Chapter 3

221 6 0
                                    

NAPAPANGITI si Eric habang pinagmamasdan si Mel at ang pamangkin. Naroon ang mag-tiya sa may hardin ng bahay nito. Nakaupo ang dalaga sa upuang kawayan sa ilalim ng mayabong na puno ng asana. Kalong nito si Nicco. Hindi mapagkit ang ngiti sa mga labi nito ang ngiti habang pinagmamasdan ang sanggol na tila amuse na amuse naman sa tita nito dahil sa pagsilay ng mumunting ngiti sa labi nito. Hindi niya malaman kung bakit dahil sa nakikita niyang pag-aaruga at pagmamahal ng dalaga sa kanyang pamangkin ay tila may pagtutol na ang kanyang kanyang loob na ituloy ang balak na i-adopt ang sanggol.

Nagpasya siyang wag na munang lumapit sa mga ito at sa halip ay kumubli siya sa likod ng malalagong bougainvelleas. By the way it looks, he could say that she really love the baby. Ang ganda nilang tignan. They looked so much like mother and child. Maya maya pa'y masasayang halakhak ng dalaga at mumunting tawa ng sanggol ang pumunit sa katahimikan at pumukaw sa kanyang pagmumuni-muni sa likod ng mayayabong na halaman. Naisipan na niyang lumapit sa dalawa.

"Hi. Good morning!" masigla niyang bati.

Agad napalis ang ngiti sa labi nito when she looked at his direction.

**********

NATIGIL ang halakhak at napalis ang ngiti sa mg labi ni Mel nang makita papalapit si Eric sa direksyon nila. Hindi niya sinagot ang pagbati nito. "Ang aga naman ata ng dalaw mo Mr. Del Rosario." sa halip ay wika niya. Pero medyo nahiya siya dahil sa nangyari ng nagdaang gabi. Maaaring iniisip nito na lasenggera siya. Pero wala na siyang magagawa. At wala na siyang pakialam kung ano ang iniisip nito.

Ngiti lang sagot nito.

Kahit naiinis siya sa presensya nito, she couldn't keep herself from noticing things she had no business noticing like how good looking he was. What she did know was that he was just as attractive as he was the first time she set eye on him. He was tall, maybe at least 6'2" and meztizo.  That time he was wearing gray and black polo, sleeves folded up to his elbow that made his broad shoulders more emphasized. Ngunit agad naman niyang pinalis sa utak ang isiping iyon.  At pinagalitan ang sarili sa mga naiisip niya. She made herself composed to keep him from noticing she was affected by the beauty of the man. Again she put herself together and made herself looked more serious para ipakita rito ang pagkauyam sa presensya nito. "Ano bang kailangan mo Mr. Del Rosario?" walang siglang tanong niya.

"Alam mo Ms. Rodrigo tuwing dadalawin ko ang pamangkin ko eh para bang inis ka lagi sa presensya ko." hindi naman nakangiti pero hindi rin maman seryoso na wika nito.

"Maybe you are asking for too much Mr. Del Rosario. What do you want? Warmly welcome you sa tuwing pupunta ka rito?" naiiritang wika niya. "When in fact ikaw ang taong gustong kunin sa akin ang kaisa isa kung mahal sa buhay."

"Kung sakaling makuha ko ang custody ni Nicco." he as he put his hands on his pockets. "Hindi ko naman ipagkakait sayo si Nicco. I promise hindi ko naman sya ilalayo sayo."

"Wala kang maaaring sabihin o  gawin na makakapagpabago ng loob ko. Pinal na ang desisyon ko Mr. Del Rosario." she said. Determined.

He put a hand up for surrender. "Since I don't think you lose an argument. Okay fine then Ms. Rodrigo. But don't expect me to give up either."

"Ano ba talagang kelangan mo at nandito ka Mr. Del Rosario?" she was aware she was being rude again. Pero hindi niya mapigilan ang sarili dahil naiirita na siya sa palagiang presensya nito. Sabado at Linggo na nga lang niyang nakakasama si Nicco ay sumisingit pa ito. "It's Saturday. Sabado't Linggo ko na nga lang nakakasama si Nicco, sumisingit ka pa Mr. Del Rosario." hindi mapigilang wika niya.

"So yun pala ang dahilan kaya kanina ko pa napapansin ang pagkairita mo sa akin." anito at matamang tumingin sa kanya.

Sinalubong niya ang tingin nito. "So you knew. Kaya pwede ka na sigurong umalis."

Innocent Little CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon