My Unhappy Ending

6 2 0
                                    

Dear *****,

Hello! Ako si Yanna. 17 years old. Second year college. Iniisip niyo siguro na ang bata ko pa pero college na ako agad. Ang totoo niyan di ko rin alam kung ba't college na ko. Siguro iniisip niyo na ang swerte ko pero ang totoo hindi. Ang gulo ko ba. Sorry ah? Siguro nabobored na kayo sa mga pinagsasabi ko.

Kaya eto na magkukwento na ako. May bestfriend ako. Siya si Luke Evans. Gwapo ng pangalan no? At tama kayo ng basa lalaki siya. Simula 8 years old magbestfriend na kami. Diko nga alam kung pano kami naging magbestfriend. Isip bata kasi ako at siya suplado. Daig pa niya ang menopause na matanda sa sobrang sungit. Pero wag kayo ako lang ang nakakapagpatawa diyan. Haay! Nangingiti na naman ako magisa. Para na tuloy akong baliw nito.

Nahahalata niyo na siguro. Kaya sasabihin ko na inlove ako sa bestfriend ko. Alam kong cliche na yung ganitong eksena.
May magbestfriend tapos nainlove sa isa't isa then afterwards sila yung magkakatuluyan and they live happily ever after. Pero yung sa amin di siya katulad ng sa fairy tale na may happy ending. Kasi itong love story namin ito yung reality na hindi lahat ng gusto mo mapapasayo. Ano ba yan? Naiiyak na naman ako. Sorry. Ang drama ko.
Umamin ako sa kanya na gusto ko siya mali let me rephrase it umamin pala ako sa kanya na mahal ko siya.
Ganito pa nga ang sinabi ko.

"Luke. Mahal kita hindi bilang bestfriend. Mahal kita matagal na"

Alam kong maraming nakakarelate sa pinagsasabi ko.
Pero di ko inaasahan ang pinagsasabi niya.

"Alam ko. At mahal din kita hindi lang bilang isang bestfriend "

Kung kayo siguro ang nasa posisyon ko. Matutuwa kayo. Pero may kasunod pa pala yung sinasabi niya.

"Pero hindi pwede na maging tayo Yanna. Girlfriend ko na si Leah at hindi ko siya pwedeng hiwalayan dahil kailangan niya ko. May sakit siya sa puso at kailangan niya ng heart transplant. Alam kong iniisip mo na ang tanga ko. Sorry. Magulo pa kasi ang isip ko noon nung nililigawan ko si Leah. Hindi ko alam na ganito ang mangyayari"

At tinalikuran niya na ko. Sabay ng pagtalikod niya sakin ay ang pagpatak ng mga luha ko. See? Hindi ito yung typical love story ng mga magbestfriend. Akala ko wala ng mas sasakit pa sa pagkareject. Pero ito mas masakit pala. Yung tipong alam mong mahal niyo ang isa't isa pero hindi pwedeng maging kayo. Ang sakit. Sobrang sakit. Simula nun. Di na kami nagpansinan pa ni Luke.

Kung akala niyo dun na natatapos ang lahat. Nagkakamali kayo kasi madadagdagan pa pala yung sakit na nararamdaman ko.

"Yanna. Magusap nga tayo(sabay hila niya sa braso ko) "

"Leah nasasaktan ako"

*pak*

Isang sampal ang umalingasaw sa buong school.

"Masakit ba? Kulang pa yan. Mangaagaw ka. Akala ko pa naman bestfriend kita. Pero niloko mo ko Yanna. "

Naalala ko yung sinabi sakin ni Luke. At dun na ako nagsimulang humagulgol.

"Wag kang umiyak na parang ikaw yung kawawa. Pano naman ako Yanna. Lagi na lang bang ikaw. Hindi ko siya isusuko. Kahit kapalit pa nun ang friendship natin"

At tinalikuran niya din ako. Dahil dun napahagulgol pa ako.
Alam kong nalilito na kayo kung bat galit na galit si Leah sa akin.
Kung meron akong guy bestfriend meron din akong girl bestfriend at yun si Leah.
Wala na nga ang guy bestfriend ko pati rin pala girl bestfriend ko mawawala. Kung alam ko lang na sa ganito hahantong ang lahat. Siguro di ko na ipinagtapat ang feelings ko para kay Luke.

Naku! Umiiyak na pala ako. 6 months na ang nakakalipas pero sariwa pa din yung sugat dito sa puso ko. Masakit pa din. Sobrang sakit. Diko nga alam kung pano ako nabuhay sa loob ng six months. Yung taong mahal ko at yung bestfriend ko sabay nawala. Pero bakit ganun? Diko magawang magalit. Maybe because meron din akong pagkakamali.

Simula nun di na kami nagusap pa. Di ko na rin sila nakikita. Dahil na rin siguro nandito ako sa ospital. Tama kayo ng basa. Nasa ospital ako. Pagkatapos kasi ng paguusap namin ni Leah nag break down ako at isinugod sa ospital. Dun ko din nalaman na may sakit ako. Pero tong sakit ko wala ng lunas. Hindi na kayang gamutin ng mga doctor.
Meron kasi akong brain cancer. Stage 3. At may taning na ang buhay ko. Kaya nga nandito lang ako sa ospital sa loob ng six months. Hindi to alam ni Luke at ni Leah para ano pa. Para magpaawa at para balikan niya. No way. Mas gugustuhin ko pang ako yung masaktan kesa yung bestfriend ko yung mahirapan.

Bumibigat na ang mata ko. Pero bago ko pa makalimutan.
"I'm willing to donate my heart to Leah **** "

Sa utak naman yung sakit ko kaya mapapakinabangan pa naman siguro tong puso ko.
Nga pala si Leah balita ko nasa ospital din siya. Naghahanap pa daw kasi sila ng donor niya pero ngayon panatag na ako na gagaling siya kasi magkakaroon na siya ng heart donor at ako yun. This is the least I can do para sabihin sa kanilang di ko gusto na masira yung friendship namin at ganito ang mangyari. If I could only go back to the past ginawa ko na. Pero wala namang time machine na pwedeng makatulong sakin. Siguro ito na yung destiny ko. But I don't blame God for all of this. I don't blame him for giving me cancer. Maybe it's his way to ease the pain that i am feeling right now. At kung magiging masaya ako sa piling ni God. I would rather choose to die than to live but emotionally dead.

Hanggang dito na lang tong sulat ko. Bumibigat na kasi yung talukap ng mga mata ko gusto na atang pumikit at magpahinga.
Sige. Hanggang sa muli. Matutulog na muna ako. Babye!

Love,
Yanna.

My Unhappy Ending (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon