Suffocate

151 32 1
                                    

Austin Lee (Active now)


Austin Lee: Goodnight my princess <3

Austin Lee: Babalik ako agad dyan bukas ng umaga bago ako pumasok. 

Hershey Lauren Vela: Papasok ako :(

Austin Lee: Magpahinga ka muna, please.

Hershey Lauren Vela: I can. Papasok ako.

Austin Lee: Okay, you win.

Hershey Lauren Vela: See you!

Austin Lee: See you my girlfriend. 

~


"Aki is dead." natigilan ako sa sinabi sakin ni Seth.

"Tigilan mo ko sa kalokohan mo, Seth." tinignan ko ang paligid sobrang tahimik, nakakapanibago.

"Diba ang masasamang damo matagal mamatay? pero bakit parang ang bilis naman." malungkot na pagkakasabi ni Seth.

Hindi ako makapaniwala, paano?

"Okay ka na ba Hershey?" puntikan na ko mapatalon sa tanong ni Ethan. Sino bang hindi magugulat sa gitna ng katahimikan sisingit siya.

Bakit ba niya ko tinatanong, stop acting like you care.

"O-Oo, nagulat lang ako sa balita." I said then umupo na ko. Naiinis ako sayo Ethan, ang sama sama ng ugali mo. Nakita mo na kong sinasaktan pero di mo man lang ako tinulungan. Bakit ko pa pinapansin tong lalaking to. Nagsisimula na ko Ethan...

Hershey, may boyfriend ka na. Umayos ka.

   Natapos na ang tatlong subject sadyang ang sakit sa ulo ng mga kaganapan ngayon. Break time na pero di parin ako nakakaramdam ng gutom.

"Hey, nakikinig ka ba?" natauhan naman ako sa tanong ni Austin habang umiinom ng buko juice.

"Ano bang iniisip mo? Hershey boyfriend mo na ko, may karapatan akong malaman kung ano yun." yeah, he's right.

"Iniisip ko lang kung paano nangyaring namatay siya? parang kahapon lang ang lakas lakas niya." 

"Hindi mo ba alam?"

"Hindi namin napapagusapan sa room yan, classmate namin siya. Nirerespeto naman namin siya." I said to him.

"Love kasi, nakita siyang wala ng buhay sa loob ng kotse niya sa parking kagabi. Na suffocate si Aki. Sabi ng iba suicide daw pero may kumakalat na may nag plano sa pagpatay sakaniya." Mas lalo akong naloloka sa kwento ni Austin. Pero kahit ano talaga  ang nangyari...

Pinapatawad na kita, Aki. Rest in Peace.

Napatingin ako sa cellphone ko nang may mag chat sakin, si Mr. Eldritch!

Na miss ko siya! Napangiti naman ako sa joke na sinend niya. Wala talaga siyang kupas, kahit hindi ko siya kilala napaka gaan talaga ng loob ko sakaniya.

"Sino yan?" tanong naman ni Austin sabay pinatay ko yung phone ko.

"Ah ano..."

"Ano?"

"May kasal akong pupuntahan bukas pwede ka ba?" 

"Oo naman, sa lahat ng oras basta ikaw pwedeng pwede ako." he said the smiled.

"AUSTIN! SWETHEART!" nagulat ako nang biglang may yumakap kay Austin.

"Elsa? pwede ba! layuan mo ko!" tinulak naman siya ni Austin palayo.

"Bakit!? Bakit ah! Dahil ba sakaniya?" sabay turo sakin. 

"Ikaw! masyado kang malandi!" nakita kong hahablutin niya na yung buhok ko nang may humawak sa kamay niya dahilan para di niya ko masabunutan.

"Psh, ang ingay mo." nagulat ako... si Ethan nga.

"Aba bakit ka nag papaka hero Ethan!?" sigaw naman ng babae.

"Elsa! Tama na! Hindi ko alam kung bakit ka habol ng habol sakin. Hindi kita gusto, kahit kailan di kita magugustuhan. Tigilan mo na kami ng girlfriend ko, makakaalis ka na." Austin said sabay umalis na si Ethan.

So alam na ng lahat na boyfriend ko si Austin, never na atang tatahimik ang buhay ko dito.

"Si Hershey? like ew."

"Hindi ako papayag akin lang si Austin!"

"Yan na pala ang type ni  Austin ngayon, ang baba ng class."

Kasasabi ko lang.

"Excuse me, bago niyo ko pagusapan siguraduhin niyong priority niyo ang acads niyo. Umalis ka diyan baka masugatan ako ng baba mo." pagtataray ko sakanila at hinawakan ko ang armas ng baba, inalis niya naman agad ang kamay ko sabay tinalikuran ko sila. Aba ni porket di ko sila pinapatulan aarte na sila sakin.

"HOY HERSHEY! HINDI PA TAYO TAPOS! ANO NAGMAMAGANDA KA? GANDA KA?" sigaw ng isang babae.

"Talino ka?" I asked sabay nginitian ko sila na parang walang bukas.

Smiling is the best way to annoy your enemies.








P.s I am worthlessWhere stories live. Discover now