Chapter Four

16 4 1
                                    

*First Encounter*

Ran's POV

Naging busy ako sa buong umaga at halos nakalimutan ko na ang tungkol kay Lyall kanina, ang weird dahil first time niya iyong ginawa sakin.

Lunch break na kaya papunta ako ngayon sa canteen kasama ang bago kong kaibigan na si pinky.

"Ran, Punta ka ba bukas sa birthday party ni Dara?" Aniya habang naglalakad kami.

"Hindi ko pa alam eh, may trabaho kasi ako." Nilapag ko ang librong hawak ko sa mesa pati na rin ang backpack ko.

"Wow! Working student ka pala?" Bilib na bilib niyang sabi habang umuupo sa harap ko.

"Oo eh! Kailangan kasi." Maiksing sagot ko.

"Hindi ka pa oorder ng food mo?" Iminuwestra niya pa ang counter .

Tatayo na sana ko  kasabay niya ng mag ring ang cellphone ko.

"Mauna ka na pinky, sasagutin ko lang 'to." dinukot ko ang cellphone ko sa kaliwang bulsa ng jeans ko.

"Okay!" Tumalikod na siya at nagtungo sa counter para umorder.

Si dad ang tumatawag.

"Hello? Dad? Napatawag po kayo?"

"Ran! Please go home right now!" Habol ni dad ang hininga niya.

"Anong problema dad? May nangyari ba?" Nagaalala na ko.

"Si reena! Nag collapse siya! Pumutok ang ulo niya ran! Please go home!" Natataranta si dad.

"What?! Anong nangyari?" Napalakas ata ang pagkakasabi ko dahil pinagtinginan ako ng mga taong nasa paligid ko, pero wala akong pakialam. Nakabalik na si pinky sa table namin.

"I'll tell you paguwi mo, kaya please umuwi ka na anak?" Pakiusap niya na parang gusto ng umiyak.

"I'll be there in fifteen!" Now I'm worried.

"Anong nangyari girl?" Takang tanong niya.

"I need to go home now pinky, pakisabi na lang sa professors natin!" Mabilis kong niligpit ang gamit ko, saka mabilis na tumakbo papuntang parking.

Malapit na ko sa motor ko ng may mabangga akong tao.

"Ugh!" Nahulog ang lahat ng libro ko. mabilis akong umupo upang pulutin ang lahat ng iyon, sabay din ng pagyuko ng taong nabangga ko.

"I'm sorry." Malamig na pagkakasabi ng taong nasa harap ko ngayon, na siyang nagpakilabot sakin.

Natigil ako sa aking ginagawa at saka unti-unti akong nag angat ng tingin sa kaniya, laking gulat ko ng makita ko kung sino siya.

"Lyall?! Anong ginagawa mo dito? Akala ko hindi ka pumasok?" Sunod sunod kong tanong habang muling pinupulot ang mga libro kong nagkalat sa sahig.

Wala akong nakuhang sagot mula sa kaniya kaya nag angat muli ako ng tingin.

"Saan nagpunta yun?" Biglang nawala si lyall? Binilisan ko na ang kilos ko para makauwi na ko agad, imagination ko na naman ba yun?

The LegendaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon