Chapter 10

398 11 5
                                    

NAABUTAN ni Eric ang kanyang tita Nelly at Jade na nag-uusap sa salas.

"Iho andyan ka na pala." bati ng kanyang tiyahin. "Mabuti naman. Kanina ka pa inaantay nitong si Jade. Ikaw na muna ang bahala rito at may sasaglitin lang ako."

"Sige ho." aniya.

"Bye tita." wika naman ni Jade at sinundan ng tingin ang papalayong babae.

"Ingat kayo." pahabol niya at si Jade naman ang hinarap. Prenteng nakaupo ang babae sa mahabang sofa. "So what brought you here Attorney Montinola?" masayang tanong niya at ipinatong sa sandalan ng sofa ang bitbit na jacket.

"Bakit masama ba?" she shot back. "Nababagot ako sa bahay and iniiwasan ko ang bagay na pinagpipilitan sa akin ni Papa."

Kumunot ang noo niya at nagtanong. "And why?"

"He keep on insisting and pushing me. Sa bagong nirereto nya sa akin."

"Bakit di mo pa kasi pagbigyan ang ninong."

She smirked and took a deep breath. "Nabanggit sa akin ni Pol dati," sa halip ay wika nito. "Di ba gusto mong i-adopt ang anak ng kuya mo? I can help you if you want." Isa kasi itong abogado at ang pamilya ay nagmamay-ari ng isang malaki at tanyag na law firm sa Metro Manila.

"I've changed my mind."

"But why?"

"Wala akong nakikitang masama kung ang kanyang tita ang magpapalaki sa kanya. She loves Nicco so much. She won't give him up without a fight."

"Fight? Then give her a good fight. Eric kung magpepetisyon ka for a child custody you have a greater advantage over her. You can provide him better than her."

"No. What I mean is that I have proven she really love him that she would fight just to have him custody. Tama si Mel hindi pera ang basehan para sabihing magiging mabuti kang magulang. And I don't wanna hurt her."

Ngumiti ito ng mapakla. "What do you mean you don't wanna hurt her? Why are you so concern about her and even about her feelings. I thought si Niccolo lang ang concern mo?" nangungunot ang noong tanong nito. "You like her, don't you?"

Tumayo siya at dumungaw sa bintana. He put his hands inside his jeans pocket. "I love her and girlfriend ko na sya." walang gatol na wika niya.

"Girlfriend mo na?!" Nabiglang wika nito nito ngunit ngumiti ito ng payak.

"Yup." malapad ang ngiting wika niya. Wala naman siyang nabanaag na kahit na anong negatibong reaksyon sa mukha at pananalita nito. Hindi katulad noong unang ibalita niya rito na may girlfriend na siya. Mukha nga talagang nawala na ang pagkagusto nito sa kanya at natutuwa siya sa isipig iyon.

"Kaya pala nagniningning yang mga mata mo eh. You seems so in love Eric and I am happy for you." Nakangiting wika nito.

Wala naman siyang nabanaag na kahit na anong negatibong reaksyon sa mukha at pananalita nito. Hindi katulad noong unang ibalita niya rito na may girlfriend na siya. Mukha nga talagang nawala na ang pagkagusto nito sa kanya at natutuwa siya sa isipig iyon.

"Thank you Jade." Masayang wika niya at niyakap ang kinakapatid.

"At sino naman yang in love na yan?" Mula sa kanilang likuran ay nakita nilang palapit ang kanyang tita Nelly.

"Ito hong pamangkin ninyo tita nagbibinata. He is in love." Wika nito sabay tawa.

Natawa lang siya sa tinuran ng kinakapatid.

"At sino naman ang masuwerteng babae?" masayang tanong nito.

"Si Mel tita. Girlfriend ko na." walang gatol at malapad ang ngiting sagot niya.

Innocent Little CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon