Chapter 9

382 12 16
                                    

PALIHIM na pinagmasdan ni Mel si Eric habang kausap nito si Emily. Nang makita niya itong parating ay agad siyang nagtago sa kwarto at pinakiusapan niya ang kaibigan na siyang humarap dito. Mula sa bintana ng kanyang kwarto ay tanaw na tanaw niya ito. Aminin man niya o hindi ang totoo she couldn't deny the fact that she missed him sa halip na makalimutan o kaya'y mabawasan man lang ang nararamdaman para rito sa halos dalawang buwang hindi niya ito nakita.

Nakita niyang kinuha nito mula kay Manang Belen si Nicco. Hinagkan sa ulo ang sanggol bago tuluyang umalis. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang umaandar na palayo ng sasakyan nito. Si Emily ay nagmamadaling pumasok ng bahay. Maya maya lamang ay bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok ito.

"Mel let's go baka malate na tayo sa first class. Tiyak nag-aantay na sa'kin yung mga estudyante ko." wika nito at nagmamadaling bumaba.

Kinuha niya ang kanyang bag sa ibabaw ng mesa at mabilisang sinipat muna ang sarili sa salamin at nagmamadaling lumabas ng kwarto.

Naabutan niya si Emily sa labas na nag-aabang na ng masasakyang jeep.

"Bakit ba kasi pinagtataguan mo yung tao?" tanong ng kaibigan sa kanya.

"Ems alam mo naman ang dahilan di ba? Ayokong malapit ng husto sa kanya. At isa pa'y hindi ko pa s'ya kayang harapin Ems."

"Alam mo walang mangyayari kung iiwasan mo s'ya nang iiwasan. Mas mabuti kung kakausapin mo s'ya para mas malinaw sa kanya. Alam ko hindi lang si Nicco ang dahilan ng pagpunta n'ya dito."

Bumuntong-hininga siya. "Ems hindi mo----." Naputol ang iba pa niyang sasabihin nang may tumigil na Ford Expedition sa harapan nila. Napaawang ang bibig niya nang bumukas ang pinto niyon at lumabas sa Eric.

"Mel can we talk?" seryosong tanong agad nito.

"Eric akala ko ba umalis ka na?"

"Mel I really want to talk to you kaya bumalik ako."

"Mel mauna na ako. Kausapin mo na kasi si Eric." wika ni Emily at nagmamadaling sumakay sa pinara nitong dyip. Hindi na niya nagawang humabol pa dahil umaandar na ang dyip. at pinigilan siya ni Eric.

Hindi na rin niya nagawang umiwas pa lalo na't mahigpit siyang hinawakan ni Eric sa kanyang palapulsuhan. Nais niyang bawiin ang kamay mula rito ngunit hindi siya nito binitawan.

"Eric pwede ba bitawan mo na ang kamay ko."

"I won't hangga't hindi ka nakikipag-usap sa akin."

"Okay makikipag-usap ako kahit alam ko na wala naman tayong dapat na pag-usapan. Pero bitiwan mo na ako."

Ginawa naman nito ang sinabi niya.

"Bakit mo ba ako iniiwasan Mel?" simula nito.

"Hindi kita iniiwasan. Look Eric I..I'll be frank with you. Gusto ko sanang ipakiusap sayo na wag mo na akong kakausapin kung hindi lang naman tungkol kay Nicco."

Nagsalubong ang mga kilay nito. "But why?"

"Hindi mo na naman problema 'yon. Ang mahalaga lang naman eh wala tayong problema pagdating kay Nicco dahil s'ya lang ang concern natin dito di ba and nothing else."

"Ano ba kasing problema Mel? Kung may nagawa man akong mali then I'm sorry."

"Walang problema at wala kang nagawang mali. Isa pa hindi ko na naman kailangang magpaliwanag sayo. Kaya please nakikiusap ako."

"Hindi kita maintindihan." kunot noong wika nito.

"Kahit anong oras pwede mong dalawin ang pamangkin ko. Basta nakikiusap lang ako wag na tayong mag-usap kung hindi lang naman tungkol kay Nicco." At bago pa ito muling magsalita ay agad niyang pinara ang paparating na jeep. "I'm getting late kaya mauna na ako." Nagmamadali siyang sumakay ng jeep. Ni hindi ito tinapunan ng tingin.

Innocent Little CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon