José RizalBuong pangalan: José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda
Kapanganakan: 19 Hunyo 1861
Lugar ng kapanganakan: Calamba, Laguna
Kamatayan:30 Disyembre 1896 (edad 35)
Lugar ng kamatayan: Bagumbayan (Luneta ngayon), Maynila, Pilipinas
Pangunahing organisasyon: Kilusang Propaganda,
La Liga FilipinaPangunahing monumento: Liwasang Rizal
~ Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda isang bayani at isa sa pinakatanyag na tagapagtaguyod ng pagbabago sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Siya ang kinikilala bilang pinakamagaling na bayani at tinala bilang isa sa mga pambansang bayani ng Pilipinas ng Lupon ng mga Pambansang Bayani.Pinanganak si Rizal sa isang mayamang angkan sa Calamba, Laguna at pampito sa labing-isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos.
Nag-aral siya sa Ateneo Municipal de Manila , at nakakuha ng diploma sa Batsilyer ng Sining at nag-aral ng medisina sa Pamantasan ng Santo Tomas sa Maynila.
Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Universidad Central de Madrid sa Madrid,Espanya, at nakakuha ng Lisensiya sa Medisina, na nagbigay sa kanya ng karapatang sanayin ang medisina. Nag-aral din siya sa Pamantasan ng Paris at Pamantasan ng Heidelberg.
Isang polimata si Rizal; maliban sa medisina, mahusay siya sa pagpinta, pagguhit, paglilok at pag-ukit. Isa siyang makata, manunulat, at nobelista na ang pinakatanyag sa kanyang mga gawa ay ang nobela ng Noli Me Tángere at ang kasunod nitong El filibusterismo . Isa ring poliglota si Rizal, na nakakaunawa ng dalawampu't dalawang mga wika.
Ang pamilya ni José Rizal
Anak si Rizal nina Francisco Rizal Mercado (1818-1897) at ni Teodora Morales Alonzo y Quintos (1827-1911; na ang pamilya nila ay pinalitan ang kanilang apelyido bilang "Realonda"), na parehong masaganang magsasaka na pinagkalooban ng upa sa isang hacienda at kaakibat nitong palayan ng mga Dominikano.
Pampito sa labing-isang magkakapatid si Rizal:
~Saturnina (Neneng) (1850-1913)
~Paciano (1851-1930)
~Narcisa (Sisa) (1852-1939)
~Olympia (1855-1887)
~Lucia (1857-1919)
~María (Biang) (1859-1945)
~José Protasio (1861-1896)
~Concepción (Concha) (1862-1865)
~Josefa (Panggoy) (1865-1945)
~Trinidad (Trining) (1868-1951)
~Soledad (Choleng) (1870-1929)Ikalimang salinlahi na si Rizal sa inanak ni Domingo Lam-co Quanzhou noong kalagitnaan ng ika-17 dantaon. Napangasawa ni Lam-co si Inez de la Rosa, isang Sangley ng Luzon.
BINABASA MO ANG
El Filibusterismo (Buod/Pahiwatig ng Bawat Kabanata)
Ficção HistóricaTULONG SA PAG-AARAL: -José Rizal -Kasaysayan -Mga tauhan -Buod ng mga kabanata -Pahiwatig ng bawat kabanata -Mga tanong at kasagutan -Magandang maidudulot -Pagkakaiba ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo -Mga babae sa mga obra ni Rizal Source: Go...