Rainbow Pin

151 34 2
                                    

WAVES (Group Chat: Active now)


Monica Torres: Wait lang talaga guys, hindi ako makapili ng damitttt :'(

Marc : Hoy baka kabugin mo pa ung bride!

Monica Torres: Eeksena ka pa talaga no.

Marc: Alam mo namang kahit anong damit mo...

Monica Torres: Ano?

Monica Torres: Umamin ka na kasi na crush mo talaga ako.

Hershey Lauren Vela: Torete, toreeete torete ako~

Marc : na kahit anong damit mo pangit ka parin! di ka na gaganda!

Marc : Tigilan mo ko Hershey ah.

Monica Torres: ANG KAPAL NG MUKA MO!

Pat Handsome: Torete sayo..

Marc: Isa ka pa tanda!

Pat Handsome: Nag rerehearse lang kami. Tanda mo muka mo, gwapo lang ako.


~

"Thank you Hershey, pumayag ka sa request ko. I owe you a lot." Ate Lyla said.

"Welcome ate, mahihindian ba kita?" sagot ko sakaniya sabay niyakap niya ko.

"Congratulations Mrs. Viceral, God bless to the both of you." bati ko sakaniya.

"Thank you very much." she said. Nandito kami ngayon sa reception ng kasal nila, hindi ko akalain na yung  babaeng halos ituring na niya akong kapatid at hindi nga siya nauubusan ng pangaral saaming dalawa ng kapatid niyang si Austin. Tapos ngayon ikakasal na siya, ang saya sa pakiramdam.

"Game na." sabi ko sa mga kabanda ko. Ni-request ni Ate Lyla na ang banda ko ang kakanta sa reception ng kasal niya. So punong puno na ng love songs yung utak ko, di tulad sa bar puro pang sawi at rock.

"Ako kaya kailan ako ikakasal." nakatulalang tanong ni Monica, guitarist ng banda namin.

"Patawa ka ba?" nangaasar na tanong ni Marc, bassist ng banda. 

"Ang sama talaga ng ugali mo." sabay irap kay Marc, ayaw pa kasing amining gusto nila ang isa't isa. Ang aarte.

"Mauuna muna si tanda, diba Pat." sabi ni Marc kay Pat.

"Maka tanda ka, hoy 3 taon lang ang tanda ko sainyo!"  sigaw ni Pat, drummer ng banda.

"Buti nga napa oo niya si Reyanne kagabi e, akalain niyo yun?" sabi ko sabay tawa.

"Hoy Hershey, alam kong 'Oo' talaga ang isasagot niya sakin. Aba sa gwapo  kong to? sinong hihindi?" mayabang na pagkakasabi ni Pat, nag propose kasi siya sa girlfriend niyang si Reyanne na ngayon of course fiance na niya.

"Tama na nga yan Pat di na maganda sa pandinig, tara na." sabi ni Monica at nagsimula na kami.


/NP:  Best Part by Daniel Caeser /

"Oh, ey...  You don't know babe when you hold me and kiss me slowly. It's the sweetest thing and it don't change. If I had it my way you would know that you are." pagkanta ko niyaya naman si Ate Lyla ng asawa niya para sumayaw.

P.s I am worthlessWhere stories live. Discover now