Chapter 4

202 6 0
                                    

NAGISING si Mel nang maramdamang tila may mga matang nakamasid sa kanya. Nang magmulat siya ng mga mata ay si Eric ang nakamasid sa kanya. Nailang siya kaya agad siyang naupo mula sa pagkakayupyop sa kabilang side ng kama sa may ulunan ni Nicco.

"Good Morning." nakangiting bati nito. Naroon ito sa kabilang side naman nakaupo.

"Good Morning." nagaalangang bati niya. Bigla siyang napatayo nang makita niyang gising na gising na si Nicco. Nagkakakawag ito at nilalaro ang dulo ng kumot na nakatakip sa katawan nito. He was creating sound, senyales na maayos na ang pakiramdam nito. Tila ba hindi ito nagkasakit ng nagdaang gabi dahil masigla itong tingnan.

"Hi baby!" she said softly. Nasa tinig niya sigla at galak habang nakatunghay sa sanggol. She looked so delighted. She took hold of the baby's little fist and kissed it. The baby looked at her with wide eyes and smiled.

"He's fine now." wika ni Eric na nakangiting pinagmamasdan ang sanggol at hinaplos haplos ang noo nito.

She sniffed. Tears spilled from her lashes as she blinked. But she immediately wiped them with the back of her hand. "Thanks God. If anything happened to him------." her voice broke.

"Hey." Ginagap ni Eric ang kanyang kamay. "Walang maaring mangyaring masama sa kanya. "Don't think about that. See! He fine now."

"Hindi mo maiaalis sa akin ang mag-alala ng ganito. Mahal na mahal ko ang pamangkin ko."

"I love him too. Hindi hahayaang may mangyari sa kanya."

She wiped her tears in an instant. Nakadama siya bigla ng hiya. She picked Nicco up and put him against her shoulder. "You scared me to death Nicco. You know that?" Masigla niyang kinakausap ang pamangkin.

"Kaninang madaling araw," Eric piped in. He showed no sign of going back to sleep. Sign marahil na okay na sya. At nung i-check ng doktor okay na nga. Pwede na natin siyang i-discharge." pagbabalita nito.

"Salamat sa Diyos kung ganun." she said as she was swaying the baby. "Maraming salamat din sayo Mr. Del Rosario." aniya at tumingin sa lalake.

"Why are so formal?" Nakakunot ang noo nito

"Hindi ako sana'y tawagin sa pangalan niya ang gaya mong estranghero pa sa'kin. Ni hindi tayo magkaibigan. So I always practice formality kapag di ko lubusang nakikilala ang isang tao."

"Tumango tango lang ang lalake tanda ng pagsang-ayon.

"Hindi mo kailangang magpasalamat. Responsibilidad ko rin si Nicco. At may pinangako ako sa kapatid ko."

**********

PAPAAKYAT na ng Trinidad ang sasakyan ni Eric nang biglang tumunog ang kanyang telepono. Galing siya sa katabing bayan nito para bisitahin ang isang farm na gustong ibenta sa kanya ng isang kaibigan. Nang sipatin niya ang telepono ay pangalan ng kaibigang si Paolo ang nakarehistro sa screen nito. Diniinan niya ang answer button. "Pol napatawag ka."

"Pare may problema." wika ni Pol.

"Ha! Ano yun?"

"Kelan ba kasi ang balik mo dito? Si Jade dumating na." pagbabalita nito.

Ang tinutukoy nito ay ang makulit niyang kinakapatid at halos kapatid na niya na si Atty. Jade Montinola.  Matalik na kaibigan ng kanyang ina ang tatay nito at ama ang turing niya sa ama nito at ganun siya sa ama nito.  Ngunit higit pa sa kinakapatid ang turing nito sa kanya. Jade once admitted that she's in love with him.  Ngunit hindi niya iyon kayang suklian dahil wala siyang maramdamang pag-ibig para rito.  Ngunit sa pagdaan ng panahon sa tingin niya ay nawala na rin iyon lalo pa nung makilalal nito ang kasintahan nito ngayon at sa tingin niya ay masaya ito sa piling ni Liam.

Innocent Little CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon