Lia
Nang magising ako kinabukasan ay malayang naglalagos sa hindi ko naisarang bintana kagabi ang sikat ng haring araw. Nag-iinat na bumangon ako at kaagad napangiti ng masilayan ang maliit na post it sticker sa katawan ng night lamp. Mabilis kong kinuha ang note ni Andrei na nagsasaad ng:
Morning sweetheart. Isinama ko si Andrew sa office. Before lunch nakabalik na kami sa iyo.
Forever yours,
Andrei.
Lalong lumapad ang ngiti ko sa closing remarks niyang Forever Yours. Napakacheesy niya pala. Corny mang aminin e kinikilig ako na tulad ng sa isang teenager.
I decided to call him back ng makita ang ilang nakarehistrong miss calls sa phone ko galing sa kanya. Nakakaisang dial pa lang ako ay kaagad niya nang sinagot."How's your sleep?"masigla niyang bungad na bati.
"Okay naman."maikli kong sagot habang nagbubukas ng closet upang mamili ng isusuot kong damit after kong maligo.
"Hindi na kita ginising kanina para ipagpaalam na isinama ko dito sa office si Andrew. Gusto niyang makita ang company kaya hindi na ako nagpatumpik tumpik pa. You know someday magiging kanya ito at siya ang mamumuno."
Nangunot ang noo ko sa tinuran ni Andrei. "Pero ang bata pa ni Andrew."kontra ko. Sinipat ko ang isang Sunday dress na kulay pula. Hanggang tuhod ang yari noon ngunit malalim ang parte sa bandang dibdib kaya tiyak na lalabas ang cleavage KO. Pambihira si Mama. Ang dami niyang ipinadalang damit na pasexy!
"Yeah he's so young pero hindi ko naman siya pinupwersa. Siya ang nagkusang sumama sa akin nang malaman niyang may aaaikasuhin ako sa office. Gusto niya lang daw sumilip."salag ni Andrei. "And besides I think gusto niya lang mai-compare ang work ko sa work ni Leon."kinabakasan ng inis ang tinig ni Andrei ng mabanggit ang kapatid ko.
"Alam na naman niya ang nature ng business ni Leon a."sabi ko. Napailing ako nang isang super ikling shorts ang nakuha ko. Si Mama talaga..
Naghalungkat pa ulit ako sa mga nakahanger na damit. Para kasing gusto talaga ni Mama na magbilad ako ng katawan kay Andrei. Kung hindi super ikli at lalim ng uka ng mga pinadala niyang damit ay see through naman iyon.
"Sobrang alam niya na nga. And would you imagine na pinangakuan siya ni Leon na pagdating niya ng 20 years old ay siya na ang magtetake over ng company ng pamilya ninyo!"furious niyang sabi.
Napaawang ang bibig ko, mukhang nag-ignite ng away ang plano ni Leon sa pagitan nila ni Andrei.
"Anak ko si Andrew kaya siya ang hahawak ng kumpanya ng mga Monseratt, Lia. " Mariing sabi ni Andrei. Nagulat ako na totohanan ang galit sa tinig niya.
"Calm down. Wala naman sigurong intensyon si Leon na pangunahan ka."sabi ko sa malumanay na tinig.
"Namumuro na siya sa akin Lia."parang nagtitimpi na sabi ni Andrei. "Iti-nour niya kahapon ang anak natin sa mga kumpanya ninyo para itanim sa utak ng bata na iyon ang pag-aari niya. Bakit hindi siya gumawa ng sarili niyang anak? Bakit ba si Andrew ang pinipilit niya?"
Napipilan ako sa sinabi ni Andrei at nag-isip. Part ng pamilya namin ni Leon si Andrew at bago pa kami nagkabalikan ni Andrei ay siya na ang naatangan ng mga parents ko na mamahala after Leon dahil wala yatang balak na mag-asawa ang kapatid ko.
"Andrei,"nananantiya kong tawag sa pangalan niya. "A kasi bago tayo naging okay ay sinabi nila papa na si Andrew ang maghahandle ng company kapag walang naging tagapagmana si Leon. You know, ultimatum kay Leon para bumuo na siya ng pamilya."paliwanag ko. "Hindi naman sila seryoso dahil tinatakot lang talaga nila si Leon."dugtong ko ng marinig kong magmura si Andrei. Kinabahan ako ng muling magsalita si Andrei.
"Kahit ano pang mangyari Lia, anak ko si Andrew kaya tigilan na ni Leon ang panghihimasok niya sa kinabukasan ng bata."
Malalim na buntunghinga ang pinakawalan ko. I-m-i-nental note ko na kausapin si Leon patungkol sa bagay na ipinagpuputok ng butse ni Andrei.
Kung tutuusin pwede namang palampasin ni Andrei ang ginawa ni Leon pero ewan ko ba kung bakit pumatol pa siya sa pang-iinis ni Leon.
Nagpaalam si Andrei na dumating na daw ang investor na dahilan kung bakit niya kinailangang pumasok ng office niya. Ipinagpaalam niyang pauupuin niya sa loob si Andrew para magkaideya na sa trabaho niya.
Sumang-ayon na lang ako para hindi na kami magtalo. Para kasi sa pusong ina na nanalaytay sa akin, ang nais ko ay hindi mapwersa si Andrew at mabigyan ng chance na pumili ng kanyang karera. Iyong totoong hilig niya, iyong magpapasaya sa kanya at kung nasaan ang puso niya.
Tuluyang nawala ang sigla ko kaya naman itinigil ko na ang paghahanap ng isusuot na damit dahil nainis ako kay Andrei at Leon. Para silang mga bata na nagpapaligsahan kay Andrew.
Nagdecide na lang akong maligo para maibasan ang inis sa sistema ko. Tamad na tamad kong hinubad ang suot kong roba at walang anumang saplot na pumasok sa banyo.
Tumapat ako sa dutsa ng shower at ganoon na lang ang panghihilakbot ko ng tumama sa akin ang napakalamig na tubig.
OMG! Super lamig ng tubig. Nakalimutan kong timplahin ang tubig gawa ng pag-iisip sa dalawang lalaki na nagpapasakit ng ulo ko. Urrrhggg!
Mapapaaga yata ang pagtanda ko dahil sa mga ito!
BINABASA MO ANG
Marry Me again, Sweetheart (Completed)
RomanceNasaktan man si Lia sa pakikipaghiwalay sa kanya ni Andrei ay tinanggap niyang bumalik sa dating estado niya sa buhay nito bilang: KAIBIGAN, kahangalan mang isipin. Now, single and much available and annuled bakit may nadagdag na naman sa status niy...