Kabanata XVI
Ang Kasawian ng Isang Intsik(Buod)
Si Quiroga, isang negosyanteng Intsik na naghahangad magkaroon ng konsulado ang kanyang bansa ay naghandog ng isang hapunan. Dinaluhan ito ng mga tanyag na panauhin, mga kilalang mangangalakal, mga prayle, mga militar, mga kawani ng pamahalaan, gayun din ang kanilang mga suki.
Dumating si Simoun at nang singilin niya si Quiroga sa utang na siyam na libong piso, sinabi nitong nalulugi siya. Inalok ni Simoun na bawasan ng dalawang libong piso ang utang ni Quiroga kung papaya gang intsik na itago sa kanilang bodega ang mga armas na dumating. Hindi raw dapat mangamba ang Intsik, sapagkat ang mga baril ay unti-unting ililipat sa ibang bahay na pagkatapos ay gaagawan ng pagsisiyasat at marami ang mabibilango. Siya ay lalakad sa mga mapipiit upang kumita. Napilitang sumang-ayon si Quiroga. Ang pangkat ni Don Custodio ay nag-uusap tungkol sa komisyong ipapadala sa India para pag-aralan ang paggawa ng sapatos para sa mga sundalo.Sa pulutong ng mga pari, ay pinag-uusapan nila ay tungkol sa ulong nagsasalita sa may perya sa Quiapo na pinamamahalaan ni Mr. Leeds.
•••
Mga Tanong at Sagot
1. Bakit naghanda ng isang malaking hapunan si Quiroga?
Sagot
Siya ay naghahangad na magkaroon ng konsulado ang Tsina sa Pilipinas.
2. Bakit iginalang ni Quiroga si Simoun?
Sagot
Dahil sa pagiging malapit nito sa kapitan-Heneral.
3. Bakit nagkautang si Quiroga kay Simoun ng siyam na libong piso?
Sagot
Kumuha siya ng tatlong pulseras kay Simoun na ibinigay niya sa isang babaeng kaibigan ng isang makapangyarihang lalaki.
•••
Pahiwatig ng kabanata:
-Ang pagtanggap ng suhol ng mga nanunungkulan sa pamahalaan at ang pagsasamantala sa mga lumalapit sa kanila ay nakapagdaragdag ng paghihirap ng bayan. Ito ang pinakamalubhang sakit ng lipunan sa ngayon.
---
BINABASA MO ANG
El Filibusterismo (Buod/Pahiwatig ng Bawat Kabanata)
Historical FictionTULONG SA PAG-AARAL: -José Rizal -Kasaysayan -Mga tauhan -Buod ng mga kabanata -Pahiwatig ng bawat kabanata -Mga tanong at kasagutan -Magandang maidudulot -Pagkakaiba ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo -Mga babae sa mga obra ni Rizal Source: Go...