*Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo*
Bago pa man bumalik sa sariling bayan si Jose Rizal noong Oktubre 1887, marami ng kasawiang dinanas ang kanyang mga kamag-anakan at kaibigan dahil sa pagkakasulat niya ng Noli Me Tangere. Nang mga panahong yao'y nagdaranas din ng suliranin sa lupa ang mga magsasaka ng Calamba. Ito ay kanilang inilapit kay Rizal na humingi naman ng tulong ang pagdinig sa kasi ng problema sa lupa, napasabay pa sa pagdinig ng kaso ni Rizal ukol sa pagpapalathala ng tinaguriang "makamandag" na babasahing Noli Me Tangere. Maraming mga tuligsa at pagbabanta ang tinanggap ni Rizal. Ang kanyang pamily ay giniyagis din ng maraming mga panggigipit.
Sinimulan ni Rizal and nobelang El Filibusterismo sa harap ng karanasang ito. Magkakabisa sa kanya kaipala ang mga sakit sa loob na dinanas niya at ng kanyng pamilya. Bagaman may mga pagpapalagay na mayplanosi Rizal para sa ikalwang nobela, naiba ito ng mga pangyayaring kinasangkutan niya sa pagbabalik sa sariling bayan. Tuwiran at di-tuwiran, naapektuhan ito ng wala pang anim na buwang pagkamalas niya ng mga kasamaang ginagawa ng mga pari, katulad ng "pagpapayaman sa kanilang mga asyenda, pang-aakit sa mga babae, panggugulo, pagliligpiy sa mga kaaway atbp."
Nilisan ni Rizal ang Pilipinas noong Pebrero 3, 1888 dahil sa pangamba niyang manganib ang buhay ng mga mahal sa buhay. Katakut-takot na liham ng mga pagbabanta na karamihan ay walang lagda ang dumarating at ipinayo ng gobernador na bumalik siya sa ibang bansa. Ani Rizal sa isang sulat na ipinadala niya kay Blumetritt habang naglalakbay.
"Lahat ng mga punong panlalawigan at mga arsobispo ay naparoroon sa Gobernador Heneral araw-araw upang ako'y ipagsumbong. Ang buong ahente ng Dominiko ay sumulat ng sumbong sa mga alkalde na nakita nila akong lihim na nakikipagpulong sa mga babae at lalaki sa itaas ng bundok. Totoong ako'y naglalakad sa bundok kung bukangliwayway na kasama ng mga lalaki, babae at bata upang damhin ang kalamigan ng umaga ngunit laging may kasamang tenyente ng guwardiya sibil na marunong managalog...
Inalok ako ng salapi ng akong mga kababayan para lisanin ang pulo. Hiniling nila ang mga bagay na ito hindi lamang sa aking kapakanan kundi sa kanila na rin sapagkat marami akong kaibigan at kasalamuha na maaaring ipatapon kasama ko sa Balabag o Marianas. Dahil dito kahit may kaunting karamdaman, ako'y dali-daling nagpaalam sa aking pamilya."
BINABASA MO ANG
El Filibusterismo (Buod/Pahiwatig ng Bawat Kabanata)
Historical FictionTULONG SA PAG-AARAL: -José Rizal -Kasaysayan -Mga tauhan -Buod ng mga kabanata -Pahiwatig ng bawat kabanata -Mga tanong at kasagutan -Magandang maidudulot -Pagkakaiba ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo -Mga babae sa mga obra ni Rizal Source: Go...