Maybe

133 31 1
                                    

Zach Martin (Active Now)


10 months after... 

Kelsey Ava Clark: ZACH!

Zach Martin: KELSEY!

Kelsey Ava Clark: Hindi ko na alam kung anong gagawin ko kay Hershey, i'm so tired. Para na kong nanay kung mangaral and I'm too pretty for that.

Zach Martin: Don't give up, she needs you.

Kelsey Ava Clark: Ano pa bang gagawin ko? Hindi na kami makapag usap, It's so complicated you know. Na hahaggard na ang beauty koooo!

Zach Martin: Alam kong sobrang dami ng nagbago sakaniya, hindi natin siya masisisi sa mga naging desisyon niya.

Kelsey Ava Clark: PERO LAHAT TO MALI!

Zach Martin: Kung hindi mo siya mababago...

Kelsey Ava Clark: ANO? UUTUSAN MO NANAMAN AKO? KUNG UMUWI KA KAYA DITO PARA TULUNGAN AKO.

Zach Martin: Tch shut up.

Zach Martin: Let her. She can fix it. Magtiwala ka lang sakaniya.


~

Kelsey.

   Kung tatanungin niyo ko ng What's the most difficult... the most difficult— I've...wait again. What's the most difficulty— wait parang mali. Tagalungin nalang natin mga kaibigan. Filipino ako, filipino tayo! alam niyo namang makababayan ako. Nandito nanaman ako sa sitwasyon na sa buong buhay ko eto na talaga yung napaka hirap, ang mamili ng shade ng lipstick ko for today.

Ang hirap maging pretty.

Gosh!

   Kinuha ko ang MAC Lustre Lipstick ko in the shade flamingo, ito ang bet kong aura for today. Pagkatapos ko mag ayos pumunta ako sa apartment ni Hershey, malapit na ko sa room ni Hershey ng makita kong lumabas siya kaya nag tago ako. Aba mukang wala lang sakaniya yung pagtatampo ko, muka parin siyang normal. Manigas ka diyan di kita kakausapin!

Pero bakit ka ba pumunta dito Kelsey?

Bakit nga ba?

Ay ewan basta I am confidently beautiful with a heart.

   Nakita kong  may paper bag nanaman sa harapan ng pinto ni Hershey at milktea ang laman nito. Mukang nakakatipid tong bruhang to ah, everyday may pa foods. Nagulat ako ng tumakbo  siya palabas, aba syempre sasagarin ko na tong pag spy ko kaya sinundan ko na siya. 

"Seth?" tanong ni Hershey sa lalaki.

"Oh bakit?" tanong din naman ng Seth.

"Bakit ka nandito?" tanong ulit ni Hershey.

"Bawal ba?" tanong din ni Seth. 

Wag nilang sabihing magtatanungan lang sila?  abnormal.

Nakatingin lang si Hershey sa note na nakadikit sa paperbag ng milktea kanina."A-ah kasi." di niya matuloy yung sasabihin niya.

OMGGG! Si Seth ba yung always na nagbibigay ng relief goods kay Hershey?

"Sayo ba to?" Hershey asked.

"What's that?" patay malisya namang tanong ni Seth.

"Alam mo Hershey ang weird mo! tignan mo naka jacket ka pa ang taas taas ng araw."dagdag naman ni Seth napansin ko rin naman yung ootd ni Hershey, tama nga si Seth ang weird. 

Sinamaan ng tingin ni Hershey. "Ewan ko sayo, bahala ka na dyan." sabay ng lakad na palayo si Hershey.

"Papasok ka ba? Sumabay ka na sakin!" sigaw ni Seth at di naman siya pinansin ni Hershey.

Maybe... it's you.

P.s I am worthlessWhere stories live. Discover now