HINDI mapalis sa sulok ng labi ni Eric ang ngiti habang nagmamaneho pauwi. Hindi niya maipaliwanag ang kasiyahang nadarama. He feels like he was in a cloud nine while he was with her. Kahit halos wala siyang tulog sa buong magdamag ay sulit naman ang kanyang pagpupuyat dahil matagal niya itong nakasama. Malaya siyang napagmasdan ito nang matagal.
"It's the very first time he was having a hard time getting a woman out of his system. "Oh God am I falling in love?" bulong niya sa sarili
Positibo ang sagot ng kanyang utak. Hindi siya maaaring magkamali sa kanyang nararamdaman. Sa mga sandaling iyon ay hindi parin mawala sa kanyang utak ang imaheng iyon ng dalaga. Mel slipped the nipple of the feeding bottle into the baby's mouth and he began to sip almost immediately while looking up at her with big and wide eyes. She looked down at the baby adoringly. He thought, she seems a natural-born mother.
Mas lalo pa siyang napangiti nang maalala ang reaksyon nito sa mga panunudyo dito ni Emily kanina. When he threw a glance on her direction, a blush pinked her cheeks. Maybe because of sudden embarrassment. And when their eyes met she suddenly turned her glance away.
Mel's far different from the other women he had met. She's very prim and proper and a very decent woman. Those description suits her that much. Naisip niya. She's a kind of woman who would prefer to be courted with just flowers, without spending a fortune.
**********
IT was Sunday. Alas singko ng hapon. Kadalasan kapag ganoong oras ay nagbabasa si Mel sa kanilang likod bahay habang nakaupo sa duyang naroon. Pero iba ang naisip niyang gawin ng araw na iyon. Nakita kasi niyang naghahabaan na ang mga damo sa dulo ng bakuran. Kumuha siya ng pantabas ng damo at shovel para itanim na rin ang ilang punla ng mirasol na binili niya. Inilabas niya si Nicco na nasa kuna at inilagay sa kubo kung saan abot-tanaw niya ito.
"Need help?"
Napaigtad si Mel nang marinig na may nagsalita mula sa kanyang likuran. Si Eric ang naroon nang pumihit siya. Nakapamulsa ito sa suot nitong slacks habang papalapit sa kinaroroonan niya.
"Sorry. Nagulat ba kita?" anito habang tinutupi ang sleeve ng suot nitong long sleeved polo hanggang siko nito. "Give me that." Akmang kukunin nito ang hawak niyang panabas ng damo.
"Naku 'wag na." tanggi niya.
"Bakit?"
"Tingnan mo yang suot mo tapos magtatabas ka ng damo."
"Don't worry. Maybe you have spare shirt."
"I have but no need Eric."
"Mel I insist."
"S'ya sige na nga." Pumasok muna siya sa loob at paglabas ay bitbit na niya ang isang puting kamiseta. "Kasya kaya 'to sayo. Birthday gift ko san yan nun kay Papa kaso di na umabot." Malungkot na wika niya habang iniaabot niya rito ang kamiseta.
"I'm sorry." wika nito.
"It's okay." aniya
Nagsimula itong tanggalin ang butones ng suot nitong polo.
And out of modesty ay nagpaalam muna siya sandali na may kukunin sa loob. Pagbalik niya ay suot na nito ang t-shirt. Medyo masikip nga rito gaya ng inaasahan niya. Di hamak kasi na mas malaking tao ito kaysa sa kanyang papa.
"Asan nga pala si Nicco?" tanong nito nang nagsisimula na itong magtabas ng damo.
Itinuro niya ang pamangkin na abalang abala sa paglalaro sa kuna nito.
Napangiti ito nang makita si Nicco. At nagpatuloy sa pagtatabas ng damo. "Ready na ba kayo sa out-of-town natin?" muling tanong nito ngunit sa ginagawa nakatingin.
BINABASA MO ANG
Innocent Little Cupid
Fiksi PenggemarMel become an instant single parent. She has to take the place of her sister as a mother to her child. She treated the child as her own. But she was open to the possibility that one day she might lose the child. But as everything seems to be set...