*Savana*
Natigilan ako sa sinabi ni dad. Ganoon ba kasama ang panahon ngayon para patayin kami ng mga mismong mga pulis? Hindi ba't sila ang sumbungan ng mga taong nangangailangan ng tulong laban sa masasamang loob? Hindi ba't sila Ang takbuhan ng mga naapi?
"Dad, I don't understand why do we have to do this." Wala sa sarili kong sambit, hawak ko ang ibaba ng labi ko at pinaglalaruan ko iyon sa kung paano ko gusto.
"Ran, can you stop that please?" Pakiusap niya. "Tigilan mo nga paglalaro dyan sa labi mo, kulang na lang punitin mo eh." Sumilip lang siya sa rear view mirror ng sasakyan at nagpatuloy sa pagddrive.
Dala ni Sasha ang motor ko at hiniram niya din ang jacket na suot ko kanina, kasalukuyang nakasunod sila ni Lyall sa amin ngayon.
"Dad-"
"I told you ran, sa bahay natin paguusapan." May diin niyang sabi habang madiin din ang pakurap ng mga matang halatang nauubusan na ng pasensiya.
Napabuntong hininga ako at walang nagawa kundi ang tumahimik at tumingin na sa labas ng bintana ng sasakyan.
Napaisip akong muli at naguluhan ako ulit dahil sa ginawa ni dad kanina.
***
Nagmamadali niyang isinarado ang zipper ng maliit na maleta na pinagsiksikan ni dad ng iba't ibang kagamitan namin.
"Dad, ang bigat na niyan." Kunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang nga ginagawa niya.
"No, it won't be."Tinignan niya ako saka niya ikinumpas ang kamay sa ibabaw ng maleta na lumikha ng makulay na usok na sumuklob dito at siyang nagpaliit ng maleta na punong-puno ng laman.
Napaawang ang mga labi ko at nanlaki ang aking mga mata dahil sa lubos na pagkamangha sa ipinamalas na kapangyarihan ng aking ama.
Muling napaawang ang bibig ko pagkalabas namin dahil hindi ko alam kung anong ginawa si sasha para huminto ang oras. Hindi gumagalaw ang lahat ng naroon sa lugar, maging ang mga tao ay nakahinto.
May isang lalaki kaming nadaanan na kakain pa lamang ng hawak na burger, akma itong kakagat pero kinuha iyon ni lyall at pinalitan niya iyon ng pizza. Hindi naman na nito malalaman na si lyall ang nagpalit sa pagkain niya, maloko talaga.
Si reena, pinalutang siya ni dad habang natutulog siya, Pinagsiklop ni dad ang kaniyang palad at para bang humawi siya ng usok, sa isang iglap lumutang na si reena at para bang nakakalakad din siya dahil kahit nakahiga siya at natutulog ay lumulutang siya at sa bawat pagliko namin ay nakakasunod siya.
BINABASA MO ANG
The Legendaire
Manusia SerigalaRana Vian Luperca is a working student, from Dream Academy, where dreams do come true. Napaka responsable niyang anak at kapatid, pero hindi gaya ng ibang panganay na anak at kapatid, hindi siya sweet, mabilis siyang mairita. She was once a human, b...