Chapter 6

239 7 0
                                    

HALOS walang tulog si Eric ng gabing iyon. Alas kwatro pa lang halos ng madaling araw ay gising na siya. Madalas din siyang gumising at isa pa'y hindi siya komportable sa hinihigan niyang sofa. Sa laki at taas niya ay halos hindi siya kumasya dito. Isa pa'y dala-dalawa kasi ang binabantayan niya. Si Nicco na madalas gumising at umiyak at si Mel na hindi pa halos bumababa ang lagnat.

Nang malapit ng maghatinggabi ay nagising si Mel. Nagpumilit itong bumangon sa kama.

Bigla siyang napalapit sa dalaga upang alalayan ito. "Mel saan ka pupunta?"

Sa kaunting liwanag na nagmumula sa lampshade ay kitang kita niya ang pagkabigla sa mukha nito.

"E-Eric?! Ba't andito ka?" biglang tanong nito.

"Mel hindi naman pwedeng basta ko na lang kayo iwan dito. Kanina inaapoy ka ng lagnat tapos papaano si Nicco?"

"Si Nicco?  Kumusta s'ya?"

"He's past asleep. Don't worry about him. And I assure you everything's fine.  So please just go back to sleep at baka mapano ka pa."

Nagpahinuhod naman ito.

Lagpas hatinggabi na nang makatulog s'ya dahil sa kalagitnaan ng gabi ay muling umiyak si Nicco. Pupumgas pungas siyang bumangon upang itsek ito. Basa ang diaper nito. Ipinagtimpla rin muna niya ito ng gatas at pinalitan ang basang diaper. Nang muli itong makatulog ay si Mel naman ang itsinek niya.

Sa nakabukas na lampshade sa may ulunan nito ay nababanaag niya na himbing na himbing na ito. Habang nakatunghay dito ay sinalat niya ang noo nito. Ingat na ingat na maistorbo ang tulog nito. Medyo mababa na ang temperatura nito. Muli naman niya itong pinagmasdan. He couldn't control himself. He dropped down to his knees, put a hand out and stroke her face. He brushed aside some fringe of hair that cover her face. Malayang naglakbay ang kanyang mga mata sa kabuuan ng maamo nitong mukha. Gumalaw ito ngunit hindi naman nagbago ng posisyon. Marahas siyang napahugot ng malalim na hininga at bumalik sa sofa bago pa ito tuluyang magising.

**********

NAALIMPUNGATAN si Mel dahil sa hangin at liwanag na nagmumula sa bintana at tumatama sa kanyang mukha. She found out na nakabukas pala ang isang bintana kaya malayang nakakapasok ang hangin. Marahan siyang bumangon sa kama. She threw a glance at the clock on the bedside table. Alas otcho y medya na ng umaga.

"Ha?!" Napabalikwas siya ng bangon. Akala kasi niya ay may pasok siya sa trabaho pero agad naman niyang naalala na linggo pala nang araw na iyon.

Pababa na siya ng kama nang tila siya mamalikmata nang makita si Eric at si Nicco na himbing na himbing sa sofa. She carefully came close to them, barefooted. Hindi siya nagsuot ng tsinelas dahil ayaw niyang makalikha ng anumang ingay. Hindi niya alam pero hindi niya natiis na hindi pagmasdan ang dalawa. Eric had his head over the armrest of the sofa. His legs stretched out on the opposite armrest. His hands were clinging on the baby over his broad shoulders. Pinagmasdan niya ang paamangkin. Himbing na himbing ito at tila komportableng komportable sa pagkakadapa sa malapad ma dibdib ng lalake. She thought, magkamukha sila.  And they looked so cute together.

Muli niyang ibinalik ang tingin sa nahihimbing na si Eric. Hindi maikakailang gwapo nga ito. Hindi niya maalis ang mga mata sa mukha nito. Very pleasant kasi sa mata pagmasdan ang mukha nito. Makakapal ang kilay nito. His nose pointed. Natural na mapupula ang mga labi na halos isang linya na lang kapag nakatikom gaya ng mga oras na iyon. Nakadagdag pa sa appeal nito ang maninipis na bigote at balbas sa mukha nito na nagsisimula ng tumubo mula sa pagkakaahit. Parang gusto niyang haplusin ang mukha nito. Mel ano bang ginagawa mo! Pinagalitan niya ang sarili sa aktwasyong iyon. At sa halip ay ang mapipintog na pisngi ng sanggol ang marahan niyang hinaplos. Gumalaw ito at maging si Eric ay gayundin. Kaya bago pa tuluyang magising ang mga ito ay nagmamadali siyang naglakad palabas ng kwarto.

Innocent Little CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon