What's Going On?

143 31 1
                                    

Group Chat (Active Now)


4:47 PM

Regina Agustin: Guys pwedeng sa house ko nalang tayo mag meeting? walking distance lang naman.

Seth Versosa: Sure, no problem.

Seth Versosa: ANG TAGAL MAG GRADUATION! NAKAKAPAGOD NA! AYAW KO NA MAG ARAL!

Seth Versosa: Syempre joke lang, favorite ako ng mama ko.

Regina Agustin: Lakas ng tama mo Seth.

Regina Agustin: @ Hershey Lauren Vela makakapunta ka ba? muka kasing matamlay ka e, ok ka lang?

Hershey Lauren Vela: Yup, hintayin ko nalang kayo sa gate 3.

Regina Agustin: Ok.


6:00 PM

Seth Versosa: Ethan! Regina! Hershey! where na kayo? dito na me.

Seen by Hershey Lauren Vela.

Regina Agustin: Malapit na.

Ethan Baker: Kalma ka lang bakla.


~

Regina. 

   Napatingin ako kay Hershey, muka siyang stress na stress sa buhay niya. Napaisip ako nung mga kaganapan last year sobrang bibo niya. Siya nga yung taong laging masaya , pag nakikita mo parang hindi pa siya nakakaranas ng problema sa buhay. Pero ibang iba na siya ngayon.

"Hoy Reg!" natauhan naman ako sa tawag sakin ni Hershey. Nakakahiya kanina pa pala ako nakatingin sakaniya.

"Sabi ko tapos na ko, pwede na ba akong umuwi?" She asked.

"Anong umuwi!? Hoy tulong tulong tayo dito!" sigaw naman ni Seth sakaniya sabay inasar lang siya ni Hershey.

"Hershey." tawag ko sakaniya sabay tumingin siya sakin.

"Kwentuhan muna tayo." bulong ko sa kaniya.

"Ano? Bakit!" nagulat naman siya.

"Wag ka ngang maingay baka marinig nila tayo, mamaya ka na umuwi. Kamusta ka na?" I asked her.

"Wala namang nagbago, I'm fine." sagot niya at ngumiti, yung ngiting may kakaiba.

"Alam mo ba yung balita ngayon? na nakitang nakikipag date si Austin kay Snow? wait, kayo pa ba?" tanong ko.

"Alam mo Reg, linggo linggo na ko nakakarinig ng ganiyang balita. Lahat yan fake news." she said.

Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya. "Hay! buti naman." sabi ko 

"Teka kunin ko lang yung charger ko." sabi niya at tumayo nakita kong napahawak naman siya sa ulo niya.

"Ok ka lang?" tanong ko at tumango naman siya sabay wala pang 10 seconds nahimatay na siya. Napatayo naman sila Seth at Ethan.

"Buhatin niyo dali! dalin niyo sa kwarto ko!" sabi ko sa kanila. Pagkadala nila kay Hershey, tinanggal ko naman yung jacket niya para maging comportable siya nagulat naman ako sa nakita ko.

What the fvck?

"Bro, batukan mo nga ako baka namamalikmata lang ako." sabi ni Seth.

"Ouch!" binatukan naman ni Ethan si Seth.

"Tumigil nga kayo. Saan niya nakuha lahat ng pasa niya sa braso?"

"Regina, hindi kami close." Seth said then I rolled my eyes. Bigla namang nagising si Hershey.

"Hershey! magpahinga ka muna mukang pagod na pagod ka." sabi ko sakaniya.

"Okay lang ako, uuwi na ko." she said at lahat kami tumingin sa kaniya.

"Sabi ko okay lang ako, wag niyo ko tignan ng ganyan." sabi ni Hershey.

"You're not." Ethan said.

"Let's go, hahatid na kita." sabi ni Ethan at lumabas ng kwarto.

"Oo nga, sumama ka na kay Ethan." sabi ko sakaniya at inalalayan ko naman siya.

Napatigil naman kami ng hawakan ni Seth si Hershey. "You're weird." he said.

"Wag mo kong simulan, wala ako sa mood makipag asaran." sabi naman ni Hershey at hinatid ko na siya hanggang sa kotse ni Ethan.


I have no idea what's going on.

P.s I am worthlessWhere stories live. Discover now