Kabanata 8: Maligayang Pasko

57.1K 135 3
                                    

Kabanata VIII
Maligayang Pasko

(Buod)


Hindi naghimala ang birhen. Di nagbigay ng karagdagang salaping kailangan ni Huli. Natuloy si Huli sa pagpapaupa kay Hermana Penchang. (Iyon ay araw ng Pasko). Sa sama ng loob ay napipi si Tandang Selo.

•••


Mga Tanong at Sagot

1. Papaano makatulong ng malaki ang mga prayle sa matagal na pagkakaalipin ng Pilipinas?

Tugon

Itinuturo ng mga kura na isa sa mga mabtuing katangian ng mga Katoliko ay ang pagtitis at pg-asa sa mga milagro ng Santo (o ng lilok ng larawan). Si Huli halimbawa, ay umaasa o nagbabasakali sa pagmimilagro ng Mahal na Birhen. Ngunit ng di matupad ito, natuto siyang magtiis at inihanap ng katwiran ang kanyang kasawian.

2. Bakit sa halip na hintayin ng mga bata na may tuwa ang araw ng pasko ay kinatatakutan pa nga nila ito? 

Tugon

a) maaga silang ginigising para magsimba; 

b) binibihisan sila ng mga magagara (ayaw ng mga bata ng matitigas na damit dahi lsa almirol at mga bagong sapatos na masakit sa paa); 

k) isinisimba sila sa misa mayor na matagal; 

d) pinaluluhod sila sa lahat ng kamag-anakan upang humalik sa kamay.



•••


Pahiwatig ng kabanata:

-Ang mga Pilipino ay mapaniwalain sa mga himala. Ang paghahanap ni Huli ng Salaping inaasahang ibibgay ng Birhen ay kaigsian ng pag-iisip. Ibig ipaunawa ni Rizal na nasa tao ang gawa at nasa Diyos ang awa.

-Ang pagkapipi ni Tandang Selo Ay nagpapahiwatig ng pagkaka-alis sa mga Pilipino ng kalayaang magpahayag ng kanilang nais sabihin.

---

El Filibusterismo (Buod/Pahiwatig ng Bawat Kabanata)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon