"ALAM ko na kung saan sila matatagpuan." wika kay Eric ng kaibigan niyang si Tim. May-ari ito ng isang Investigation and Security Agency. Nagpatulong siya rito para hanapin ang mag-ina ng kanyang kuya Gabriel. "But unfortunately, patay na pala ang dating kasintahan ng kuya mo Eric."
Napatayo siya sa kinauupuang swivel chair. "Ang anak nila?" nabibiglang tanong niya.
"Don't you worry. Nasa pangangalaga ngayon ng kanyang tiyahin ang sanggol." Ipinatong nito sa mesa ang isang puting folder. "Nandyan lahat ng impormasyon tungkol sa kanila."
Muli siyang naupo at binuklat ang folder. Larawan ng isang babae ang una niyang nakita. Halatang stolen shot pero malinaw ang kuha. Nakaupo ang babae sa isang upuang kawayan sa harap ng di naman kalakihang bahay. May kalong itong sanggol. Sa tingin niya ay nasa lima o anim na buwan lang ito. Ito na marahil ang anak ng kanyang kuya.
"Ulila sa mga magulang ang kasintahan ng kapatid mo." wika uli ni Tim. " She was an accountant in Pinlac-Barredo Accounting firm. Bata pa. Only 25 years old. Unfortunately, on her way to Manila she met an accident na naging dahilan ng kanyang kamatayan. Naiwan sa nakatatanda niyang kapatid ang pangangalaga sa kanyang anak." Itrinuro nito ang babae sa larawan. "Siya ang tiyahin ng sanggol."
Binasa niya ang ibang impormasyon na nakasulat sa ibaba ng larawan. College Instructor ang babae sa isang Unibersidad. Ang La Trinidad University sa Trinidad, isang bayan sa Nueva Ecija . Nagtuturo rin ito ng part time sa MPCCF College. Kilala niya ang University iyon. Part-owner rito ang mga magulang ng kaibigan niyang si Reid. At isa sa mga pinakamamalaking unibersidad sa Bayan ng Trinidad. Nagtapos ang babae ng BS Math sa UP Diliman. Kasalukuyang naninirahan sa isang Village sa Trinidad. Matanda lang ito ng tatlong taon sa dating nobya ng kanyang kuya. Nag-iisa na lang sa buhay at tanging ang pamangkin ang natitirang kamag-anak nito. May tiyuhin ito na pinsan ng ama nito ngunit nagmigrate na sa Australia ang buong pamilya.
Malakas na pumalatak si Pol na hindi agad niya napansin na nakadukwang mula sa kanyang likuran at nakatingin sa larawan. "Whew! Ang ganda!" Lumipat ito sa tabi niya. "Ang ganda naman pala gang kapatid ng girlfriend ng kuya mo bro." anito at kay Tim naman bumaling. "May boyfriend ba yan Tim?"
"Sa pagkakaalam ko wala." Sagot naman ni Tim at nagsindi ng sigarilyo.
Muli naman niyang tiningnan ang nasa larawan. Napakaganda nga ng babae.
Makahulugan naman siyang tinapunan ng tingin ni Pol. "Kelan ang punta mo nyan ng Trinidad?" tanong nito.
"Bukas na siguro." Sagot niya.
"Magleave din kaya muna ako. Sama ako sayo." He said grinning.
He let out a fake laugh. "Ikaw talaga Pol umiral na naman yang pagiging chickboy mo. Kung ayaw mo nang bumalik dito sige sumama ka."
"Baka ayaw mo lang maagawan. Eh dyosa kaya ng ganda yang babaeng pupuntahan mo." nanunuksong wika nito.
"Kahit kailan babaero ka talaga. Kahit magandang lalake ka pa wag kang pakasisiguro na magugustuhan ka nito. Lalo pa pag nalaman nito ang background mo sa mga babae." Nakangising wika niya. Kilala kasing heartbreaker ang kaibigan niya at palikero. "Hindi ang babaeng ito ang dahilan ng pagpunta ko sa Trinidad, ang pamangkin ko." puno ng pinalidad na wika niya.
"Okay." Itinaas ni Pol ang mga kamay tanda ng pagsang-ayon.
**********
MAHABA-HABANG oras din ang ginugol ni Eric sa pagmamaneho mula Maynila hanggang sa bayan ng Trinidad. Nag-leave muna siya sa trabaho para tuparin ang pangako niya sa kapatid. Sa haba ng biyahe ay medyo nangangalay na ang kanyang mga braso. Masakit na rin ang kanyang likod sa pagmamaneho. Medyo nangangati na rin ang kanyang mga mata. Nang may madaanan siyang gasolinahan ay naisipan muna niyang magpakarga. Itinigil niya ang kanyang Ford expedition sa tapat nito.
BINABASA MO ANG
Innocent Little Cupid
FanfictionMel become an instant single parent. She has to take the place of her sister as a mother to her child. She treated the child as her own. But she was open to the possibility that one day she might lose the child. But as everything seems to be set...