi gaya ng ibang panganay na anak at kapatid, hindi siya sweet, mabilis siyang mairita. She was once a human, b...