*Red Eyes*Ran's POV
Pag pasok ko ng kwarto ko ay naglock agad ako ng pinto, naiinis kasi ako dahil mapilit si dad sa mga gusto niyang mangyari.
"Nakakainis! Nakakainis! Nakakainis!" Tinakpan ko ng unan ang mukha ko saka ako tumili, ayoko kasing marinig ng kapatid ko ang pagkairita ko kay dad dahil idadaldal niya na naman kung kani-kanino.
Umupo ako sa sofa na nasa mini sala set ng kwarto ko, maliit lang ang kwarto ko dahil hindi naman kami mayaman, hindi ko din masabing may kaya dahil working student ako.
Kinuha ko ang cellphone ko sa 3 shelves table na nasa tabi ng sofa, madaming books sa mga shelves na yun.
Dinial ko ang number ng bestfriend kong si Lyall.
Isa, dalawa, tatlo...
Tatlong ring lang at sinagot niya na ang tawag ko.
"Hello?" Husky ang boses, mukhang kagigising lang ng loko.
"Goodmorning bes! Bangon na papasok na tayo." Bumuntong hininga ako.
"Oh? Vakhit ang vighat ng hininga moh? Pwoblema besh?" Halatang nakadapa siya dahil sa tono ng pananalita niya.
"Tsk! Bilisan mo na lang dyan! Ayoko malate!andito ka na dapat within 5minutes!" Sigaw ko sabay baba ng linya.
Tatayo na sana ako para maligo ng kumatok si dad sa pinto, napalingon ako sa pinto pero hindi ako kumilos para pagbukasan siya.
"Ran, anak?handa na ang breakfast, aalis na ko,ikaw na bahala sa allowance ng kapatid mo ha?" yun lang at umalis na siya, papasok na sa trabaho, cook si dad sa isang maliit na restaurant kaya hindi din kalakihan ang kita niya, dahilan kaya napilitan akong mag working student.
Dumeretso na ko sa banyo na nasa loob ng kwarto ko, nasa paanan ito ng kama ko kaya madalas pag bangon ko diretso agad sa banyo, late na kasi ako nakakatulog dahil sa trabaho, bago makarating sa banyo ay nandun naman ang cabinet ko, kumuha ako ng damit na susuotin ko, simpleng black tshirt na may tribal design na fit sakin, blue jeans at white na rubber shoes, inilapag ko ito sa kama at saka pumasok ng banyo para maligo ng lumamig ang mainit kong ulo.
Lyall's POV
Bakit na naman kaya ako binabaan ng linya ng babaeng yun?ano na naman kayang problema nun?
Nagiisip ako habang naliligo, hindi ito ang first time na binabaan ako ng linya ni vian, lagi siyang ganun kapag may problema siya, madalas ay pag nagaaway sila ni tito Res.
Binilisan ko na maligo at magbihis, kinuha ko ang back pack ko saka pinasadahan ng tingin ang sarili sa whole body mirror na nasa kwarto ko.
White shirt na may no fear na design, black pants, blue rubber shoes na may halong black and my backpack.
"All set! Let's go Lyall!" Hinagod ko muna ang buhok ko saka ako bumaba, kila vian na lang ako magaalmusal wala naman kasi akong kasama sa bahay na magaasikaso sakin eh.
Double check muna ng bahay kung nakalock na bang lahat, kinuha ko na ang helmet at susi ng motor ko na malapit sa pinto palabas ng bahay nakalagay.
BINABASA MO ANG
The Legendaire
WerwolfRana Vian Luperca is a working student, from Dream Academy, where dreams do come true. Napaka responsable niyang anak at kapatid, pero hindi gaya ng ibang panganay na anak at kapatid, hindi siya sweet, mabilis siyang mairita. She was once a human, b...