Chapter 2

325 7 0
                                    

MAAGANG nagising ng araw na iyon si Mel. Nakabawi na rin siya ng tulog sa wakas. Noong mga nagdaang gabi kasi ay madalas siyang magising dahil madalas umiyak si Nicco sa kalagitnaan ng gabi. If not a hungry cry a wet one. Naginat-inat muna siya ng katawan bago maingat na binuhat ang sanggol na maaga ring nagising at naglalaro na lang sa kanyang tabi. "Let's go baby. Manang Belen must be here. Tita's going to work today. So be good." Masigla niyang kinakausap ang pamangkin na tila ba naiintindihan naman ang kanyang sinasabi. Tila naaamuse ito sa kanya dahil hindi mapagkit ang pagkakatingin sa kanya ng bilugan nitong mga mata. Tila nakikipag-usap din ito dahil sa mga mumunting ingay na likha nito. Aliw na aliw naman siya sa cute na cute na pamangkin.

Nasa may punong-hagdan na siya nang makarinig siya ng marahang katok. Si Manang Belen ang napagbuksan niya ng pinto. "Manang Magandang umaga. Pasok po." bati niya sa matandang babae at niluwagan ang pinto. "Pakikuha po muna si Nicco at maghahanda po muna ako ng agahan at pagkatapos ay papasok na ho ako." Nagtuturo siya ng Math subjects sa isang unibersidad sa Trinidad. Kung may free time naman ay nagtuturo siya ng part-time sa ibang colleges at universities. Kailangan kasi niyang magsipag sa trabaho para na rin sa pamangkin. Gusto rin kasi niyang maranasan nito ang magandang buhay na naranasan nilang magkapatid. Tulad ng buhay na naibigay ng mga magulang nila ni Amber. Hindi naman sila mayaman pero hindi naman nila naranasang maghirap sa buhay. Their parents were both good providers.

Noong mga bata pa sila, kahit papaano ay naibibigay naman ng kanilang mga magulang ang mga luho at pangangailangan nilang magkapatid. Pareho silang nakapag-aral at nakapagtapos sa maganda at eksklusibong paaralan. Manager noon sa isang bangko ang kanilang ama at nagtatrabaho sa isang law firm ang kanilang ina. Kaya't nang mamatay ang kanilang mga magulang ay may naipundar namang pera sa bangko ang mga ito para sa kanilang magkapatid. Gayundin ang kanilang bahay at lupa.

Hangga't kaya niya ay gagawin niya lahat upang mabigyan ng magandang buhay ang pamangkin at makapag-aral at makapagtapos din ito sa magandang paaralan.

"Bago ko nga pala makalimutan Mel." maya maya ay wika ni Manang Belen mula sa kanyang likuran.

Nilingon niya ito. "Ano ho yun?"

"Kahapon nga pala may lalakeng nagpunta dito at hinahanap ka." pagbabalita nito.

"Sino daw ho?" curious na tanong niya at muli itong nilingon.

Saglit pa itong nag-isip bago muling nagsalita. "Ang natandaan ko Del Rosario."

"Ha?!" sukat ay muli siyang napalingon dito. Bigla kasi niyang naalala ang dating kasintahan ng kapatid. Hindi kaya si Gabriel Del Rosario ang naghahanap sa kanya? Anong kailangan nito?" May balak kaya itong kunin si Nicco o balikan ang kanyang kapatid?" tanong ng kanyang isip.

"Sigurado po kayo Manang Belen?" paniniguro niya.

"Sigurado ako iha."

Hindi na niya napagtuunan ng pansin ang sinabi ni Manang Belen. Bigla ay may bumundol ang kaba sa kanyang dibdib. "Aray!" Bigla ay parang nawala siya sa sarili at hinawakan ang hawakan frying fan nang hindi gumagamit ng pot holder.

"Napaano ka?" nag-aalalang tanong sa kanya ni Manang Belen.

"Wala ho ito." aniya at ipinagpatuloy ang ginagawa. Ngunit hindi maalis sa kanya ang pag-aalala. Paano nga kaya kung magkatotoo ang mga hakahaka ni Ems? Hindi. Sigaw ng kanyang utak.

**********

"MEL look who's coming?" tila wala sa sariling wika kay Mel ng co-teacher niyang si Madel. Abala ito sa pag-aayos ng mga gamit nito sa drawer nito ngunit napansin parin nito ang paparating.

"Sino?" tanong niya. Ngunit ang mga mata ay nakatuon sa kanyang record book. Nakaupo siya sa harap ng kanyang mesa sa faculty room.

"Yung anak ni Mayor." si Ems ang sumagot sa kanya. Nakatanaw ito sa labas ng bintana. Gaya niya ay nagtuturo din ito sa eskwelahang iyon.

Innocent Little CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon