Chapter 8

209 8 4
                                    

"HI Eric!"

Nabigla si Eric nang malingunan niya si Jade. Bigla na lang itong yumakap sa kanya.

"Found you at last." nakangiting wika nito.

"Jade anong ginagawa mo rito?"

"Ano ka ba Eric. We barely see each other hindi mo man lang ba ako kukumustahin?" may hinanakit sa tinig na wika nito. Nakayakap parin ito sa kanya.

"You're always fine I think. See ang saya ng mukha mo." aniyang nakangiting tumunghay dito.

"I'm not. I missed you a lot Eric kaya nga ako andito." Muli na naman itong yumakap sa kanya.

"Paano mo nga pala nalaman ang lugar na 'to?" he asked trying to divert the topic.

"Si Pol." Anito at kumalas sa pagkakayakap sa kanya.

"Si Pol?" kunot-noong wika niya. Asan s'ya?"

"Stucked I think."

"Stucked?" kumunot ang noo niya.

"Ayun umiral na naman ang pagiging babaero. Kausap ata 'yong dalawang babae na nabutan namin sa salas kanina." kwento nito.

"Si Pol talaga." Napapalatak siya.

"Sino nga pala ang mga 'yon?" curious na tanong nito.

"Mga bisita ko sila. Sandali lang. I'll just get something. Ipakikilala kita sa kanila."

**********

HINDI parin mawala sa isip ni Mel ang nakitang sweetness ni Eric at ng babaeng kadarating lang ng oras na iyon. Pumunta siya sa kusina para ipagtimpla ng gatas si Nicco. Palabas na siya ng kusina nang hindi sinasadyang makita si Eric at ang babae. Nakapulupot ang mga bisig ng babae sa beywang ni Eric habang nakatunghay naman dito ang lalake. Masaya at ang sweet nilang tignan.

Natigilan siya sa nakita. Agad naman siyang pumihit pabalik at sa pintuan ng dirty kitchen naisipan niyang dumaan upang makaiwas sa mga ito. Muli siyang natigilan nang makalabas siya ng kusina. Bakit siya nasasaktan? Nagseselos ba siya sa nakita? Wala naman siyang karapatang magselos. Pero hindi niya maiwasan. Nahuhulog na ba ang loob niya sa lalake? Nagtatalo ang kanyang puso't isip. Ayaw niyang isipin na oo mahal na niya ito pero yung ang nararamdaman niya.

Alam niyang hindi tama pero hindi niya maiwasang makaramdam ng panibugho at sama ng loob kay Eric dahil hindi man lang nito sinabi na may girlfriend na pala ito. Pakiramdam niya pinaglaruan siya nito. At ano ang ibig sabihin ng halik na iyon?  Siguro siya lang talaga itong nag-iilusyon. Kaya sarili ang dapat niyang sisihin. Pero bakit n'ya nga ba ako hinalikan?  tanong ng kanyang utak. And why did you kiss him back kung alam mo namang walang anumang namamagitan sa inyo?  tila sumbat naman ng kabilang bahagi ng kanyang utak. Nanggigigil niyang kinutusan ang sarili. Fool. Fool.

**********

MEL turned her head toward Eric's direction. Papalapit ito sa kanila. Nakangiti ito habang nakahawak sa braso nito ang babae bagong dating.

"Kilala n'yo na pala ang palikero kong kaibigan." nakangiting wika ni Eric nang tuluyang makalapit sa kanila.

"Eric naman. Baka maniwala sila n'yan." wika naman ng lalakeng kausap ni Ems at nagpakilala sa kanilang Pol. "He's just joking." wika pa nito.

"Hindi ako nagbibiro." wika naman ni Eric. "By the way Jade," Smilingly he looked down at the woman beside him. "This is Mel and her friend Emily. Mel, Ems siya si Jade." Muli nitong niyuko ang babae na hindi maalis ang mga braso sa pagkakapit sa lalake.

Innocent Little CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon