Kabanata VI
Si Basilio(Buod)
Nang tumutunog ang mga batingaw ng noche buena, si Basilio ay palihim na nagtungo sa gubat. Paliit ang buwan. Kaya't paaninaw na tinungo ni Basilio ang libing ng kanyang ina. Ipinagdasal ang kaluluwa ng ina at gunita ng nakaraang may 13 taon.
Namatayan ang kanyang ina. May dumating na lalaking sugatan. Pinahakot siya ng kahoy na ipansusunog sa bangkay ng ina at ng sugatang lalaki. May dumating pang isang lalaki. Tumulong ito sa pagtatalsakan ng kahoy at paglilibing sa kanyang ina.
Umalis siya sa gubat. Lummuwas ng Maynila. Maysakit at gulanit ang damit. Ninais nang pasagasa sa mga karuwahe dahil sa hirap at gutom. Natagpuan niya sina Kap. Tiyago na katatpos dalhin sa beateryo si Maria Clara. Kinuha siyang katulong o utusan. Ping-aral sa Letran. Unang taon: wala siyang nabibigkas kundi ang pangalan niya at ang salitang adsum o narito po. Minaliit siya dahil sa luma at gulanit na suot. Gayunman ay lagi siyang nagsasaulo ng leksiyon. At nang matuos niyang sa tatlo o apat na paraan sa kanyang klase ay may 40 lamang ang nagtatanong di na sumama ang loob niya. Nang magsulit, natugon niya ang tanong sa kanya at ang marka niya para sa unang taon ay aprovado. Ang siyam niyang kasamahan sa pagsusulit ay nangag-ulit na lahat.
Ikatlong taon. Naisipan ng professor na Dominiko ang pagtanong kay Basilio na akala niya'y tanga upang magpatawa sa klase. Natugon ni Basilio ang tanong. Parang loro siya sa pagsagot. Noo'y di na tinanong si Basilio. Bakit pa tatanugin ito'y di naman nakapag-papatawa sa klase? Nawalan ng sigla sa pag-aaral si Basilio. Nguni't isang professor niya ang nasiyahang tumanggap ng hamon ng mga kadete sa isang pasyalan at nagyakag ng mga estudyante niya na inilaban niya sa mga kadete sable laban sa baston. Namayani si Basilio sa labanan. Nakilala ng professor. Nang magtapos: sobresaliente at may mga medalya pa.
Muhi si Kap. Tiyago sa mga prayle mula nang magmongha si Maria Clara. Pinalipat si Basilio sa Ateneo Municipal. Malaki ang natutuhan ni Basilio. Nagsulit siya sa pagkabatsilyer. Ipinagmalaki siya ng kanyang mga profesor. Nakasulit siya at kumuha ng medisina. Pagkatapos, naging matiyaga at masigasig sa pag-aaral si Basilio. Kaya di pa man nakakatapos ay nakapanggamot na siya. At huling taon na ng pag-aaral ni Basilio. Pagkatapos niya'y pakaksal na sila ni Huli.
•••
Mga Tulong Sa Pag-aaral
1. Totong malaki ang bilang ng mga mag-aaral sa klase noong panahon nina Rizal - 300 hanggang 400 sa isang klase. Paano magiging mabisa ang pagtuturo?
2. Dito'y inilarawan ni Rizal ang higt na kaunlaran ng mga Hesuwita sa Ateneo kaysa mga Dominiko na siyang halos namamahala sa pagtuturo sa Pilipinas.
Mga Tanong at Sagot
1. Bakit kailangang palihim pa ang pagtungo ni Basilio sa gubat na ari ni Kap. Tiyago?
Tugon
Ayaw na niyang maungkat nino man ang kanyang kahapon. Siya'y pinaghahanap pa rin ng bats sa likod ng may 13 taon nang nakakalipas. (Alalahaning buhay pa si Padre Salvi na bahagi ng pamahalaan).
2. Ano ang kapuna-na sa pagkakapagaling ni Basilio sa ketonging nilimusan ni Maria Clara ng isang agnos na mamahalin?
Tugon
Kahit nitong mga panahon ito ay may ilan pang naniniwala na ang ketong ay nakakahawa at di napapagaling. Sa sandaling magkaketong ang iasng tao siya ay ibinibilang nang patay nabubuhay na patay walang pag-asa at kadalasa'y pinatitira sa mga malalayong kabundukan upang hindi makahawa. Lalo pa noong panahon nina Rizal. Maalaala na ang ketonging ito na nilimusan ni Maria Clara ng agnos ay sumagip ng isang bata na nalulunod sa knal. Sa halip na pasalamatan ay pinagpapalo at pinarusahan. Mabuti pa raw nalunod na ang bata kaysa mahawa. Nguni't noon pa man ay naniwala na si Rizal na ang ketong ay mapapagaling. Kung totoong may katibayan si Rizal sa mga pangyayaring inilarawan niya sa Noli at Fili isang estudyante lamang nguni't masigasig at palaaral na tulad ni Basilio ay nakapagpagaling ng isang ketongin.
•••
Pahiwatig ng kabanata:
-Ang pagpapaalila ni Basilio upang makapag-aral ay nagpapakita ng pagpapahalaga ni Rizal sa Karunungan. Maging ano mang uri ng gawain basta't marangal ay kailangang pasukan upang makatapos ng pag-aaral. Kailangan ang pagtitiis, pagtitiyaga at pagsusumigasig upang matuto.
-Sa kabanatang ito'y napabulaanan ang kasabihang kung ano ang puno'y soyang bunga. Si Basilio ay may mga mabubuting katangiang kabaligtaran ng sa ama.
---
BINABASA MO ANG
El Filibusterismo (Buod/Pahiwatig ng Bawat Kabanata)
Historical FictionTULONG SA PAG-AARAL: -José Rizal -Kasaysayan -Mga tauhan -Buod ng mga kabanata -Pahiwatig ng bawat kabanata -Mga tanong at kasagutan -Magandang maidudulot -Pagkakaiba ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo -Mga babae sa mga obra ni Rizal Source: Go...