Maraming mga maidudulot sa nobelang El Filibusterismo. Sa unang sampung kabanata pa lang, marami na akong natutunan tungkol sa akin, sa lipunan at sa Pilipinas.Para sa akin, natutunan ko na ang galit ay nakakapag-udyok na maggawa ng mabubuting o masasamang gawain. Si Simoun, dahil sa galit niya sa Espanyol, ay nagpaplano ng rebolusyon para palayain ang Pilipinas. Ginagawa niya ang lahat ng makakaya niya tulad ng pag-recruit sina Basilio at Tales at iba pa. Si Kabesang Tales naman ay nagalit sa mga Espanyol dahil sa mga abusong ginawa nila sa kanya tulad ng pataas ng pataas ng tax. Dahil sa galit niya, kinuha niya ang rebolbo ni Simoun at pinatay niya ang tatlong tao. Sa kabuuan, ang galit ng isang tao ay nagpapagawa ng masama o mabuting gawain.
Sa lipunan ng El Fili, makikita natin na ang diskriminasyon ay madalas na nangyayari. Katulad ng kutsero, ilang mga Indio ay natatakot sa mga gwardya sibil. Sa ating lipunan ngayon, marami pa ring mga kaso kung saan nadidiskriminate ang mga iba't-ibang lahi. Ang mga mayaman ay ayaw magtulong sa mga mahihirap. Hindi dapat ganito tayo. Lahat tayo ay tao, mahirap man o mayaman o kahit anumang lahi, lahat tayo ay pantay lang. Dahil dito, lahat tayo ay dapat magtulungan para mas maganda ang lipunan nating tinitirahan.
Sa bansa naman natin, nakikita natin na mabagal ang pag-unlad nito. Nakalipas na ng labintatlong taon, ngunit sinabi ni Simoun na parang wala pa ring pagbabago. Lahat ng mga mahirap ay mahirap pa rin. Kung ikukumpara mo ang ating bansa sa mga iba tulad ng Europa o Amerika, makikita mo na hindi tayo kasing-advanced katulad nila. Bilang isang bansa, dapat nating gawin ang lahat para tayo ay isang bansa na advanced katulad ng Europa at Amerika. Ang ilang mga proyekto natin ay nasimulan na dati pa, tulad ng MTR, ngunit hanggang ngayon hindi pa gaano kaayos ang MTR natin.
Ang nobelang El Filibusterismo ay tunay na maganda. Maraming mga aral ang maidudulot sa nobelang ito. Kahit matagal na nasulat ang nobelang ito, magagamit pa rin ang mga aral na makukuha natin dito sa lipunan natin ngayon.
©
BINABASA MO ANG
El Filibusterismo (Buod/Pahiwatig ng Bawat Kabanata)
Historical FictionTULONG SA PAG-AARAL: -José Rizal -Kasaysayan -Mga tauhan -Buod ng mga kabanata -Pahiwatig ng bawat kabanata -Mga tanong at kasagutan -Magandang maidudulot -Pagkakaiba ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo -Mga babae sa mga obra ni Rizal Source: Go...