Chapter 5

253 5 0
                                    

"KUMUSTA naman kayo ni Nicco iha?" tanong kay Mel ng tita Nelly ni Eric.

"Maayos naman ho kami."

Magkaharap silang nakaupo sa veranda ng bahay nito. Inimbitahan kasi siya nitong mananghalian sa bahay nito nang magkita sila sa department store habang may binibili siya kasama si Nicco. Hindi na naman niya napahindian ang butihing matanda.

"Hindi ka ba nahihirapan lalo pa't mag-isa ka lang na nagpapalaki sa pamangkin mo?"

"Hindi ho. Masaya ho akong alagaan si Nicco."

"Wala ka pa bang balak mag-asawa iha?"

Napangiti't naiilang siya sa tanong nito.

"Ah sa ngayon ho wala pa naman. Hindi naman ho ako nagmamadali. Sa ngayon ho gusto ko munang ibuhos lahat ng oras ko kay Nicco para ho mapalaki ko siya ng maayos." aniya at sinulyapan sa ibaba ng veranda ang pamangkin habang karga ni Eric. Hindi maalis ang ngiti sa labi ng lalake while swaying the delighted Nicco back and forth. Mumumting tawa naman ang maririnig mula sa sanggol. "Maliit pa ho ang pamangkin ko. Siguro ho ay kailangan pa niya ang lahat ng atensyon at pag-aaruga ng isang magulang para maayos siyang lumaki."

Ngumiti sa kanya ang nakakatandang babae. "Ayaw mo ba na may makakatuwang ka na a buhay?"

"Iniisip ko rin ho yun.  Pero hindi pa ho siguro ngayon ang tamang panahon. Darating na lang ho ang tamang pagkakataon para sa pag-aasawa." paliwanag niya.

"Mahirap mag-isa sa buhay iha. Tulad ko mula ng mamatay ang aking asawa ay halos mag-isa ma na ako sa buhay buti nariyan si Eric." wika nito at sinulyapan ang lalake sa ibaba ng veranda.

"Bakit ho hindi na kayo nag-asawa uli? Di ba ho sabi ninyo nasa early thirties pa lang kayo nang mamatay ang asawa ninyo?"

"Ewan ko nga ba. Hindi na rin pumasok sa isip ko ang magpakasal muli. Siguro dahil nariyan naman ang kapatid ko at si Eric. Alam mo bang katulong ako ng kapatid ko sa pag-aalaga kay Eric." Napangiti ito. "Siguro nawili ako sa pagiging part-time nanay kay Eric." Muli nitong sinulyapan ang lalake. "Kaya nga pinagtutulakan ko na mag-asawa na ang bata na yan eh. Hindi ba siya nanliligaw sayo iha?"

Nabigla siya sa tanong nito. "Ho?! Naku hindi ho."

"Iha alam mo gusto kita para kay Eric." walang gatol na wika nito.

She was caught off guard. "Ho?!" Pulos ho na lang ang naapuhap niyang sabihin mula sa narinig dito. Nakadama tuloy siya ng pag-aalumpihit. Hindi malaman kung ano ang sasabihin.

Nagpatuloy naman ito. "Alam ko Eric will make a good husband."

Mas lalo siyang nakadama ng pag-aalumpihit. Hindi na siya komportable sa topic nila. She was totally lost for words sa pagiging straightforward ng nakakatandang babae.

"Hindi mo ba gusto si Eric iha?"

"Ho!?" bulalas niya. Hindi na siya makapagsalita. Hindi niya alam kung sasagutin ang nakakabiglang tanong nito. Daig pa niya ang nasa interrogation room dahil sa kaprangkahan ng mga tanong nito.

Alam ko magigng mabuting asawa't ama si Eric." nakangiting wika nito habang nakatunghay parin sa ibaba ng veranda.

"Tita, Mel halina kayo luto na yung ginawang meryenda ni tita Martha." Laking pasalamat niya sa biglaang pagsulpot si Eric mula sa kanilang likuran.

Lihim siyang nagdiwang dahil siguradong makakaiwas na siya sa interogasyon ng babae.

**********

"PWEDE ba Eric umuwi ka na lang." mariing wika ni Mel kay Eric. Halatang halata ang pagkayamot sa kausap. Mabilis siyang naglakad papasok sa loob ng bahay habang karga ang natutulog na si Nicco.

Innocent Little CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon