Chapter 17

23.5K 479 3
                                    

Lia

            Mula sa pag-iikot sa isang kilala at malaking mall ay nahahapong naupo sa isang silya si Lia. Tanaw niya ang fountain at ang malakas na pataas na tubig. Maghapon na siyang naroroon sa nabanggit na mall upang mamili ng mga damit ng malapit niya ng isilang na anak. Marami nang nakahandang damit ang anak niya, katunayan ay punung-puno na ang closet na nakalaan para dito. Bukod sa mga binili niya ay madami ding galing sa mama’t papa niya at maging kay Leon.

            Pinalipat na rin siya sa mas komportableng bahay ng papa niya para naman maayos ang maging paligid ni baby Andrew. Andrew ang napili niyang pangalan ng anak nila ni Andrei. Kahit man lamang sa limang letra sa pangalan ay maisunod niya ang kanilang anak kay Andrei. Apelyido niya ang gagamitin ni baby Andrew dahil annulled na siya sa ama nito. Dumudurog sa puso niya ang katotohanang hindi magagamit ng anak nila ang apelyido ng ama nito. At kung sakaling magtatanong ang anak nila kapag nagkaisip ito kung bakit magkapareho silang mag-ina ng apelyido ay papaano niya sasagutin? Ngayon pa lang ay nasasaktan na siya para sa anak. At sa konsekwensyang haharapin nito habang nagkakaisip dahil wala itong matatawag na “daddy” tulad ng ibang bata.

            Hinimas niya ang nakaumbok na tiyan. Paulit-ulit siyang humihingi ng paumanhin dito dahil isisilang itong walang ama. Pangako ibibigay niya ang lahat ng kailangang pagmamahal sa anak niya para kahit kaunti ay makabawi siya dito.

            Isang napakalalim na buntunghinga ang pinakawalan niya ng mahagip ng mga mata ang naglalakad na masayang mag-asawa kalong ang dalawang anak. Kuntento ang mukha ng kargang mga bata dahil may buong pamilya. Naiinggit siya para sa anak niya dahil wala itong buong pamilya.

            Muli ay nagpakawala siya ng malalim na buntunghininga. Nahuhulog na naman siya sa kanyang self-pity nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Nang sipatin niya ang screen ay nakarehistro doon ang pangalan ni Leon. Tiyak na hinahanap na siya nito at kailangan niya ng bumalik sa bahay.

            Bitbit ang isang may kalakihang paperbag ay nagsimula na siyang humakbang papunta sa exit ng mall. Usually. Kapag ganitong mga lakaran ay siya ang nagda-drive ng kotse noong dalaga pa siya ngunit ngayon ay kailangan niya pa ng driver. Naaawa din naman siya sa naatasang driver niya dahil matagal parati ang pinaghihintay nito sa kanya.

            Paliko na siya ng aksidenteng may makabanggaan. Awtomatiko ang paghawak niya sa kanyang tiyan bilang proteksyon. Nakahinga siya ng paluwag dahil hindi nadali ang tiyan niya o kaya ay na-off balance siya. Hihingi na sana siya ng paumanhin ng biglang matigilan ng mapagsino ang kaharap.

            “Long time no see, Lia.”anang babaeng kaharap niya. Mala-impakta ang ngiting nakasilay sa bibig nito. Iyong tipong kontrabida na nagpapahirap sa bida.

            Nanlaki ang mga mata niya at awtomatikong lumingon sa paligid. Anong ginagawa nito dito? At sinong kasama nito? Huwag naman sana si Andrei.

            “I see, you are pregnant.” Nakakaloko ang ngiting sumilay sa maninipis nitong labi. Itinakip niya ang hawak na paperbag sa malaking tiyan. “Iyan ba ang reason kung bakit naghiwalay kayo ni Andrei? Dahil nabuntis ka ng ibang lalaki?”dire-diretso nitong sabi na puno ng pangungutya ang tinig. Mabuti nang ganoon ang isipin nito kaysa iparating nito kay Andrei ang kalagayan niya.

            “Bye.”simple niyang paalam. Iniiwasan niya ito dahil ramdam niya ang sakit na pumupuno sa dibdib niya dahil ito ang mahal ng lalaking labis niyang iniibig.

            “Wait, hindi pa tayo tapos!”angil nito. Hinawakan nito ng madiin ang braso niya. Bumaon doon ang mahahaba nitong mga kuko. Pigil niya ang sariling mapadaing. “Pwede mo naman siguro akong samahang kumain. For old time’s sake!”anyaya nito. Bagaman nakangiti ay iba ang sinasabi ng galit nitong mga mata.

            “Nagmamadali ako, Chloe.”tanggi niya.

            Nag-isang linya ang maninipis nitong kilay na alaga sa trim. “Hindi mo siguro kayang kumain kasalo ng kaibigan mong matalik na inahas at inakit ang nobyo para siya ang mapakasalan!”sigaw nito at pagpapamukha sa kanya.

            Dating nobyo! Iyon ang sigaw ng isip niya bilang pagtatama sa claim nito. Dati nitong nobyo si Andrei. At wala siyang inahas at inakit na nobyo mula dito dahil iniwan at ipinagpalit nito si Andrei sa iba!

            “I really hate you Lia even from the start! I don’t even consider you as my friend.”parang bomba iyong sumabog sa pandinig niya. Ang akala niya ay mahal siya nito dahil magkaibigan sila. Iyon pala ay paimbabaw ang magandang pakita nito sa kanya noon.

            Napaigik siya ng mas lalo nitong ibaon ang kuko sa braso niya. Hindi niya na alam ngayon kung ano ang uunahing indahin. Ang nasasaktang braso o ang damdaming nagkadurug-durog dahil sa rebelasyon ni Chloe. Nang salubungin niya ang mga mata nito ay nakita niya doon ang matinding poot. Bahagya siyang napaatras. Kitang-kita ang galit nito sa kanya pero hindi ba’t dapat siya ang mas magalit dito? Nakikipagmabutihan ito kay Andrei kahit kasal pa ang asawa niya. Wala siyang malinaw na ebidensya na may relasyon ang mga ito bago pa sila maghiwalay ni Andrei pero sapat na ang nakita niya noon sa bahay ni Andrei para maniwala siyang hindi nawalan ng ugnayan ang mga ito.

            Hindi siya nakatanggi ng hilahin siya nito sa mas tagong lugar. Doon sa malayo sa karamihan dahil sa sakit ng pagkakahawak nito sa kanya at sa lumulutang niyang isip.

            “Sino ang ama ng dinadala mo Lia!”malakas nitong tanong. May ideya ba itong kay Andrei iyon? “Si Andrei ba?”tanong nito.

            Tinangka niyang ibuka ang bibig para pasubalian ang bagay na iyon pero kaagad siya nitong sinampal.

            “Malandi ka, nagpakasal ka na. Nagpabuntis ka pa!”

            Akma ulit siya nitong sasampalin ng salagin niya ang kamay nito.

            “Stay away from me Chloe. Huwag mo akong guguluhin dahil hindi kita ginagalaw. Sa iyong-iyo na si Andrei.”matapang niyang sabi. Kailangan niya ng lumaban. Hindi para sa kanya kundi para sa anak niya. Bahagya itong napatda palibhasa ay sanay itong kinakayan-kayanan siya noon. Sinamantala niya ang pagkatigalgal nito para alisin ang kamay nito sa braso niya. Tinalikuran niya ito para iwan ngunit nakakailang hakbang pa lang siya ay hinagip nito ang buhok niya.

            “Akin lang talaga siya!”sabi nito. Hindi pa ito nagkasya sa paghila sa buhok niya. Itinulak pa siya nito paharap sa halera ng mga payphone.

            She screams dahil sa tindi ng sakit na biglang gumuhit sa kanyang puson. At ng tingnan niya ang paanan niya ay napakadaming dugo na naagos mula sa kanya.

            “No!”malakas niyang sigaw. Nagpapanic na siya dahil naulit muli ang naranasan niya noong muntik ng mawala ang baby niya. This time, hindi pwedeng mawala ang anak niya.

            “Lia, I’m sorry.”sabi ni Chloe.

“Help me.”pakiusap niya.

Tinangka nitong lumapit pero biglang tumakbo palayo. Patakas sa krimeng ginawa nito!

Nagtatangis man ang bagang dahil sa ginawa ni Chloe ay nagpasya na lamang siyang gumawa ng hakbang. Sa tindi ng nararamdaman niyang sakit at isiping mawawala ang anak niya ay kailangan niyang magpatatag at unahin ang kalagayan ng anak niya kaysa sa ibang bagay. Kailangan niyang magpatatag dahil walang ibang dadamay sa kanilang mag-ina.

            Mabilis niyang idinayal ang numero ng naghihintay niyang driver. Sinabi niyang puntahan siya nito. Salo ang ibabang bahagi ng kanyang puson ay naglakad siya paalis doon. Ngunit nakakailang hakbang pa lang siya ay lalong tumitindi ang sakit. Kinakapos na din siya ng hininga. Ayaw niyang sumuko ngunit sa isang paghakbang pa ay umikot na ang tingin niya sa paligid. Kasunod noon ang pagkawala niya ng lakas para manatiling nakatayo. Pabagsak na siya ngunit may matitipunong kamay ang sumalo sa kanya. Sa nagdedeliryo niyang kalagayan ay paulit-ulit niyang sinabi na: Please save my baby.

Marry Me again, Sweetheart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon