AKO 'YUN, SANA!

20 2 0
                                    

Ako 'yun, sana!

Written By: Dropper101

Hindi na naman ako mapakali kasi namimiss kita. Wala naman akong ibang magawa kung hindi ang i-check ang status mo sa fb. 'Yun lang naman ang pinaka-hobby ko, ang ii-stalk fb account mo. As usual, ang cute mo pa rin.

Pero napatunganga at napa-dabog ako sa keyboard ko ng makita ko kayong dalawa ng bago mo.

Kung nasabi ko lang sana agad ay ako sana ang kasama mo ngayon at hindi ibang tao. Masaya na akong nakikita kitang masaya. Sa piling nga lang ng iba...

Hindi ko man lang masabi sa iyo na ako 'yung taong minahal mo. Di ko man lang maipagtanggol ang sarili ko kasi alam ko naman na wala akong laban sa kasama mo ngayon.

'Di hamak na mas gwapo siya sa akin, mas matalino, talented, at higit sa lahat mayaman. 'Di tulad ko, isang mahirap lang.

Ako 'yung ka-text at lagi mong kausap sa phone.
Ako 'yung iniiyakan mo sa tuwing nagrereklamo ka dahil sa pamilya mo na hindi mo maintindihan.
Ako 'yung kinakantahan mo kapag matutulog na ko.
Ako 'yung nagbibigay sa iyo ng mga payo kapag may malaki kang problema.
Ako 'yung nagpapasaya sa iyo sa tuwing malungkot ka!
Ako 'yung taong mahal na mahal mo!

Ako dapat yung kasama mo ngayon!
Ako yun eh.
AKO YUN!
Oo, AKO TALAGA YUN!

Bakit hindi mo nalaman na ako yun? Na ako yung lagi mong kausap.

Hindi ka man lang nagtanong. Ah oo nga pala, siya nga pala ang gusto mo. Crush na crush mo nga pala siya. Kaibigan ko pa talaga! Hays.

Pero hindi sapat na dahilan iyon para akalain mong ako ay siya! Magkaiba kami!

Ganun ba talaga kapag sa phone lang nagkakilala? Ganun nalang ba talaga 'yun?

Sana makilala ako ng puso mo, dahil ako 'yun!
Sana magkaroon tayo ng chance, dahil ako 'yun!
Sana maging maliwanag na ang lahat, dahil ako 'yun!
Sana maramdaman mong ako ang totoong nagmamahal sa iyo, dahil ako 'yun! Sana...

Hindi naman ito tula pero parang naging tula. Ayos lang basta para sa iyo ay handa akong maging makata.

Sana, Ako yun!
Ako Yun, Sana!

- Dropper101 -

HEARTBEAT'S PRESENTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon