Kabanata 15: Si Ginoong Pasta

52.6K 122 2
                                    


Kabanata XV
Si Ginoong Pasta

(Buod)



Si Ginoong Pasta ay isang bantog na manananggol. Sinadya ito ni Isagani upang pakiusapan na kung maari ay mamagitan ng sang-ayon sa kanila kung sakaling sumangguni si Don Custodio. Ngunit nabigo siya dahil nagpasiya ang abogado na huwag nakialam dahil maselan ang usapan. Marami na siyang pag-aari kaya’t kailangang kumilos nang ayon sa batas. Ang ganting katwiran ni Isagani ay lubos na hinangaan ng abogado dahil sa katalinuhan at katayugan ng pag-iisip nito.



Mga Tanong at Sagot

1. Sino si Ginoong Pasta?

Sagot

Isang bantog na mananaggol ng Maynila.

2. Anong klaseng mamamayan ang inilarawan na Rizal sa pagkatao ni G. Pasta?

Sagot

Siya ang sumasagisag sa mga Pilipinong nagnanais na manatiling sakop ng mga Kastila ang Pilipinas.

3. Anong katauhan ang ipinahiwatig sa papel ni Isagani?

Sagot

Siya ay simbulo ng mga kaisipan na naglalaman ngmga idealismo ng mga pangarap tungo sa pagkakaroon ng demokrasya at kalayaan.

•••

Pahiwatig ng kabanata:


-Upang mailapit at makahingi ng tulong sa isang taong makapangyarihan, kailangang hanapin muna ang kaibigan o kinaaalang-alangan nito; isang sakit ng lipunan na ngayon ay palasak.

-Maraming taong tumitigin sa pansariling kapakanan at winawalng bahala ang ikabubuti ng bayan.

---

El Filibusterismo (Buod/Pahiwatig ng Bawat Kabanata)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon