*Sasha*
Ran's POVNaabutan kong tulog si dad sa tabi ng higaan ni reena.
"Hi ate! Saan ka galing?" Bati niya sakin habang nagbabasa ng librong hawak, Dire-diretso lang ako sa tabi niya.
"Kumusta ka?may masakit ba sa'yo?" Hindi ko sinagot ang tanong niya.
"Yes ate I'm fine na, sabi ni dad pupunta daw dito yung mga pulis para magtanong tungkol sa nangyari." Ang daldal talaga, pati hindi mo itinatanong sasabihin pa.
"Tss, Dapat nagpapahinga ka kung ganun naman pala, tigilan mo na kakabasa dyan, wala ka namang napapala sa mga librong yan. " Umupo ako sa maliit na sofa sa tabi ng kama niya.
"Ang boring kaya dito pampalipas oras ko 'to, saka kahit paano naman may natututunan ako sa mga librong binabasa ko. Mabuti pa ate bili mo na lang ako ng food please? "may lambing niyang pakiusap.
"Si dad? Pumasok ba sa trabaho? Sino nagbantay sa'yo dito?" Nagtataka kong tanong.
"Si Kuya Lyall." Ngumiti siya ng pagkalawak lawak at kumikinang ang mga mata niya.
"Tss, Ano ba gusto mong kainin?" Pagiiba ko sa usapan.
"I want lasagña ate and pizza, samahan mo na din ng fries at burger ate." Hindi halatang matakaw.
"Okay, gisingin mo na lang si dad pag may kailangan ka pa, Alis na ako." Tumayo na ko para lumabas kahit pagod na ko, alang alang sa pag galing ni reena.
Hindi ko na dinala ang motor ko tutal malapit lang naman ang fast foods, mahihirapan lang ako magbitbit.
Magkahiwalay pala bibilhan kong fast food, lasagña, pizza, burger at fries. Kaya ang ginawa ko umorder muna ko sa Greenwich ng lasagña at pizza, family size pizza at tatlong malaking lasagña ang in order ko, iniwan ko muna dun saka ako pumunta ng Mcdo, buti na lang magkatabi lang sila.
Masuwerte ako dahil wala ng masyadong tao, kaya hindi ako natagalan ng sobra pero pagkabalik ko sa kwarto ni reena, wala si dad.
"Asan si dad reena?" Tanong ko pagkalapag na pagkalapag ko ng mga bitbit ko.
"Wow! Ang dami! I'm so hungry ate! Pahinge na ako please!" Nag puppy eyes pa siya.
"Eto na nga oh! Inaasikaso ko na oh!" Mataray kong sagot habang isinasalin sa plate ang pagkain niya.
"Wow!" Aniya pagkababa ko ng tray sa harap niya.
"Pwede mo na bang sagutin yung tanong ko?" Bumalik ulit ako sa mesa para magsalin naman ng pagkain ko.
"Ahnoh bhang. tsanhong moh. ahteh?" Aniya habang nilalantakan ang pagkain niya.
"Nasaan si dad sabi ko." Umupo ako sa tabi ng lamesa para makakain na din.
"Lwumwabash ahteh, shabhi nwiya mhagshishi-ahr lhang dhaw shiya." Aniya habang puno ng pagkain ang bibig.
"Tss, ang takaw talaga." Bulong ko.
Kumain na lang din ako, dahil madami nga akong inorder, dalawang slice ng pizza at yung lasagña lang ang naubos ko. Almusal ko na lang bukas yung burger at fries.
"Ang tagal naman mag cr ni dad?" Sambit ko sa sarili ko,Lumalamig na kasi yung pagkain.
"Reena, hahanapin ko lang si dad." Tumango lang siya dahil busy sa pagbabasa ng libro. Sa edad niyang yan, PHR pocket books ang binabasa niya, Tch.
Ngayon ko lang napagmasdan ang hospital na ito, napakalinis at napakaputi, sa laki neto pwede kang maligaw kung walang signage sa paligid. Pumunta ako sa nurse station baka sakaling naroon si dad.
Hindi ako nagkamali, nandoon siya, nakaharap sa gawi ko, may babaeng kausap na nakatalikod sakin, mukhang magkasama sila ni Lyall.
"Dad." Tawag ko hindi pa man ako nakakalapit sa kanila.
Tinignan niya ko na tanging mga mata lamang ang gumalaw, kaya napalingon din pati ang babaeng kausap nila.
Nanlaki ang mata ko ng mamukhaan ko ang babaeng kausap nila na nasa harapan ko ngayon, para akong binuhusan ng tubig na mayroong napakaraming yelo, nag slow motion sa isip ko ang paglingon nang babae.
"Ran, nakabalik ka na pala." Basag ni dad sa nakabibinging katahimikan na namamagitan samin.
"Hi vian!" Si Lyall na halatang hindi alam kung anong gagawin.
"Hi!" Matipid na bati ng babaeng nasa harap ko ngayon.
"Paanong-- " tinuro ko siya, ramdam kong magkasalubong na ang mga kilay ko.
"Vian, may dala ka daw pagkain?" Sabat niya upang maiba ang usapan, saka lumapit sakin at inakbayan ako.
"Sino ka?Bakit ka andito?" Hindi pa din maaalis ang pangungunot ng noo ko at hindi natitinag ang mga titig ko sa kaniya.
"I'm sasha! nice meeting you vian!" Inilahad niya ang kamay.
Tinignan ko lang iyon, bakit hindi nila pinapansin ang mga tanong ko? Nagpalipat lipat sa kanilang tatlo ang aking tingin na may halong pagtatanong at pagtataka.
"Ah, you don't do shake hands nga pala." Ngumiti pa ito.
"Paano Sasha? We'll talk again some other time." Paalam ni dad sa kanya.
"Paano mo nagawang pasukin ang isip ko?" Diretso akong nakatingin sa kaniya.
"Ran, marami pang dapat na asikasuhin si Sasha." Pabulong niyang pigil sakin.
"No, clear these things to me now dad! What is happening to me? At paano niya ko nakausap sa isip ko?" Bahagyang tumaas ang boses ko, kaya naman napatingin samin ang mga nurse na nasa station.
"Ran, we can't talk about it here, alam kong naguguluhan ka na, pero hindi dito ang tamang lugar para pagusapan 'to." Pabulong ulit na sabi ni dad na halatang nagpipigil ng galit.
"Saan niyo gustong paguasapan natin 'to kung ganun?" May bahid ng inis kong sambit.
"Sa bago nating bahay." Nilagpasan ako ni dad, patungo na siya sa kwarto ni reena, kaya naman hindi na ko nakapagtanong pa.
Sumunod ako sa kwarto ni reena, tulog na siya at si dad naman nagliligpit ng mga gamit namin.
"Dad? What are you doing? Ang alam ko next week pa pwedeng makalabas si reena."
"Ran, Hindi tayo pwedeng maabutan ng mga pulis dito bukas ng umaga, yung pagsasalita ni reena sa kung anong nangyari ang makakapagpahamak sa ating lahat."
"Pero dad, hindi pa maayos si reena. You can just talk to her na ibahin ang statement niya from what really did happened." Panay ang ligpit ni dad kaya naman buntot ako ng buntot sa kaniya, paikot ikot kasi siya sa buong kwarto pilit isinisiksik sa bag na dala ang lahat ng mga gamit namin.
"No ran, because those pulis officers na pupunta dito bukas." Huminto siya at tinitigan akong maigi sa mga mata ko.
"What?"
"They might kill your sister and they might also do the same to you."
To be continued...
BINABASA MO ANG
The Legendaire
WerewolfRana Vian Luperca is a working student, from Dream Academy, where dreams do come true. Napaka responsable niyang anak at kapatid, pero hindi gaya ng ibang panganay na anak at kapatid, hindi siya sweet, mabilis siyang mairita. She was once a human, b...